SFRBTFG 15*

291 6 2
                                    

Chapter 15*

Lakad lang ako ng lakad, hindi ko alam kung san ako pupunta. Eh sa nasasaktan ako, ano magagawa mo? Tss. Bakit sina mama pa ang magiging dahilan ng pagkawala ng tirahan ng mga kaibigan ko? Bakit kailangan namin mag-away ng ganito dahil lang sa lupa. Bakit kailangan kong mamili between friends and family. Bakit?

Habang naglalakad ako at di ko alam kung san pupunta ay bigla na lang akong nilapitan ng 3 lalake na mukhang ewan at amoy alak. Naku po!! Patay akong bata ako. Bakit kasi hindi ko napansin na dito na pala ako nakadaan sa mga nag-iinuman eh.

“miss, lonely ka ata? Tara pasisiyahin kita.“ iwww! Kadiri naman to.

“I’m not lonely okay. Tsaka bitawan niyo nga ako, close ba tayo hah? Hindi naman ah.”

 

“tara, makikipag close kami sayo. Yun lang pala eh.”

 

“ano ba, bitawan niyo sabi ako e. ang baho baho ninyo, ilang years kayong hindi naligo huh? 2, 3 o 5? Tsaka tingnan niyo nga yang itsura niyo para kayong pinaglihi sa kanal!!” sige manlait pa ako. Naku naman lalo ko lang sila ginagalit e.

“alam mo miss, ang ganda mo sana, kaso ubod ka ng sama ng ugali, makapag lait ka parang wala ng bukas.”

 

“hindi po ako naglalait, okay? Nagdedescribe lang ako.“ Tama, dinedescribe ko lang sila. Tsk. Lagot lalong humigpit yung hawak ni Kalbo. Tsk

“aray, ano ba nasasaktan na ako. Bitawan niyo nga ako.”

 

“hahahahahahaha, wag ka na pakipot, mag e-enjoy ka din naman.”

 

“bitawan niyo na po ako manong please, bata pa po ako, marami pa po akong pangarap sa buhay ko. Please po.“

 

“mabait ka naman pala eh“ buwisit. Sanang nag-aral na ako ng taekwondo edi sana bali bali na ang katawan ng mga to. Somebody help me please? Lord, tulong po. T_____T

“bitawan niyo nga girlfriend ko.“ Tingin sa likod, anong ginagawa ni Mak dito?? O.o

“girlfriend mo ba itong mapanlait na to?”

 

“oo girlfriend ko nga yang mapanlait at pangit na babaeng yan.” Pangit pala ha.

“hoy sinong panget aber? Eto salamin tingnan mo yang sarili mo.” Anu ka ngayon.

“LQ ba kayo? kaya siguro lonely ka.”Binitawan na ako ni manong kalbo. Hay salamat naman, kala ko kailangan ko pa siyang gawing punching bag bago niya ako pakawalan e. Hahahahaha!

“hindi po kami LQ nyang kumag na yan“

 

Single For Real But Taken For Granted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon