Dedicated to Ella Mae na girlfriend ni Gino De La Rosa. Hahaha. Deh joke.
Seryoso na. Sya si xoxo-fangirl sa Tumblr at naughtelluuh sa Twitter. Sya rin yung gumagawa ng magagandang edited photos ng KathNiel.
At ngayon naman, ginawan nya ang KatChe. Hihi. Photo of Katsumi and Archelle sa side.
Thank you ulit, Ella Mae! :)
At thank you rin to Archelle na pumayag gamitin ang picture nya.
Opo, nageexist po talaga si Archelle. Haha. Pero yung story po nila ni Chumi ay imagination ko lang. :)
------------------------------------------------------------
SETH’S POV
Ngayon ko lang nakitang ganito si Katsumi.
Nung kinwento nya ang storya nila ni Archelle, akala ko okay na sya. Akala ko nakamove on na sya sa sakit. Pero hindi pa pala.
Ngayon ko lang nakita ang isa pang side ni Katsumi. Kilala ko sya bilang nagpapatawa. Nagjojoke. Nagpapasaya. Pero this time, mukhang sya naman ang kailangang pasayahin.
Ngayon napatunayan ko na talaga.
Sa likod ng bawat ngiti at tawa ng isang tao, lungkot at sakit ang nagtatago rito.
“Dito na muna tayo, Seth. Hindi ko kayang makita nila akong ganto.” Kats.
“Sige. Tara upo muna tayo dun.”
Pumunta kami dun sa may bench at umupo kami dun. Tahimik lang kami. Walang nagsasalita. Hinihintay kong sya ang mauna.
“Alam mo ba kung anong date ngayon?”
“March 18. Bakit? Anong meron?”
“Exactly 4 years ago, nasa park kami nun. This was the exact day na nagpaalam sya sakin.”
Kinuha nya ang wallet nya at kinuha ang isang picture.
“Yung nakikita nyong ako ngayon. Yung palabiro. Maloko. Malakas ang trip sa buhay. Impluwensya sakin yun ni Archelle.” Sabi nya sabay abot sakin nung picture nila ni Archelle.
Tiningnan ko ang picture at nakita kong maganda pala talaga si Archelle. Pose palang nya dito sa picture, makikita mong happy go lucky sya. Malakas ang trip. Jolly.
Parang si Katsumi lang. Kaso nga lang,ibang Katsumi ang kasama ko ngayon.
“Yan lang ang ala-alang meron ako sa kanya. Yan lang ang picture naming dalawa. Bukod dyan, wala na…” Malungkot nyang sabi habang kinukuha ang picture nilang dalawa.
“Buti ka nga e. At least ikaw, nakita mo sya. At least ikaw, may picture kasama sya…"
“Anong ibig mo sabihin?”
“Hindi ko pa to nasasabi sa inyo, pero nung bata ako, nabulag ako.”
“Parang si Daniel?”
“Oo. May nakilala akong babae. Cheska ang pangalan nya. Special syang babae. Sya ang tumulong sakin para makayanan ko ang pagiging bulag ko. Akala ko ang lakas lakas nya, pero kagaya ni Archelle, may sakit rin sya.”
“Anong sakit nya?”
“Leukemia. At ang masaklap pa nito, nalaman ko lang yun nung wala na sya.”
“Yun na yata ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa isang tao. Yung malaman mo ang isang bagay sa oras na huli na ang lahat. Pero teka, pano ka nakakita ulit?”
“Dahil kay Cheska. Idinonate nya ang mata nya sakin kasi alam nyang hindi na rin sya magtatagal.”
“Buti nalang at nakakita ka na ulit.”
“Masaya ako, oo. Pero nung araw na yun parang gusto ko nalang mabulag ulit. Kasi nung araw na bumalik ang paningin ko, yun din yung araw na kinuha sakin si Cheska.”
Tinapik ni Katsumi ang likod ko.
“Kaya sabi ko sayo, maswerte ka pa kasi may picture kayo ni Archelle. E ako, ni hindi ko na nga sya nakita, ni wala pa kong picture kasama sya. Diary lang nya ang meron ako at ang mga ala-ala nya na hindi na mawawala sa puso ko.”
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Daniel Padilla | as Daniel |
| Kathryn Bernardo | as Kath |
| JC Padilla | as JC |
| Katsumi Kabe | as Katsumi |
| Sed Gothico | as Seth |
| Lester Giri | as Lester |