When Summer met Rain

18.5K 161 33
                                    

Maghapon na gumagamit si Summer ng Internet. Bukas ng Facebook account dito, scroll,like tapos comment. Bukas tab ng Youtube doon, search ng ganito, nuod tapos rate. Open ng account ng Tumblr, visit blog reblog at basa ng mga TAs. Lahing tinatanong ni Fall (kapatid ni Summer) si Summer everytime na gumagamit ito ng PC.

Fall : Ate. Hindi ka ba nagsasawa dyan?

Summer : Magsasawa ka ba sa isang bagay na nagbibigay sayo ng happiness and joy and everything?

Fall : Oo o hindi lang ang sagot. OA mo.

Summer : Hindi. Hinding hindi. :)

Fall : Osya bawasan mo na lang yang tab mo. Bumabagal ang net.

Summer : Oo na. FB na lang bubuksan ko.

Fall : Thanks. The hell (fave expression ni Fall)

Gumagamit si Summer ng biglang nag'pop up ang chat.

Rain : Hi!. Can you like my status?

Hindi pa nagagalit si Summer sa mga taong nagpapalike ng status. Bihirang bihira kasi yun nuon. Nagreply si Summer.

Summer : Sure. :)

Rain : Thank You Pretty. :D

Walang ginawang background check si Summer. Ni'like lang talaga nya ang status ni Rain. (Oo nga. No More NoLess) Dumaan ang mga araw na yun at yun lang ang ginagawa ni Summer. Gigising ng tanghali, kakain computer hanggang madaling araw. Hindi nya namalayan dalawang linggo na, na ganun lang nga ang routine nya. Ng biglang napansin niya na Birthday pala ni Rain kaya agad nya itong binati.

"Happy Birthday Handsome. Have a blast. God Bless."

nagreply si Rain.

"Thanks Beautiful."

Two weeks after, dumating na din ang birthday ni Summer. Nag'message si Rain kay Summer.

"Happy Birthday Pretty. Have a good one. God Bless."

Nag'comment si Summer 

"Thanks Handsome. :D"

Hindi interesado si Summer kay Rain nuong una. Eh kasi naman parang poser si Rain. Pero napapadalas ang palitan nila ng wallpost ng mga sumunod na araw. At di namalayan ni Summer, crush na pala niya si Rain. Lagi nya 'tong inaabangan mag'online. Iniisip nya na sana pwede nyang maka'chat si Rain. Palagi, palaging palagi ang hiling nya. 

Biglang nag'chat si Rain kay Summer.

Rain : Summer! Huy!

Summer : Oh baket Rain?

Rain : Hindi ba ako boring kausap?

Summer : (kinilig ng konti) Hindi naman. Sapat lang. :)

Rain : Hindi nga?

Summer : Hindi ka boring, ok? :)

Rain : Ok. Sige. ALis muna ako.

Summer : Agad agad?

Rain : Oo. Maglalaro ako. May pusta eh. :)

Summer : Magkano?

Rain : 200. Sige Summer. Next time na lang ulit.

Summer : Ok. Galingan mo.

Rain : -Offline-

Hindi masabi ni Summer kung ano talaga ang gusto nyang iparating. Yung gusto nya talaga na maka'text at makausap si Rain sa cellphone. Kaya nagdesisyon na si Summer na mag'iwan ng message kay Rain.

"Hey Rain. Gusto talaga kitang maka'text eh. Kung wala kang makausap, nandito lang ako. Bigay ko sayo number ko. Eto oh, **** . Sige. Bye. "

Few hours after, biglang nag'chat si Rain.

Rain : bakit ikaw ang nagbigay saken. Dapat ako ang hihingi sayo nyan.

Summer : Ok lang. Tagal mo kasing kuhanin eh. 

Rain : Ahh matagal ba? Bumubwelo kasi ako.

Summer : Hehehe Sige out na muna ako.

Rain : ayyy ok. 

Summer : -Offline-

Kinagabihan. May na'received si Summer na text from an unknown number. 

"Hi Rain here."

ITUTULOY. . . .

It Started With a LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon