CLTCL - 15

8.8K 96 9
                                    

CLTCL 15 ❤


Kathryn's POV



Andito kami ngayon sa loob ng van hindi pa kasi umaandar.. Mag kakasama yung mga teens sa van at sa isang van naman yung mga oldies haha! I mean sila Mommy at Tita Karla.


"Guys!" Sigaw ni Enrique papalapit sa'min.


"Oh?" Medyo close na rin kasi sila Julia sa kanya. Pero ako hindi, kasi wala akong planong makipag-kaibigan sa kanya.


"Pag dating natin sa Manila walang makakalimot ah? Friends?" Kaarte naman nitong lalaki na toh may pa ganon ganon pang nalalaman.. -___-


"Oo naman noh! Hindi namin kayo makakalimutan, promise!" Yen.


Nag ba-biyahe na kami.. At lahat tulog ako lang ata ang gising. Nasa likod kasi kami ni Julia. 3 row naman to kaya dalawang tao bawat row. Nasa gilid kasi ako ng bintana kaya nakikita ko yung mga bukid na dadaanan namin isama na rin ang mga bahay-bahay, ng natanaw ko si Daniel dun sa may harap. Sa harap kasi sila nakaupo ni Enrique. Nakita ko siyang papalingon dito sa gawi ko nag-kunwari akong natutulog..


After 3 minutes.


Hindi na siguro siya nakatingin noh?

Dahan dahan kong binuksan yung mata ko. Nginitian ko siya, tapos ngumiti din siya sa'kin. Tumingin na lang ako ulit sa may bintana. Hay feeling ko pag dating sa Manila madaming mag-babago..


Andito na kami ngayon sa bahay.. Andito pa rin sila Daniel pati sila Julia.. Isama mo na si Enrique -____- Sabi kasi ni Mommy na dito na lang sila sa bahay mag dinner. Gabi na rin kasi kami nakauwi.


Habang kumakain.


"So friends na kayo?" Tanong ni Tita Karla. Ayy oo nga pala di kasama si JC kasi daw may project daw sila sa school nila. Kaya ayun si Daniel lang na kasama.


"Oo naman po Tita.. Super friends pa." Sabi naman ni Kiray.


"Mabuti naman.." Tita Karla.


Natapos na silang lahat kumain dumating na rin ang mga sundo nila kaya umuwi na rin sila agad.


—-


Andito kami ngayon sa cafeteria maaga pa kasi kaya tambay muna.


"Kath! Kwento mo na yung nangyari sa inyo kahapon ni ano!" Pang-kukulit sa'kin ni Yen. Kulit sila ng kulit sa'kin na ikwento ko daw yung nangyari kahapon.


"Yun nga! Binuhat niya yung slippers ko. Tapos si Enrique yung nag-piggyback sa'kin." Paulit-ulit ko nang nasabi yan sa kanila. -___-


"Bakit kasi ang epal ni Enrique." Yen.


"Kaya nga." Julia.


"Hayaan niyo na.. At least diba? Binuhat ni Ano yung tsinelas ni Kath." Kiray.


"Kung sa bagay. Tara na nga sa room." Julia.


Habang nag lalakad kami nakasalubong namin si Enrique nginitian naman niya kami. At ako, kinidatan niya. Kidiri diba? -___-


"Feeling ko talaga may gusto yang lalaki na yan sayo eh." Meron nga, Kiray.


"Ewan ko."


Saktong pag dating namin sa room kadadating din ng teacher kaya agad agad kaming umupo sa upuan namin magkakatabi kasi kami wala kasi kaming seating arrangement or should I say hindi namin sinusunod. :)))


"Kath! Wait sabay na tayong pumunta sa sasakyan!" Sigaw sa'kin ni Enrique. Nasa likod ko siya kaya binilisan ko yung lakad ko.


"K." Huminto ako lumagpas naman siya sa'kin. Tumatakbo kasi siya eh.


Nag-lakad siya pabalik at huminto sa tapat ko.. "Sabay tayo." Tapos ngumiti siya.


Binilisan ko agad yung lakad ko kaya nahuhuli nanaman siya.


Nung nasa loob na ako ng sasakyan, "Ang bilis mo mag-lakad." Sabi ni Enrique tapos umupo siya sa harap ko.


"Eh ang bagal mo kasi."


"Eh kung halikan kaya kita diyan para mawala tong pagpapapagod mo sa'kin?" Tapos ngumiti siya.


Sinampal ko siya ng mahina. KAYO KAYA SABIHAN NG GANUN?! -____-


"Feeling mo naman kililigin ako sayo pag ginawa mo yun? 'Di kita type noh! Hamak na pogi ko naman sayo pag naging lalaki ako!"


"Kung alam mo lang kasi Kath.. Kung alam mo lang.."


"Ang ano?"


"Wala." Humarap na siya sa bintana.


"Huy Enrique kung ano man ang nasabi kong di mo nagustuhan sorry.." Sabi ko na lang at humarap na din sa bintana.


"Mii Tumawag po ba sila Aria?" tanong kay Mommy habang pababa ng hagdan.


"Ayy oo! Baka daw sa bakasyon na lang sila dito pumunta." Mommy.


"Matagal pa."


—-



"Hindi ako makatulog!! Kainis!" >.< 12:51 am na! Oh!! Kainis naman ohh!

Ano kaya yung ibig sabihin ni Enrique kanina?

Sino kaya yung gusto ni Daniel? :(


****

VOTE AND COMMENT PO THANK YOU

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon