MTJAB-Season2: Chapter 32

360K 5.1K 1.1K
                                    

MTJAB-Season2: Chapter 32

"Alein, kabago bago mo pa lang, gumagawa na kayo ng eskandalo ni Kevin!" Kanina pa kami sinesermonan ni Mae dito sa opisina niya.

"Kasalanan ko. Ako naman ang palaging gumagawa ng ganito, Mae." Depensa ni Kevin sa akin. Panay naman ang gamot ng PA ni Kevin sa mga gasgas sa mukha niya. Ang dami kasing babae ang gustong makalapit sa kanya kanina. Nakalmot na rin ang kaliwang bahagi ng pisngi niya pero mabuti na lang at maliit lang 'yon.

"'Yon na nga Kevin eh, dinadamay mo pa si—"

"Good news! Nagugustuhan ng mga tao ang ginawa nilang dalawa. Ipinapakita lang daw nila na ordinaryong tao pa rin sila na may karapatang mamasyal sa kalsada. At saka isa pa, may fans club na ang ViLein, hindi ba magandang simula 'to para sa duet album niyo?" Excited na sigaw ni Ms. Jheann na nagpatigil kay Ms. Mae. Isang marahan na ngiti ang ibinigay ni Ms. Mae sa amin at tinitigan kaming mabuti.

"Nagkakamabutihan na ba kayong dalawa?" Panunuya ni Ms. Mae. Mabilis akong umiling iling at si Kevin naman, ngumisi lang na parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"Alright, bahala na kayo. As long as hindi naman nakagugulo sa career niyo." Ma-awtoridad na sabi ni Ms. Mae.

Nahihiya ako dahil sobrang laking gulo ang ibinigay namin ni Kevin. Nagkalat sa internet at TV ang mga videos naming dalawa. May mga pictures din kami doon sa isang kainan ng lugaw. Ang tanga-tanga namin para hindi malaman na may sumusunod pala sa amin para kuhanan ang bawat kilos naming. 'Yon na siguro ang stalker ni Kevin magmula pa noon.

"Sensya na, h'wag mo na lang intindihin si Mae. Gano'n lang talaga 'yon, masyadong workaholic. Si Jheann, naman mas importante sa kanya ang image ng mga singers sa company natin kaya natutuwa pa siya sa nangyayari." Paliwanag ni Kevin sa akin. Tumango tango lang ako sa kanya bilang sagot. Napansin kong kumunot ang noo niya.

"Anak ng pating talaga. Niyakap na nga kita nang pagkahigpit higpit tapos may sugat ka pa rin." Mariin na bulong niya habang titig na titig sa mukha ko. Gumakbang siya palapit sa akin at napaatras naman ako sa pader.

"Saglit lang, Ara..." Aniya at saka dumukot ng panyo sa bulsa niya. Marahan niyang pinunasan ang pisngi ko at napangiwi naman ako sa hapdi.

"Maliit lang naman. Lagyan mo kaagad ng cream para hindi magpeklat." Paalala niya sa akin. Marahan ko siyang itinulak sa dibdib niya dahil sobrang lapit niya sa akin. Tumungo naman siya para magtagpo ang mga mata naming dalawa.

"Ang baho?" Natatawang tanong niya.

"Hindi ka mabaho. 'Yon nga lang, sobrang lapit mo sa akin." Suway ko sa kanya. Oo nga at nagpapanggap kaming mag-boyfriend sa harap ng maraming tao, pero hindi naman ibig sabihin no'n na hanggang dito sa office ng company ay kami pa rin. Mas lalo siyang lumapit sa akin at napasinghap ako nang tumungo siya sa may tainga ko at doon bumulong.

"Masanay ka na dahil mas magiging malapit pa ako sa'yo." Napalunok ako dahil sa binulong niya. Mabilis kong itinulak si Kevin nang marinig kong nagbukas ang opisina ni Ms. Mae. Halatang gulat na gulat silang dalawa ni Ms. Jheann.

"Wala ba talaga kayong pinipiling lugar?" Natatawang tanong ni Ms. Jheann sa amin. Namula ang mukha ko sa pagkapahiya kaya naman mabilis na akong naglakad.

Kaibigan ko si Kevin at alam kong gusto niya lang matulungan ako. Siguro naririndi na rin siya sa akin dahil sa kaiiyak ko sa kanya kaya heto. Siya na ang gumagawa ng paraan para huminto na ako sa kaiiyak.

"Wow naman, may rose pa talagang dala." Marahan kong iminulat ang mga mata ko at pinatigil ang nagme-make up sa akin nang marinig ko ang boses ni Ms. Jheann. Bigla akong kinabahan nang makita ko mula sa salamin si Kevin. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang polo na kulay fatigue at itim na pantalon. Ayos na ayos din ang buhok niya. Isang magandang ngiti ang ibinigay niya sa akin at pumunta siya sa tabi ko at ibinigay sa akin ang isang pulang rosas.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon