Previous Page of 4Next Page

I'm courting Mr. Cold <3

Dedicated to
reych04
spinner.gif

 

 

CHAPTER 33

 

 

Author's Note:


   WARNING: BASAHIN NIYO TO! MAY IMPORTANTE AKONG SASABIHIN SA INYO.. LALO NA SA MGA HEINA and DC LOVETEAM OUT THERE!(^O^)


     Alright, matagal ko na tong gustong sabihin sa inyo kaya lang di ko nasasabi kasi nakakalimutan ko.

     Uhmm, kung napapansin niyo po hindi na ako naglalagay ng mga scenes nina Heina at DC di ba? kasi po I decided na gumawa na lang ng side story nina Heina and DC since marami rin naman ang kinikilig sa kanila. Pero don't worry may mga POV's pa rin naman sila. Yun nga lang po, every POV nila hindi na tungkol sa lovestory nila nakatutok. Okay? Kaya abangan niyo na lang po yung side story nilang dalawa. hehe

siguro magagawa ko yung story nila kapag natapos ko na tong ICMC.

Yun lamang po.. Salamat sa pagbabasa ng author's note ko.. GOD BLESS!



fizz_chae07

 

--------------------

 

 

 

**HEINA’s POV**

 

 

 

Arrrrgh! Nakakainis si Yuri. Iniwan niya akong mag-isa kanina kasama ang manyak na DC na yun. Err,

 

 

alam niyo bang hindi na naman ako nakakain ng maayos kaninang lunch? Paano ba naman kasi, walang ibang ginawa ang DC na yun kaninang lunch kundi ang painitin ang ulo ko. Panay pa talaga ang pagtitig niya sa akin. Feeling ko nga nahubaran na niya ako sa titig niya eh. HAHAHA.

 

 

 

 Sinabihan ko naman na sana siya na mag-isa na lang akong maglulunch pero ang tigas talaga ng ulo niya at sunod ng sunod pa rin siya sa akin kasama yung isa pa niyang kaibigang na si Raven na isang ring endangered species. Mga gwapo kasi sila.

 

 

Alam niyo naman ngayon dito sa mundong ibabaw kakaunti na lamang ang mga gwapo at mga tunay na lalaki kaya endangered na sila- Alexis, Ren, at Raven.

 

 

Teka nga, did I just say include the name alexis?? Err, Ren at Raven lang pala ang ibig sabihin ko dun. Sila lang. hmp! 

 

 

Teka nga, saan pala dinala ni Yuri kaninang lunch time si Ren? Hmmmnn… malamang ginagawa na niya yung mission niya.

 

 

Yup, nabanggit na sa akin ni Yuri yung tugkol dun. Simula dun sa nalock sila sa library hanggang dun sa mission na ibinigay sa kanya ng mama ni Ren. At oo,kinilig din ako gaya niyo nung ikinwento niya sa akin yun. HAHAHA

 

 

 

Andito nga pala ako sa room ngayon,tumunog na kasi ang bell at dumating na nga ang teacher namin para sa first period class namin in the afternoon. Pero ang ipinagtataka ko lang, andito na si Ren sa room pero bakit wala pa si Yuri? Sabay naman sila kaninang naglunch huh.

 

 

OMO! wag niyong sabihing may nangyari nang masama sa kanya. Oh My Gosh best friend!

 

 

Err, masyado kang nega Heina… relax lang. think positive. Malay mo nag-cr lang pala siya saglit.  Tutal late palang naman siya ng 5 minutes  eh.

 

Psssh...matext na nga lang siya.

 

 

**Compose Message**

 

   To: Best friend

 

 Psst, asan ka na? nagsisimula na ang class natin. Bilisan mo.

 

.......

 

And… sent!

 

 

** A Litlle bit fast forward**

 

Walong minuto na ang lumipas simula nung matext ko si Yuri kanina. Oo, tama nga kayo..alam na alam ko talaga kung ilang minuto na ang nakalipas kasi naman tutok na tutok ako rito sa wrist watch ko oh. Halos hindi na nga ako nakikinig sa mga sinasabi ng teacher ko eh. Nag-aalala na ako kay Yuri. Hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na kahit isang text reply mula sa kanya.

 

 

Lumingon ako dun kay Ren, at aba naman ang loko oh lakas ng tama! busy pa siyang magsoundtrip nang naka-earphone naman kahit andito na teacher namin. Wala talagang galang. Sayang ang kagwapuhan neto oh. -_- err,

 

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (10)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Fiona, Ang Munting Suplada™ -- ON-HOLDBRIEF ang sinusuot ko hindi PANTY. (ON-GOING)My Broken StringsThe Models are Gangsters in Disguise