Chapter 25: Birthday Celeb. w/ lucky 13
October 29,2012
Andito kami ngayon sa NAIA airport , anong oras na ba ? 9:30am palang , ang alis namin eh mamaya pang 10am so may 30 min. pa, hinihintay na lang namin yung iba pang kabarkada ni Stephan yung lucky 13 ba yun ? Balita ko ang gagwapo nun eh lalo na daw nung Timothy, nabanggit kasi sakin ni stephan, may pagnanasa ata kasi siya dun hahaha!
" Wahhh asan na kaya yung luky 13 hihihi " bree
" Aba bree lumalandi ka na ha sino ba ang type mo dun ? " ako
" Wahahah paminsan minsan lang naman Elise kaya wag ka ng kumontra, eh basta may nabanggit sa akin si Stephan pinakita niya kasi sa akin sa fb kagabi yung pictures nung lucky 13, ang natypan ko yung Kyo :"""> "
" MALANDI! =))) " . sabi ni lauren galing likod nakaupo kasi kami sa prang bench basta yung hintayan haha.
"CHE! " bree.
haha maganda naman yan si bree eh tapos matalino pa kung titingnan mo siya aaklain mong bata parang grade 6 ang cute kasi tapos ang lalim pa ng dimples ^O^ yun nga lang di gaanong nagsasalita, maliban ngayon kasi excited dun sa Kyo na tinutukoy niya.
Tinatanong niyo ba kung nasan si Shawn ?
hm andun oh kasama si .........
Dana.
Yep you red that right, si Dana ang kasama niya.
Hayop na Stephan yun inimbitahan pala yung babaeng yan. Wala tayong magagawa kasi kaibigan rin ng mom niya ang mom nung babaeng yun.
A big WOW! tss. okay lang marami namang gwapong kasama, dun ko na lang itutoon ang pansin ko kesa mag pakabitter ako habang tinitingnan ko silang dalawa. As if naman na magseselos ako noh.. psh
Kalma Elise, act normal. Diba ikaw may gusto nito ? Diba pinakawalan mo na si Shawn edi panindigan mo.
ALAM KO. tss
" bat parang andaming nagsisigawan na babae dun sa entrance ng airport ? " shey
" oo nga eh anong meron ? " lauren
" baka may artista ? " bree
" Sus wala yan girls, tara na ayusin niyo na mga gamit niyo." ako
" Wahhh bes ano ka ba , baka kung sinong artista yan oh dali asan na yung camera ilabas mo!!! " lauren
ako naman itong si tanga nagdalidali at hinalungkat yung bag ko para kunin yung camera teka asan na ba yun ?
" WAHHHHHHHHHHHHHHH ANG GWAPO NILA... PAPICTURE PAPICTURE" mga babae
napalingon ako tapos may kumaway sa akin...
Si stephan...
Kasama ang lucky 13 ..
kaya naman pala naghihiwayan ang mga babae eh
--
" Sweetheart , shey, bree, lauren, alex,bryan, shawn , dana, ang lucky 13 nga pala " pakilala ni stephan samin sa lucky 13.
ngumite silang 13 grabe kompleto sila...
" uhm sila nga pala si Top , red, six, omi, seven, jack, kyo, mond , pip, jun, vin, sun, at dos" stephan
habang nababanggit yung pangalan nila ngumite sila grabe makalaglag panty :"""> I love you na Stephan for inviting them.
" Ay wait andito rin pala ang crazy trio tapos si samantha , magpipinsan sila. Si china, michie tapos si maggie "
Ang gaganda nila O.o
nakipagbeso sa amin si china, michie , tapos maggie ang kukulit nila hahah hindi na kayo magtataka kung bakit crazy trio ang alyas nila eh. Yung Samantha parang ang sungit , magsyota ata yan eh tsaka si top, parehas masungit. hm
" Guys tara na tinatawag na tayo ng langit este ng eroplano "
" ang gwapo talaga ni kyo sa personal noh ? " pabulong na sabi sakin ni bree habang naglalakad kami papuntang eroplano na sasakayan namin. Bruhang to may pagkalandi rin pala hahahha.
napatingin ako sa likod ko nakaakbay si Shawn kay Dana habang tumatawa ..
Aigooo.. ang saya nila. </3
Fast forward >>>>
" OH LALALA HELLO BORACAY! " sabay sabay na sabi ng crazy trio habang si Samantha nakatakip ng tenga hahahha nakakatawa sila ..
" Ang ingay niyo talaga crazy trio tss " samantha
andito kami sa shangrila hotel, kila Stephan to kaya lahat libre , ang ganda :""""> , parang ganto yung hotel namin sa paris eh.
" guys wait, magbubunutan tayo kung sino ang makakasama natin sa kwarto, sabi kasi ni mommy 12 rooms na lang daw ang available kasi fully booked daw tong hotel so bawat rooms eh may tigdadalawang kama lang kaya yun hahah tara lets start ikaw muna top ang bumunot , ang mabubunot niyo is name ng makakasama niyo okay ?" stephan
bumunot na si top at ang nabunot niya ay si samantha, nagtinginan ang lucky 13 pati ang crazy trio tapos sabaysabay nilang sinabi na " ALAM NA"
" HAHAHHAHAHHAHAHAHAHHAHAH " lahat kami.
tiningnan naman sila ng death glare ni top kaya natigilan sila hahahhaha. Nakakatakot pala tong si top eh...
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| go ah ra | as Sophia Elise Chua |
| Jung yunho | as Patrick Shawn Perez |
| Seo Joo-Hyun | as Lauren Sy |
| Wang Feifei | as Dana Alvarez |
| Kwon Ji-Yong | as Stephan Ong |