Chapter 26

16.4K 141 10
                                    

Natapos ang exam week nang hindi ako nakakarinig mula kay Josh. Tama ba 'yon?! Sasabihin mo sa aking gusto mo ako tapos hindi mo ako kakausapin? Ang gulo-gulo ng isip ko, si Joshua? Magkakagusto sa akin? Kahit sino ata hindi maniniwala. 

Naglalakad ako sa park na malapit sa bahay para magpahangin nang nakita ko si Ellaine na parang may hinihintay. Naka-bistida siya at naka make-up na parang may date. Tatawagin ko sana siya nang may sasakyang tumigil sa harap niya. Pamilyar 'yun ah? Tinignan ko ang plate number. Job?

Sumakay si Ellaine sa sasakyan ni Job. Dali-dali akong pumara sa taxi at sinundan ang sasakyan. Tumigil sila  sa isang Chinese Restaurant. Sinundan ko sila sa loob pero pumasok sila sa isang private room. Anong ginagawa nila? Bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Ma'am, rerenta din po ba kayo ng room?" Um-oo nalang ako para makapasok, manipis ang mga divider kaya maririnig mo rin ang usapan ng iba. "This is the menu ma'am, you can press this button once you're ready to order." Tumango ako sa waitress. 

"Kailan natin sasabihin kay Cassie?", tanong ni Ellaine. "Hindi ko na kayang magtago sa kapatid ko." May pinaplano ba silang surprise para sa akin?

"Saglit nalang El. Hindi ko pa kayang sabihin kay El, soon." Sabihin ang alin?

"Sa tingin mo ba magagalit siya ng sobra?"

"Hindi ko alam, pero alam kong hindi niya ako gusto." Ikaw? Hindi ko gusto? Totoo ka ba?!

"But she's always talking about you. Alam mo ba kung gaano ako nag-guilty sa tuwing kinukwento ka niya sa akin? Bakit ba kasi hindi mo sabihing hindi mo na siya gusto? You're being such a coward." 

Nag-init ang buong katawan ko. Is this real?

"You don't know how she looks at Josh and how Josh looks at Cassie. I gave up long time ago. I'm just staying because I enjoy the look on Josh's face."

"Then what about me? Hahayaan mo nalang akong magtiis?"

"Soon, baby. I love you." Tumayo ako bigla at lumabas ng restaurant. Job and my sister?! How can they do this to me?! Umuwi ako at nagkulong sa kwarto. Umiyak ako hanggang sa makatulog. 

Alas singko na ng gabi na ako nagising ako sa isang tawag, si Ellaine. 

"Cass! Where are you? Tara dinner dito Private KTV sa tabi ng Gmall. Nandito sila Job, Josh at iba pang tropa.", sabi niya na parang hindi siya nagsisinungaling sa akin. "We will wait for you."

"Okay.", sabi ko at ibinaba ang telepono. Hindi ako magpapatalo. Humarap ako sa salamin at inilabas ang makeup kit kong matagal ko nang hindi nagagamit. Inayos ko ang sarili ko at tinakpan ang namumugto kong mata. Sinuot ko ang mga mini skirt kong nabubulok na sa aparador at heels kong may tag price pa. 

"What are you wearing?", tanong ni Dad pagkababa ko. "Are you going somewhere to party?"

"Just dinner Dad."

"Really?", tumango ako. "Okay, no going home drunk huh? Be back before midnight." I doubt I will even stay there for two hours. I just need to confront them. Para makasiguradong uuwi kami before 12, pinasama sa akin ni Dad ang driver. 

Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin 'to. I'm done. 

Pumasok ako sa KTV room at nandoon na silang lahat. Nagulat silang lahat nang pumasok ako. 

"Wow Cassie, what happened to you? Nabaliw ka ba sa exams?", sabi ni Carrie.

"Oh my gosh Cass, you look stunning!", sabi ng isa pa naming ka tropa. Ngumiti ako. Hindi nakapagsalita 'yung tatlo kong malalapit na kaibigan. Tinignan ko si El na nakatingin kay Job, at si Job nakatingin sa kin. Si Josh naman, umupo kaagad at sinubukang ilayo ang tingin sa akin. "Kanta na! Dadating pa lang 'yung food." Iniabot nila sa akin ang mic. 

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon