Thirty Six||BP

21.7K 363 11
                                    

Note: You should watch the video linked at the right side or open this link: https://www.youtube.com/watch?v=BN1_VfCnvaY

Brokenhearted Playgirl

 Written by InnocentPen

 Chapter Thirty Six

 **

 Hazel's Point of View

 Pinilit ko na lang na huwag isipin yung encounter namin ni Gelo kanina. Akala ko gagaan ang loob ko pagkatapos kong sinabi ang mga masasakit na salitang iyon sa kanya kaso lalong bumigat lang loob ko. I'm kinda disappointed with myself.

 Pumunta na lang ako doon sa booth namin para tumulong sa paghahanda. Jail booth ang napagdesisyunan naming gawin. Gusto sana namin ay Horror booth kaso nakuha na ng Star Section ng Grade 12 kaya hindi na available. Pumasok na ako sa room namin kung saan iyon ang gagawin naming kulungan para sa mga requested pairs. Kailangan tumagal muna ng sampung minuto ang mga pairs sa kulungan bago piyansahan (either yung nagrequest na ipakulung yung pair or sila mismo). 300php ang babayaran kung yung mga nakakulong mismo ang magbabayad. Pero 200php naman kung 'yong nagrequest. Idea ni Neri iyon, kesyo marami daw mga couples dito may misunderstanding. Pero napagkasunduan namin na hindi pwedeng ma-request ang lahat ng kabilang sa section namin.

Pero hindi namin alam kung magiging successful kaya para sure ay may itinayo pa kaming isang booth, Stepping On The Line. Kung saan maglalagay kami ng puting sinulid sa sahig at kung may nakaapak non ay magbabayad ng 20php.  

Tutulong na sana ako sa pag-aayos kaso bigla naman akong pinigilan ng isa kong kaklase.

"Kami na diyan, Hazel. Kanina ka pa tinatawag ni ma'am. Puntahan mo daw siya sa Faculty," sabi niya. Tumango na lang ako at pumunta na nga sa Faculty room.

Nasa tapat na ako ng pinto ng biglang bumukas iyon at lumabas ang adviser namin.

"Kanina pa kita pinapatawag. Nasaan ba si Gelo?" tanong nito sa akin habang tumitingin sa likod ko. 

"N-nasa multi pa po yata?" 

"Tawagin mo muna siya tapos diretso kayo sa Audio Visual Room. Doon lang kasi'ng walang tao. Bibigay ko lang 'to sa mga classmates mo tapos susunod na ako," sabi nito sa akin. Napalunok naman ako naging uneasy lalo.

"O-opo." Pagkasagot ko ay tumalikod na si Ma'am at ako naman ay hindi ko alam kung pupuntahan ko ba doon si Gelo. At hindi ako sigurado kung nandoon pa iyon.

Mabagal akong naglakad upang maging sapat 'yung oras sa pagpapakalma sa sarili ko. This is crazy. 

Nung malapit na ako sa Multi ay tanaw ko 'yung isang bulto na nakaupo sa mga bench doon. Kilala ko kung sino iyon.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumapit sa kanya na ngayon ay tulala sa kinauupuan niya habang nakayuko. Hindi ko kita ang mga mata niya kaya hindi ko siya mabasa. Sa bagay, nakayuko o hindi, hindi ko talaga mabasa ang utak ng isang Angelo Martin Fernandez. 

Shirtless pa rin ito at hindi pa inaalis ang mga nakapaint sa part ng dibdib niya. Naglakad ako hanggang sa tumapat na ako sa kanya. Hindi niya ako nilingon, hindi ko alam kung nakikita niya ba ako o hindi. Nakayuko pa rin siya at mukhang may malalim na iniisip. 

Tatawagin ko ba siyang Angelo? O Gelo? Sa pag-iisip pa lang ng itatawag ko sa kanya ay nagpapanic na ako kaya minabuti ko munang huminga muna ng malalim bago ko pa siya tawagin. 

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon