Hello guys! thank you sa mga supporters at silent readers na patuloy na nagbabasa ng mga updates ko...sobrang tagal na kasi na sinumulan ko to at ngaun lang talaga ako nagkatime..i hope you'd keep reading at vote like and comment na din :D salamat
dinededicate ko to kay jhulie na naging fan ko yesterday ata or few days ago :D
ENJOY!
Andrei’s POV
Days had passed at mabuti naman naging ok na ang pakiramdam ko, still I have to thank Kaylee for taking me to the hospital. Dito na pala ako nagstay since along with my rest ay nagpakuha na din ako ng mga medical examinations para minsanan na. Health freak kasi ako pero ok na din yun para lagi akong updated sa health ko. The sad thing is never ako dinalaw ni Kaylee, no text nor call… maybe she’s still mad at me? Palabas nako ng ospital today at binalak ko muna magpunta sa paborito kong restaurant.
Calling Manong Ted…
*ring ring*
*ring ring*
“Hello Sir Dre?”
“Manong Ted pasundo naman ako oh”
“Sir lalabas na pala kayo ngayon? Ayos na po ba kayo?”
“Oo naman Manong! Ako pa! Ikaw manong kinalimutan mo na naman sabi ko Dre na lang eh!” biro ko sa kanya
“Ayy sorry po Sir---- este Dre.”
"Oo nga pala manong ayos na po ba yung sasakyan ko? Pwede pong yun na lang dalhin para magamit ko na? Para po atleast makapagpahinga na kayo sa pangungulit ko, Hehe!"
"Nakoo Sir---- Dre wala yun, cge po cge po yun na lang dadalhin ko para po magamit niyo na...napachange oil ko na din po siya."
"Great! Great! I'll wait here sa entrance ok? bye!"
some minutes later...
*beep! beep!*
"Sir--ahmm Dre , halina." pag aanyaya sakin ni Manong sa kotse.. nagtungo naman ako sa drivers side at sinabing ako naman ang magddrive sa kanya..natawa lang ang matanda at tinapik ang balikat ko ng marahan. Inimbitahan ko siyang sumama sa akin sa resto pero sabi niya ay idrop ko na lang daw siya sa bahay dahil maglalaba daw si Aling Lucy kaya kailangan nito ng tulong. Umoo na lang ako at nangakong dadalhan sila ng pagkain pag uwi ko mamaya.
Medyo mahaba haba din ang dinrive ko nang makarating ako sa paborito kong resto .. Napaka home-y ng feel nito kasi simple lang ang theme, hindi formal at mismong yung may-ari ay kasama sa mga nagseserve..bukod sa masarap ang luto ay nakakarelax ang atmosphere dahil may napakalawak na garden ito on both sides na puno ng iba't ibang bulaklak at may manmade na bamboo falls at may mga upuan din ito kung saan pwede kang kumain. Sakto lang kasi ang area at part ndin ata kasi ito ng bahay ng may-ari kaya alaga ang buong area pati ang resto. Madalas kami ni Lolo dito dahil kaibigan daw nito ang may-ari at the best cook daw ito.
"Sir Dre! How are you today? What can I get you?" bati sakin ng assistant manager nang mapadaan siya sa table ko, kilala nadin ako dito dahil nga madalas ako kumakain dito pag asa Pinas ako.
" Oh Hello, Geoff! I'm fine, I'm doing great! ano ba special niyo ngayon?"
"Let me see, hmmm... we have an all pinoy treat for the week kaya may sinigang, adobo, kaldereta, menudo, sisig at dinuguan. To make it even more special ay ung mismong may ari ang nagluluto ngayon sa kusina."
"Are you serious? It's my lucky day then." nagulat ako dahil nga sobrang tagal ko na madalas kumain dito pero di ko matimingan yung may ari dahil nasa U.S na daw ito nakatira, great I could finally taste her authentic cooking.
"Yes Sir!" sagot niya sakin ng maligalig at nginitian ako.
"Bring me each serving of her own specialties then, at ipagbalot mo na din ako ng tig dadalawang serving ng mga iyon for take out." sagot ko sa kanya.
"Right away Sir!" lumakad na ito palayo at pumasok sa kitchen.
15 minutes later ay nakahain na sa table ko ang 5 na iba't ibang putahe at 4 cups rice,magandang break na din ito mula sa pagkain sa hospital na bland ang lasa. Adobong manok, Sinigang na baboy, Menudo, sisig At Kaldereta ang inihain sa akin. Agad ko itong nilantakan at mabilis na naubos..sa sobrang kabusugan ay natahimik ako sa kinauupuan ko habang hinihimas himas ang tyan ko.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists