CHINITO (One-Shot)

615 13 5
                                    

AN: Ate Purplenayi, sabi ko naman sayo na inspire ako sa mga short stories mo at sa mga heroine mong may pagka stakler. Hahahaha. :))

Disclaimer: I don't own the cover. I got it from www.isparkleen.com

-

MAGGIE ♥ KALEB 

Maggie & Kaleb 4ever!

Margaret Cruz-Santillan

Ganyan ang makikita mo sa halos lahat ng likod ng notebook ko. Kapag bored kasi ako sa class ugali ko na ang mag scribble ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko, at madalas nga yang mga words na yan ang sinusulat ko.

I'm Margaret Cruz, Maggie for short and I'm crazily in love with a certain Kaleb Santillan. Pero siyempre, secret lang yon. Hanggang sa likod ng notebook ko lang kayang ipagsigawan ang pagmamahal ko para kay Kaleb babes. Lumingon ako sa upuan ni Kaleb, nasa kabilang side siya ng classroom namin. Sabay kanta sa isip ko ng "Hanggang tingin na lamang ba ako sa aking Prince Charming".

"Huy Maggie! Tapos na po yung klase, tara na gagawa pa tayo ng group project!" ano ba yan, badtrip naman tong bestfriend kong si Cindy. Naputol tuloy ang pag dedaydream ko kay Kaleb babes.

Niligpit ko na rin ang mga gamit ko. Hinila na ako bigla ni Cindy palabas ng room.

"Cindz teka nga, di ko pa nga naisasara ng maayos yung bag ko eh. Makahila ka diyan wagas! Bakit ka ba nagmamadali? Eh andun pa nga sa room yung iba nating ka grupo." patuloy pa rin siya sa paghila sakin.

"Cleaners sila Arlene ngayon, kaya mamaya pa sila makakalabas. Sabi ko sa kanila sumunod na lang sila sa bahay namin tutal alam naman nila yun. Bilis bilisan mo nga yung paglalakad mo!" tumodo pa siya ng hila sa kamay ko.

"Aray! Ano ba mababalian ako sa ginagawa mo eh! Bakit ka ba nagmamadali? May sunog ba?" sarcastic na tanong ko sa kanya.

"Para maabutan natin yung Meteor Garden! Duh!" nag roll-eyes pa siya, para namang napaka-obvious ng sagot na yon. Hmp.

Di na ko sumagot at nag patianod na lang sa pag hila sakin ni Cindy. Hmp eh ano bang paki ko sa Meteor Garden at sa F4 na yon? Saka napalabas na yon dati nung elementary kami eh! Di ko naman yun gustong panoorin. Mas okay pa kung si Kaleb babes ang papanoorin ko. Kahit di siya umakting o mag dialogue. Ngiti palang niya busog na ko!

Naalala ko pa nung una ko siyang makita two and a half years ago, first day ng freshman year ko sa highschool. Pagpasok niya sa room napansin ko kagaad siya. Matangkad siya compare sa iba naming classmates na lalaki, maputi, kissable red lips, medyo makapal yung kilay, di siya payat pero di rin naman macho, tama lang yung katawan niya, at ang pinakagusto ko sa features niya - CHINITO! *le faints* Weakness ko talaga ang mga Chinito eh.

Nung nagpakilala na ang isa't-isa nalaman ko na Kaleb Santillan ang pangalan niya at mahilig siyang mag gitara. Tapos inarrange yung seat namin alphabetically kaya hindi kami magkatabi. :( Cruz and Santillan, anlayo di ba? Winish ko non na sana Santa Cruz nalang yung surname ko para magkatabi kami. (Wahaha corny!)

Simula 1st year hanggang ngayong 3rd year magkaklase kami. Marami na din akong nalaman sa kanya.  Bukod sa pag gigitara, marunong din siyang tumugtog ng piano at kumanta. Makulit siya at may pagka-kengkoy. Di siya marunong sumayaw, nakakatawa yung itsura niya pag nagsasayaw siya. Magaling sa siya sa Science pero medyo palpak sa Math. May little sister siya na Kirstin ang name. Antukin din siya, di lang halata na natutulog siya sa klase kasi sobrang liit ng mata niya. Marami siyang friends pero wala pa siyang nililigawan. Wala din akong nababalitaan na na crush niya (YES!). Alam ko din kung san siya nakatira (sinundan ko kasi siya one time wahahaha). Pati sa facebook, twitter, instagram, tumblr, etc. lagi ko siyang iniistalk. Binabasa ko ang bawat post at tweets niya, at tinititigan ang bawat selfies niya. Di ko nga lang nililike at di rin ako nagcocomment kasi baka mahalata niya at ng iba naming classmates na may gusto ako sa kanya.

CHINITO (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon