His SEVEN reasons (One Shot Story)

91.7K 3.4K 950
                                    

Apat na taon na ang nakakaraan. Matagal na, subalit alalang alala ko pa rin ang eksaktong mga salitang binitawan nya sakin.

"Sabi ni Prof, may gusto ka daw sakin. Pero sorry... kahit kelan hindi ako magkakagusto sayo."

Hindi ko makakalimutan yun. Unang pag-uusap pa nga namin yun eh, at dahil sa pagkakataong iyon, nadurog ang puso ko.

**

"Ikaw talaga! Binalak mo pa talaga akong takasan sa reception!" natatawang sabi ni Ate Lydia nang inabangan nya kami sa pasukan ng isang sikat na hotel kung saan idadaos ang kainan.

"Hindi naman ako kelangan dito eh. Tsaka ano..." Pano ko ba sasabihin? Na hindi ako komportable na andito sya? Kung nalaman ko lang talaga na kapamilya pala sya ni Kuya Lance, maghahanap talaga ako ng palusot para lang hindi makadalo sa kasal netong pinsan kong si Ate Lydia.

"Dahil ba kay--"

"KUYA AIDEN!" sigaw ng syam na taong batang kapatid ko kaya napalingon nalang kami sa lalaking kalalabas lang sa isang mamahaling sasakyan. "Ang GWAPO mo talaga~!"

=_______= Napaismid nalang ako sa narinig ko mula sa bibig ng kapatid ko. Oo, sya na ang gwapo. Lagi naman eh.

"B--akit?" naitanong ko kay Ate ni Lydia na ang wagas ng ngiti matapos akong sikuhin sa tagiliran. Binigyan nya ako ng isang tingin na halatang nanunudyo. "Punta na ako sa taas, baka makasabay ko pa yan eh"

Fortunately, hindi ko naman sya nakasabay sa elevator.

Sya pala si Aiden Villaruiz. Mahal ko yan simula noong 4th year highschool kami. Nang mag college kami, napaghalataan ng Prof ko na may gusto ako sa kanya, kaya ayun kinuwento ko nalang ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Aiden. But it was a wrong move. Si Aiden pala ang student assistant ng Prof na yun kaya nasabi ni Ma'am.

Bakit kasi parang floorwax ang dila ni Ma'am?! =.=

At dahil nga nalaman nya yun, he went immediately to my room after that revelation and frankly told me those words.

"Sabi ni Prof, may gusto ka daw sakin. Pero sorry... kahit kelan hindi ako magkakagusto sayo."

Masakit. Pero kailangan tanggapin. Mabuti nalang din. At least, hindi nya ako pinaasa dba? Actually, friends kami ngayon. Mas lalo kaming nagka close simula nang malaman nyang may gusto ako sa kanya. Namamansin na kasi sya sakin. Paano? Inaasar nya ako lagi sa pagkakagusto ko sa kanya. Kaya minsan, imbes na mas lalo akong mahulog sa kanya, naiinis nalang ako sa sobrang kakulitan nya. :)

"ATE MAY!!!" napatakip ako ng tenga nang bigla na naman akong sigawan ng kapatid ko. Sobrang lakas ng boses nya na parang nasisisira eardrums ko. "Dito ka maupo ha?" turo nya sa ikawalo na huling table.

Tinangunahan ko nalang sya kasi doon ko din talaga balak maupo. Malayo sa harap. Malayo kung san si Aiden. Nasa pangalawa kasi sya. Papaupo na sana ako, kaso may napansin ako sa kamay nya.

"Ano yan?" =___= Anong klaseng tanong yun May? Kita mo ngang rosas, tinanong pa kung ano.

"A--aah, ee--eh! Hindi 'to rose ha!" para syang nataranta at dali daling itinago ang isang tangkay ng rosas sa likuran nya.

"Santan nga yan!" pagbibiro ko sa kanya haha xD Kahit syam na taon na sya, hindi pa rin sya ganun ka matured mag-isip. The way she thinks is like she's only 6 years old. Hahahaha xD

"Di ah! Rosas to!" tignan nyo na ^O^ Ang gulo nya dba?

Aasarin ko pa sana sya kaso may tumawag sa kanya.

"Liza!" Si Aiden at senenyasan pa nya ang kapatid ko na lumapit sa kanya. Ito namang kapatid ko, iniwan akong mag-isa sa table. May gusto ata sya kay Aiden. Bakit ang close nila??

His SEVEN reasons (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon