Last Chapter

381K 5.1K 1.5K
                                    

T E R R E N C E

I am fully recovered. Wala ng masakit sa katawan ko pero wala ng mas sasakit sa pag-iisip ko sa kanya. Nakakatawa.. pinag-meet kami ng tadhana dahil sa isang sampal. Kung hindi n'ya siguro ginawa 'yun. Hindi ako magkakaroon ng interes sa kanya. Hinding hindi ko malilimutan 'yung araw na 'yun dahil kung hindi nangyari ang bagay na 'yon. Wala kami dito. Walang story na magaganap..

Natigil ako sa pag-iisip noong nagring ng nag-ring ang phone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Blonde calling..

Kaagad ko 'tong sinagot. Sa lahat ng nangyari, mas naging close kami ng ng blonde n'yang best friend. Alam ko na s'ya lang ang pag-asa ko para magkausap kami.. para magkaayos kaming dalawa. Umaasa pa din ako na mapapatawad n'ya ako. Hindi man ngayon pero sana mangyari 'yung hinihiling ko..

Laking pagsisisi ko kung bakit ko pa pinatulan 'yung 'suicide' na plano nila Carl. Mas lumala pa ang sitwasyon. Namisinterpret n'ya yung pag-uusap ng mga ungas kong kaibigan. Kaya mas hiniling ko na lang sa kanya. Na sa akin na lang s'ya magalit kaysa naman magalit s'ya sa mga kaibigan ko. Lahat kaya kong tanggapin.. kaya kong saluhin at akuin ang lahat para wala ng madamay.

Mas gugustuhin ko pang ibunton n'ya sa akin lahat ng galit n'ya.. tutal ginawa lang naman nila 'yun para tin sa akin..

"Hoy! Hindi mo ba s'ya susundan?!" rinig na rinig ko 'yung megaphone n'yang bibig. Wala na bang ihihina ang boses n'ya because everytime she talks, she is screaming. Ang sakit talaga sa tenga ng bibig n'ya.

"What are you talking about?" I asked. Wala talaga akong ideya sa pinagsasabi n'ya.

"Ay grabe! Si Trish aalis! Pupuntang Europe! Galaw galaw din pag may time!" I suddenly felt that my world stopped for seconds, "Go Terrence! TLovers forevaaa!" she cheered. Kaagad kong pinatay 'yung phone ko at nagmadali na akong pumunta sa airport. Hintayin mo ko, aayusin natin ang gusto na ito. Pabulong na sabi ko.

Kahit sana sa huling pagkakataon ay makita ko s'ya. Pinaharurot ko ang kotse ko at bahala na.. basta ang nasa isip ko ay dapat na makita o makausap man lang s'ya.

"Damn it! Traffic pa!" sumabay pa talaga 'yung rush hour. Mag-aalas sinco na rin kasi ng hapon at mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko noong naipit ako sa pesteng traffic na 'to. Wala na bang mas lalala pa dito?

Kung mamalasin ka nga naman oh! Wala na ba talaga akong karapatan para sumaya? Hindi ba talaga aayon sa akin ang tadhana kahit ngayon lang? I thought.

Naghanap ako ng ibang ruta. Basta ang nasa isip ko lang ngayon kung paano ako makakapunta sa Airport ng mas mabilis. Kailan ko talaga s'yang maabutan.

Halos mapamura ako noong may mabangga naman ako.. bigla kasi s'yang tumawid sa daraanan ko, "Shit naman!" bumaba ako sa kotse ko para i-check kung okay lang yung babaeng nabangga ko. Lahat na lang ba? Nakakainis naman.

Kung kailan ka nagmamadali doon ka naman napapabagal. "Are you okay?" tanong ko sa kanya. Tila nanigas naman s'ya noong nakita n'ya ako. "Te-Terrence Sy?!" nag-spark yung mga mata n'ya noong nakita n'ya ako. Hindi na ako nag-isip ng matagal at tinulungan ko s'yang makatayo.

"Look miss, I am in hurry. May masakit ba sa'yo?" tanong ko sa kanya. Umiling iling naman s'ya. "Papicture na lang!" sabi n'ya. Gusto kong mapa-facepalm sa inis. Damn.

Ngumiti na lang ako ng pilit kahit naiinis ako. Ayaw ko naman maging rude dahil may kasalanan pa rin ako kahit papaano. Akala ko magtatagal pa ako at dadalhin pa s'ya sa hospital. Buti na lang at walang gaanong damage. Binigyan ko din s'ya ng pera para pangpacheck-up n'ya.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon