Previous Page of 4Next Page

Deal for LOVE

spinner.gif

Chapter 1

 

“OMO… Phie, anong drama yan?” gulat na tanong sa akin ni Missy pagpasok ko sa dressing room. May bitbit kasi akong maleta at dun napako ang mga mata niya.

 

“Wala, gusto ko lang ng new environment, masyado ng boring eh, I want some challenge in my life” lumakad ako para kunin yung damit ko sa closet at nagtungo na sa changing area pero bago ko isara yung pinto tinanong ko muna si Missy “Can I live with you? Don’t worry I’ll pay my rent.”

 

“Ano ba talagang nangyari? Ang laki ng bahay niyo, bakit kailangan mo pa tumira sa cond---“

 

“Kung ayaw mo, that’s fine with---“

 

“Hindi naman sa ganun Phie, super gusto ko nga eh kasi makakasama na kita lagi, kaya lang—“ ang hilig namin magputulan ng sasabihin

 

“Then I’ll take that as a yes, bihis na ko” iniwan kong nakanganga si Missy sa labas at ako eto nagre-ready na para sa gig namin.

 

Missy Erika Delgado, 16 years old, she’s our drummer & obviously my best friend. She’s living on her condo unit simply because she doesn’t like to stay at their house, because she hates her step mother.

 

Tapos na akong magbihis ng may kumatok sa pinto “Phie, we’ll start in 5 minutes” boses ni Jelissa yun.

 

Jelissa Mendoza,16 years old, she’s  our guitarist, she’s the “kikay” among all of us.

 

Lumabas na ako ng changing area, nagpony lang ako, naglagay ng eyeliner, then done. Nagtungo na ako sa backstage dahil kami na yung next na sasalang.

 

“Ganda ah, simpleng chubachenes lang ng hair at konting eyeliner, kabog na lahat ng babaeng nandito” loka-loka talaga tong si Chelsea.

 

Chelsea Gonzales, 16 years old, she’s our bassist. Kung nagbo-boys hunting kayo, maki-close kayo sa kanya, sigurado marami yang kilala. Playgirl ang babaitang to eh pero di pa siya nagka-boyfriend. Fling-fling lang daw gusto niya. Ayaw niya ng commitment kasi ayaw daw niyang masakal at lalo namang masaktan.

 

“Alam kong kanina niyo pa sila hinihintay. Hindi ko na kayo bibitinin pa. Please welcome the “New Generation” band” pag-introduce nila sa amin.

 

Umakyat na kami ng stage, pumwesto na kami para mag-umpisa ng tumugtog, ako nga pala ang vocalist ng banda, Nichola Sophie Villegas, 16 years old. Matagal na kaming naggi-gig sa bar na to. High school pa lang eto na yung pampalipas oras naming magbabarkada pero every Friday lang kami tumutugtog. Nag-umpisa na kaming tumugtog, dinig na dinig ang sigawan ng mga tao.

 

“Woooohhh, ang gaganda niyo talaga” sigaw ng isang lalaki sa gilid. Tinignan ko lang siya at nginitian.

 

“Chelsea, I love you” sigaw ng isa pang lalaki, tumingin ako sa reaction ni Chelsea habang patuloy na kumakanta, patay malisya ang gaga. Sanay na kasi siya sa ganyan eh, kaya parang wala na din sa kanya, sa dami ba naman ng lalaki niya.

 

Natapos yung dalawang kantang tinugtog namin, bumaba na yung mga kasama ko. May solo kasi ako ngayon kaya pumwesto na ako sa tapat ng piano. Hindi ako nakapag-practice pero eto yung unang kantang pumasok sa utak ko kaya eto yung kakantahin ko.

 

“This represents what I feel today.”-Inumpisahan ko ng tugtugin yung piano. Natahimik bigla. Narinig kong nagbubulungan yung mga tao.

 

“Broken hearted ba siya?”

 

“Siguro”

 

“Pag ba kumanta ng maramdaming kanta, broken hearted na agad di ba pwedeng type lang niya?” sapul

 

(A/N: yung pong mga naka-parenthesis, ibig sabihin po nun ay flashback bali yun po yung naaalala ni Sophie habang kumakanta siya)

 

Di ko inisip na mawawala ka pa
Akala ko’y panghabang-buhay na kapiling ka
Lahat na yata ‘binigay para sa ‘yo
Ngunit parang may pagkukulang pa ako

 

Sino nga ba s’ya sa puso mo
At kaya mong saktan ang tulad ko
Gayong lahat-lahat ng akin
At pag-ibig ay ‘binigay sa’yo

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (2)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Who's Reading

chillinout

Recommended

Reaching You [Fin]Better In Time[S1LU] Someone Like YouBridge of Love :)