CHAPTER 4

116 14 17
                                    

CAI'S POV

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako kila mamu at papu na akyat na ako sa kwarto ko. Kiniss ko sila sa pisngi tapus kay Wawa naman, ginulo ko yung buhok niya.

Umupo muna ako sa kama ko at nagpahinga lang ng kaunti tapus dumiretso na sa banyo para magshower.

Haaay. Ang sarap talaga magbabad sa tubig.

Naalala ko na naman ung pinag-usapan kanina.

"Eh di new classmates na naman? Tsk. Tapus sa Baguio? Ang layo naman nun dito"

"Hehe. Kayo talaga anak. May bahay bakasyunan naman tayo dun diba? Dun kayo mag.i.stay"

Naalala ko na naman ung sinabi ni Tita Lea.

"Dun kayo mag.i.stay" dahan dahan kong sabi

"Kayo... Kayo...Kayo nga yung sinabi niya. Dun KAYO mag.i.stay" sinabi kong diniin pa yung kayo

"Eh di ibig sabihin...kami lang? Kaming tatlo lang?" pagkasabi ko nun, bigla akong umupo

Nasa baththub kasi ako. Medyo pahiga.

Pagkalipas ng ilang minuto, nag-last bath naman na ako.

Nung nakapalit na ako, nahiga na ako sa kama. Nakita ko naman yung phone ko sa table, katabi ng kama ko. Pinindot ko. 9:45 pm at may 5 messages.

Swinipe ko, binaba yung notification bar at tinap ung 5 New messages.

Isa kay Freya. Isa kay Sandy. Tapus yung tatlo sa mga classmates namin.

Una kong binasa yung kay Freya.

Fries

09275905***

A friend is one who has the same enemies as you have.

Haaist. Nakapag-decide decide na din.

Good evening!

Tinignan ko yung oras nung text nya. 8:48 pm

Sunod ko namang binasa yung kay Sandy.

Sundae

09273936***

GE

Whut? Di man lang kinompleto. Para good evening lang eh. Ang tamad tamad talaga ng Sandy na yun. Tinignan ko din yung oras. 9:05 pm

Binack ko naman tapus binasa yung tatlo pa. Wala naman. Di naman ganun kaimportante. Good evening, good night, ganun lang.

Gising pa kaya yung dalawa? Matext nga sila.

To: Fries ; Sundae

Psst. Gising pa kayo?

Nagmumuni-muni lang ako. After 5 minutes, umilaw yung phone ko.

Sundae

09273936***

Yep. Bakit?

Nagreply naman ako.

To: Fries ; Sundae

Tayong tatlo lang mag.i.stay sa Baguio?

Nagtataka ba kayo kung bakit sinend ko pati kay Freya? Parang gm na pm na din kasi yun. Gm kasi grupo kami tapus pm kasi parang personal message na din. Kahit di nagrereply yung isa, kelangang sendan mo parin siya para kahit papano, di siya maiwanan ng topic at malaman yung pinag-uusapan.

Tulog na siguro si Freya. Di nakapagreply eh. Pag may nareceive na kasing message yun galing samin, nagrereply agad.

Nakatingin lang ako sa kisame. Inaantay ung reply ni Sandy.

5 minutes...

10 minutes...

15 minutes...

20 minutes...

Hanggang sa umabot ng 1 hour and 30 minutes.

"Tss. Ang tagal naman magreply ng babaeng yun. Tsk. Wag niyang sabihing nakatulog na sya" dire-diretso kong sabi

Napaisip naman ako sa sinabi ko. Bat ba di ko naisip yun? Malamang! Tulog na! Di na nga nagreply di'ba! Ang tanga ko naman! Nag-antay pa ako at umabot ng 1 hour and 30 minutes. Shungaan lang ang buhay?

Tsk. Makatulog na nga!

Pinikit ko na yung mata ko.

Dumilat ako at inayos ung pwesto ko. Tapus pumikit ulit.

Ang tagal ko ng nakapikit pero wala parin.

"Arrrrgghh!" sabay gulo ng buhok ko

Nakakainis! Di ako makatulog!

Naisip ko na naman yung sa Baguio.

Haaay, new classmates, new environment at new experience na naman.

Dahil sa lalim ng iniisip, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

------------

Nagising ako sa katok sa door ko. Narinig ko namang tinawag ako ni yaya. Yaya ko. Nakakatuwa siya. Gustung-gusto ko siya. Hindi pa naman ganun katanda si yaya. Close kami na para bang magbarkada. Single parin sya hanggang ngayon. Hehe. Matagal tagal na din siya dito samin. Ayon sa kwento ni mamu, nag-leave daw ng 2 weeks si Manang nun, taga-laba namin dahil may sakit yung tatay nya.

Lumipas ang 2 weeks pero wala parin siya. Hanggang sa nareceive nila mamu ung text niya na di pa daw siya makakabalik at di niya masabi kung kelan kasi yung kapatid niyang magbabantay na sana sa tatay nila, bigla daw nagkasakit yung anak.

Napag-isip isip daw nila mamu na kukuha pansamantala ng labandera. Nakita daw niya na naghahanap si yaya ng trabaho nun kaya nilapitan niya ito at tinanong kung gusto niyang maging labandera. Agad naman daw siyang um-oo nun.

Nung bumalik na si Manang, naawa naman daw sila mamu na paalisin si yaya kaya ginawa nalang nilang yaya ko.

"Prinsis" narinig kong sabi niya at kumatok ulit. Tinignan ko yung alarm clock

7:30

Tumayo ako at binuksan ung pinto.

"Good murning prinsis! Brikpas is ridi!" tapus bigla niyang tinaas yung isang paa niya. Nagulat pa ako at napaatras. Yung parang pilit nyang inaabot ung ulo ko

"Aa-a-a-a-awwwwch" unti-unti niyang binaba yung paa niya tapus hawak-hawak yung singit niya

"O-ok ka lang ya?" tanong ko naman sa kanya

"Ehehe. Ow. Yes. I'm uk. Hihi. Napataas lang siguro ng kaunti. Kain na prinsis"

Pumasok naman siya sa kwarto ko para ayusin ung higaan ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Ayun, hawak parin yung singit. Haha. Haaay nako. Si yaya talaga.

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

 - KookyDamsel

His PropertyWhere stories live. Discover now