Weather No. 36 *My Boyfriend*

83.7K 925 300
                                    

READ. VOTE. COMMENT. LIKE. BE A FAN.

~ENJOY :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 36

 ((-Sunny's POV-))

"My GULAAAY?! My Bubby-ful face! Over! It hurts so much!" tili nung natamaan ni Bluenica. Nakatakip ang mga palad niya sa mukha.

Pareho kaming nagimbal ni Bluenica. Hindi kasi namin inaasahan na may ibang masasangkot sa "balik-memory operation" thing niya.

Automatically, pumunta ako sa side nung nahambalos. "Sir? Okay ka lang?" alalang tanong ko.

"Yuck! Sunny, dear, how could you call me SIR?! My name is Bubby and I'm not a SIR!" sigaw niya sa akin sabay atungal ulit.

Nakita ko naman yung mukha niya, walang pasa or anything na bakas ng hagupit ni typhoon Bluenica. Natitigan ko pa ng ilang saglit yung mukha niya nang sumakit ang ulo ko.

Internal Vice-President, Bubby.

"Uy, ikaw girlash? Okay ka lang ba dyan? Kaw ata mawawalan ng ulirat eh." Takang tanong sa akin ni Bubby. Ansakit talaga ng ulo ko. Tss.

"I-Internal Vice President?" nasabi ko na lang.

"Oh my manicure, pedicure, pangkulot! Nakakaalala ka na?! You really recognize me?" turo ni Bubby sa mukha.

Umiling ako. Kahit makirot ang ulo ko, hindi ko magawang alalahanin kung saan ko nakita si Bubby. Basta parang may nag-echo sa loob ng utak ko na siya ang internal vice president at nag-usap na kami noon.

Napabuntong hininga siya ng malalim. "Tara, dadalhin ka na namin sa clinic. Akala ko pa naman ako na ang dakilang character na magbabalik sa'yo sa iyong hustong gunita. Ngunit sa kasawiang palad, ako'y nagkamali. Nalinlang ako ng aking maling akala! Umasa pa naman akong tatangkilikin na ng marami ang aking pagiging dyosa." Umakto siyang Maria Clara pero OA. Kawala ba siya sa mental?? "Come, come na nga." Aya ni Bubby sa akin saka sinulyapan si Bluenica na umiwas ng tingin at sumipol na parang walang nangyayari.

"Actually dear, walang masakit sa akin. Look oh." Tapos ipinakita niya yung hardbound cover nung librong dala niya na nayupi. Iyon siguro yung pinangharang niya kanina sa hampas ni Blue.Eh bakit nagpaka-kawawa effect pa siya. Sus. May ganito pa lang kabaliw na Internal VP ang Chantelise Academy. "Taralets na." Akmang hahawakan na ako ni Bubby sa balikat nang may isa pang hindi ko kilalang mukha na dumating pero may hinala akong nakita ko na siya dati.

"OUCH! MY HEAD HURTS! MY GORGEOUS BODY IS ACHING! OUCH!" sigaw ni Bubby na halos maglupasay na sa sahig. Na naman? Eh akala ko ba walang masakit? Para naman tong natamaan ng kidlat. Sira.

Lumapit sa amin yung lalaking may pamilyar na mukha at hinawakan si Bluenica sa braso. "Anong ginawa mo?" may bahid ng galit sa tinig niya. Lumingon siya sa gawi ko.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

"Uhmm, I guess I'm okay. You can check my body if you want to?" Mapanuksong tanong ni Bubby. Ahy anu ba yan, ang lande ng lola mo.

Akala ko siya yung kinakausap nung lalaki pero hindi siya pinansin nun tapos dumiretso siya sa akin. Eye to eye contact...

"Sunny, kilala mo ba ako?" tanong niya sa akin. Hinawakan niya ako sa pisngi. Marahan akong umiling. Sa pag-iling ko, sumakit na naman ang ulo ko.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon