ImPerfect in His Eyes
(c) supergirlwearspants
PROLOGUE
"Looks don't matter" ba? Well, I beg to differ.
Kadalasan nalang may hinahanap ng mga lalaki sa mga babae. Yung mga "ideal girl" nila, ika nga.
Maganda...
Maipagmamalaki...
Sexy...
Flawless...
PERFECT.
Yang limang description na yan nalang palagi! Kung wala ka daw ganyang qualities, eh baka mahihirapan ka atang makahanap ng lalaking mamahalin ka rin.
To be more specific... mahihirapan kang mahalin ng taong mahal mo. Eh pano nga kung walang magkakagusto sayo, ano yun, NGANGA ka nalang forever sa isang tabi?
Yung iba nga... andyan na yung "ideal girl" nila sa harap nila, hindi parin nila makita! Pano, nabubulag kasi sa ibang babaeng saksakan ng ganda na hindi naman sila kayang mahalin tulad ng pagmamahal nila. Ayun tuloy, nauuso sa mga lalaki magpaka-emo at magmukmok sa sulok.
Eh pano ako? Kung... kabaliktaran ako ng limang qualities na yan.
Walang appeal.
Mataba.
Social Outcast.
Puro kapintasan.
IMPERFECT...
Pero kakayanin kong magbago... para lang sa kanya.
Ganyan naman ang pag-ibig diba? You can do crazy things for love. Nagiging alipin ka para sa love. Dakilang despe? Pwede na rin.
Basta. Kaya ka niyang baguhin - gawing isang taong hindi mo aakalaing pwede palang maging ikaw.
Ganyan din ang ginawa niya sakin... Sigurado akong hindi ko 'to pagsisisihan.
Diba nga sabi nila... Ang babaeng nasasaktan; lumalakas, tumitibay, natututo, gumaganda.
Magbabago ako. Makikita mo rin Joshua Alviro Gatchalian, magbabago ako!
Hindi mo na makikilala ang babaeng iniisnob mo lang noon.
Balang araw... mamahalin mo rin ako.
I will no longer be imperfect in his eyes...
Instead, I'll finally be able to say "I'm perfect in his eyes"...
---------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: UWAAAAAH. Ayos lang ba? Ahahaha, ito ang ishturya kong may pinaghuhugutan. Joke lang yun, kunware nalang hindi ko sinabi yun. :P Sana magustuhan niyo ito tulad ng iba kong stories. Feel free to fan/comment/vote. Share naman your opinions ohhh. <3
Btw, ayun si Joshua sa gilid oh. :') ------------------->
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| WooYoung (Jason) | as Joshua Alviro Gatchalian |
| IU (Gelou) | as Reign Elizabeth Ignacio |