Previous Page of 2Next Page

My NOT-SO-Perfect Girlfriend

Dedicated to
babaenglalake
spinner.gif

Miko's:

“Capt!”- sigaw ni Adrian.

Tumingin lang ako sakanya. Bwisit. Ang aga aga nakasigaw tong panget na ‘to.

Nakatingin lang din sya sakin. Parang nag-aantay ng sasabihin ko.

“WHAT!”

“Hahaha. Ang aga aga sungit mo. May ipapakita lang naman kasi ako sayo.”

Tapos kinuha nya yung tablet nya.

“What’s with that?” may pinakita kasi sya sakin. Babae.

“Wala naman. Gusto mo capt?”

“Fuck Adrian!” alam ko, irereto nanaman nya sakin yun.

Andito pala kami ngayon sa school. First day ngayon. Kaya mejo madami din kaming bagong di kilala.

Im Miko. Captain ako ng basketball dto sa Fuentebella State University.

First day of school kaya eto, lahat ng estudyante nasa grounds.

May nagsalita sa speaker tapos pina-akyat na kami sa kanya-kanyang room.

Magkakaschedule kami nila Adrian, Luke at Brian. Mga kateam ko sa basketball.

“Pare, kausapin ko lang yung registrar ah. Kukunin ko yung schedule natin.” Sabi ni Luke. Alalay namin yan eh. Hahahaha. Ngayon palang namin kukunin yung schedule namin. Hahaha, galing noh? Basketball team kami kaya kahit anong gawin namin, pabor yung faculty. Atsaka kahit naman hindi ako kasali sa team, priority parin ako dto.

“Ayos pare! Magkaka-schedule tayo. Sa lahat ng subject. Galing! Haha.” Manghang-manghang nakatingin sa papel ng schedule namin tong si Luke.

“Where’s our room?” Seryosong sabi ko.

“Ah, room305. Engineering department”

Actually, I already know. Ako pa nga pumili ng schedule namin eh. MWF lang pasok namin. Hahaha. Ska, 10-2 yung oras na pinili ko. The best noh. >:) ayoko kasi sabihin sakanila, dahil basta!

Pumunta na kami sa room namin.

“WE’RE HERE! HI GIRLS! ;)” sarap batukan netong si Brian. Masyadong malakas ang kumpyansa sa sarili.

“Hello! Im Adrian. SINGLE. :) Oops, nalimutan ko sabihing, gwapo ako.”

“Im Luke. May gustong mag-hi sainyo.” Sabay taas ng long-sleeve polo nya. Tas pinakita yung 6pack nya.

Tilian naman yung mga babae. Tangina ang yayabang ng mga hinayupak na ‘to. Walang wala naman sakin. Hahahaha.

Pero, naiirita ko sa mga tilian. Agad kong linagay yung headphone ko na naka-sabit sa leeg ko kanina. Tapos hi-nigh ko yung volume ng Ipod. Hay kainis..

Umupo kagad ako sa vacant seat sa dulo. Hay makatulog na nga lang. Wala namang magagawa yung prof kung makikita akong natutulog. Hahaha.

ZZZZZZZZZZZZZ.

Nagising ako ng may kumalabit sakin.

“Kuya.”

Kainis naman tong babaeng ‘to. Nakita ng natutulog yung tao. Ay di pala makikita kasi naka-shades ako. Badtrip naman oh!

“What?” mahinahong sabi ko.

“Ahm, eto ba yung room na ‘to?” sabay pakita sakin ng papel na schedule nya ata. Halata sa boses nya na kinakabahan sya. Hahaha. Ang cute, nanginginig yung boses. Pero di ko sya type ah. Di naman sya kagandahan. Ska hindi gantong babae ang type ko. Di sya maganda, di sya maputi. Ah basta.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (2)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended