Chapter 25: It'll Always Be Her

400 10 12
                                    

CHAPTER 25

[It'll Always Be Her]

Errrr. May group chuchu nanaman kami sa Filipino. Hindi naman yung project yung inaangal ko eh. Diba nga kagrupo ko dito si Randel pati si Janelle? Parang ang awkward i-process lahat sa utak ko.

Hindi ko paring makalimutang mas pinili pa niya si Janelle sa akin..

Eh, pinili naman niya siguro si Janelle kasi mas payat siya... Not necessarily na kahit sa anumang aspeto, si Janelle ang pipili niya. Tama ba?

Ge Dianne, gumawa-gawa ka lang ng dahilan.

Ah basta! Yan na yan. Grabe, nakakaya ko pang maging positib thinker sa lagay na 'to. Overdosed yata sa Alaxan 'to, TINK PASITIB WALANG AAYAW!

Yun nga... Last subject namin ngayon ang Filipino. Group project daw naming gumawa ng compilation ng mga paraan para mapakita ang nasyonalismo at pagmamahal sa sariling wika. Madali nga naman... pero hindi namin alam kung tungkol samin yun o in general mismo. GC kaya kami, este ako.

"Tanungin natin si Sir!" -Dianne

"Hindi na kailangan 'yun" -Janelle

"Bahala kayo." -Claire

Ay oo.. kagrupo nga pala rin namin 'yang bruhang yan. Ahahaha, wag niyo nga palang sabihing tinawag ko siyang bruha. Hindi naman ako sinungaling eh. ^_______^

Aynowrayt?! Team Janelle yata nitong grupo ko sa Filipino. OP lang ako. Hindi nga lang nila ako kayang echapwerahin kasi ako yung leader nila. Buti nga ginusto pa nila gawin namin nang sabay yang project na yan.

"Basta ako, tatanungin ko. Dyan lang kayo, may pag-uusapan pa tayo." -Dianne

"Sasama na ako." -Randel

Ihhhhhhhhhh. Bumabawi si Randel sakin ha. :"""">

"Ano nakain mo?" -Dianne

Kunwari pa ayaw eh. Ano yun, sasabihin ko kay Randel na napimilipit na ako sa kilig dahil sumama siya sakin? Syempre hindi! Hihihihi.

"Bakit? Assistant leader mo ako diba?"

"Isang beses lang naman 'yun ha?"

"Ayaw mo nun? Kinacareer ko na."

Ano bang meron? Hindi yata ako nainform. :""">

Edi naglakad kami sa corridor, as in kaming dalawa lang magkasama. Medyo malayo-layo pa kasi yung faculty ng Filipino Department dun sa classroom namin sa Fili. Kilig naman ako. Go meeeeeeeee!

Papunta dun, nakasalubong namin si Vince na pabalik doon sa Filipino room.

"Nice Dianne! San kayo pupunta?" -Vince

Halata parin namang nang-aasar siya eh. Akala niya hindi ko alam ha!

"Sa Filipino faculty, bakit?"

Nginitian nya lang ako, hindi na siya nakasagot. Dumiretso na kasi kami sa bawat pupuntahan namin. Kaso napansin  kong tumakbo bigla si Vince papunta sa Filipino room. Andun pa yata mga kagrupo niya loob, malay ko. Grupo ko nasa corridor eh.

Lakad pa kami ni Randel... ang awkward nga eh. Parang pinagtitinginan kami ng mga makakasalubong namin na palabas ng mga classroom nila. Ano ba meron? Ngayon lang nila nakita kaming magkasama nang ganon? Oo naman talaga eh. Ano yun, iniisip nilang ako yung bago ni Randel? Hindi kaya! Pero sana nga ako nalang... </3

Sus, wala namang malisya dun. Eh ano naman ngayon kung magkasama kami, tatumbling kayo?

Pero pinagdarasal ko talagang hindi namin makasalubong si Charizze. Tatlo lang naman ang pwedeng mangyari kapag nangyari yun.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon