Previous Page of 2Next Page

Sorry? (One shot)

Dedicated to
Jax_Me_118
spinner.gif

Author's Note: Wag niyo pong seseryosohin. xD Wala lang po akong magawa sa buhay ko. Haha. Pero vote and comment padin po kayo. Thank you! :) 

Dedicated sakanya kasi nagustuhan niya yung Unreturned Love ko. At nagpadedicate siya sakin dati sa isang short story na happy ending naman daw. Ewan ko lang kung tanda mo pa. Hehe. Thank you dahil nagustuhan mo yon. :) 
-----

*Sorry? (One shot)*




"Ang gwapo niya talaga. Hayyy." sabi ko habang nakatingin sa picture ni Benedict sa may cellphone ko. 

 

 

"Alam kong gwapo ako pero hindi mo na kailangan ilagay pa sa cellphone mo yang picture ko." sabi ni. Ni.. O__________________________O

 

 

OHMYGOSH. >//////////< 

 

 

Tumayo ako sa upuan ko at tinago ko yung cellphone ko sa bulsa ko. "Ahh, hehe. H-hindi naman ikaw yun eh. S-si.." naghahanap ako ng pwedeng ituro ko na lalaking classmate ko. "S-si. Ah, si Seb yon!" sabi ko. 

 

 

"T-talaga?" sabi niya habang nakatingin siya sakin ng masama. 

 

 

"O-oo naman noh! Haha." 

 

 

"Malabo akong magkacrush sayo. Tandaan mo yan." sabi ni Benedict sakin tapos ay u-umalis na siya. 

 

 

Gusto kong umiyak kaya lang bakit naman ako iiyak? Hindi naman masamang umasa diba? Diba? Hindi naman? Masaya naman ako ng tinitingnan ko lang siya eh.

 

 

Ngumiti ako ng parang walang nangyari, ng parang walang narinig. "Hayy. Okay lang yon. Cheer up!" sabi ko sa sarili ko. 

 

 

Eto na naman ako, nakatingin na naman sa may picture niya sa may cellphone ko. Ang gwapo niya talaga kahit kailan. Tsk. 

 

 

"Bernice! Bernice!" sabi ni Yvonne sakin, ang bestfriend ko. 

 

 

"Oh? Bakit? Anong nangyari?" tanong ko. 

 

 

"S-si.. Si, Benedict!" 

 

 

"Bakit?! Anong nangyari kay Benedict?!" 

 

 

"S-si Benedict!" ulit niya.

 

 

"Ano ba kasi yun? Ano bang nangyari?" 

 

 

"M-ma-" hindi niya maituloy tuloy yung sasabihin niya kasi naman sobrang hingal na hingal siya. 

 

 

"Anong ma? Umupo ka nga muna at magrelax ka." sabi ko kaya naman pinaupo ko na siya dito sa may tabi ng upuan ko. 

 

 

After 3 minutes bumalik na siya sa dati. 

 

 

"Oh ano na yun?" tanong ko. 

 

 

"Si Benedict-" hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi may sumingit na epal. 

 

 

Ay mali! Hindi pala epal. Isang gwapong nilalang na galing sa langit at bumaba sa lupa para mahalin ako. >/////< Si Benedict. 

 

 

"May gagawin tayong project sa Physics." panimula niya habang nakatingin ng malamig sa aming lahat, ganyan na talaga ata siya eh. Pero okay lang, mahal ko padin siya. ^__^

 

 

"Pair activity to." ohmygosh, sana siya ang makapair ko. "At ako ang magpapair sating lahat." 

 

 

 From <333333333 to </////////////////3 

 

 

Malabo ng kami ang magkapair. Asa pa ako. Tsk. Ayaw niya nga sakin eh. Haha. Diba nga sabi niya malabo siyang magkacrush sakin. 

 

 

Tumayo ako. "CR lang po ako." pagpapaalam ko kay Benedict, ayoko ng mga ganitong scene. Yung tipong, hindi ka pipiliin ng taong mahal mo pag mga ganitong pagkakataon. 

 

 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (4263)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended