CHAPTER FIVE

221 4 12
                                    

CHAPTER FIVE

Maagang nasa office si Jake at Gabby dahil pinatawag sila ng boss nila.

“Guys, sorry to call you ng ganitong kaaga, pero kasi I need both of you na pumunta sa site to check yung okay na ba yung mga ginagawa dun.” Sabi ni Robert na boss nilang dalawa.

“Sige pumunta na kayo dun, malayo layo din yung biyahe papunta dun. Gamitin nyo na yung company car para hindi na kayo mahirapan pa.” Sabi naman ni Amy na asawa ni Robert.

Jake's POV

“Ako na lang muna magdridrive ngayon, mamaya ka na lang kapag napagod na ko.” Sabi ko kay Gabby dahil malayo ang pupuntahan namin. Pero wala man lang akong narinig na kahit anong sagot. =_= Nice talking talaga to e.

After 8540513 years of walang imikan na panay katahimikan, dumating din kami dito sa site. Kung natagalan pa siguro kami, baka nabaliw na ko. Kaya siguro baliw tong isang tong e. Sa masyadong tahimik gusto.

Chineck na namin lahat ng mga pwede naming icheck. Ngayon nakatayo na lang kami pareho dito habang tinitingnan itong ginagawang building.

“MA'AM UMALIS HO KAYO DYAN.” May bigla na lang sumigaw. Lumingon lang si Gabby dun sa sumigaw, at tumingin ako mula sa taas may nakita akong palaglag na kung ano mang bagay. Hindi ko na alma kung gaano ako kabilis nakarating sa kanya at niyakap ko sya na dahilan para matumba kaming dalawa.

“MAGPAPAKAMATAY KA BA? SINIGAWAN KA NA NGA NA UMALIS DYAN, TININGNAN MO LANG. OK KA LANG BA? ANO MAY MASAKIT BA SAYO” Sabi ko sa kanya habang yakap sya. Hindi ko na din alam kung bakit ko nasabi yang mga bagay na yan sa kanya. Tinitingnan ko sya ngayon sa mga mata nya. Punong puno ng emosyon yung mga mata nya, pero sa dami ng emosyon na nandun, wala kang makikitang kahit isa man lang na kasiyahan dun.

Dug. Dug.

Dug. Dug.

Pakshet! Ano ba yon? Bakit may ganon? Sakin ba yon? Ano na naman ba to? Dug. Dug agad agad? PBBTEENS?

“Move.” Bulong nya sakin. Nakita ko yung mga labi nya, soft red lips, and it makes me feel that I want to kiss that lips.

“PERVERT! MOVE!!!!” Bulong nya pa din sakin yan, pero ramdam ko agad yung pagkainis nya. Dun ko lang naalala yung posisyon naming dalawa, ang AWKWARD pala. Gusto nyong malaman kung ano? Basta alam nyo na yon. Tumayo na ko. At inoffer ko ang kamay ko para tulungan sya, pero hindi nya man lang pinansin. Lumapit ako ng konti sa kanya.

“Niligtas na nga kita, tinawag mo pa akong pervert.” Bulong ko sa kanya.

“Ma'am. Sir, ok lang ho ba kayo?” Tanong samin nung mga tao dun.

“I'M FINE! PERO HINDI IBIG SABIHIN NA FINE AKO, HINDI NYO NA AAYUSIN YAN AT HINDI KAYO SIGURADO KUNG HINDI NA MAUULIT YANG GANYANG BAGAY!” Singhal ni Gabby sa kanila.

“Check nyo nga yung mga gamit dyan, kung ano ano na lang yung biglang nahuhulog, pano kung sa ulo tinamaan si Gabby? O kung ibang tao na lang yung andito? Pano na? Ayusin nyo yan!” Utos ko sa kanila.

“Oho sir, pasensya na ho talaga kayo.” Sabi nung foreman.

“Ma'am tubig ho.” Inabutan nung isang labor si Gabby ng tubig.

“Thanks but no thanks.” Sagot nya lang at naglakad na palayo.

Sinundan ko na lang sya, baliw pa naman to, baka kung saan pa to magpunta. Hindi ko alam, bakit parang naglue ako sa kanya bigla. May something sakin na gusto kong alagaan sya. Parang gusto kong protektahan sya sa lahat ng bagay. Masama nga lang, ni hindi ko nga alam kung may boyfriend ba sya o wala.

I Need To Believe In Love- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon