Previous Page of 4Next Page

Never Talk Back To A Gangster! [2nd Half--FIN]

spinner.gif

Dedicated ulit kay Secretheartache =) Puro drama napapunta sa'yo no? XD

Ang PABATI SECT ay hindi na sa akin ang PM. Paki-PM nalang si Yra Salazar para don. External Link --->



Ch.80 - A Heart As Cold As Ice



Tick. Tock.


Tick. Tock.


Nababalot ng katahimikan ang bahay ni Kyohei Sagara.


Sa sobrang tahimik ay mapagkakamalan itong walang tao.


Tick. Tock. Tick. Tock.


Ang tanging ingay na maririnig sa sala.


Tick. Tock. Tick. Tock.


'Tama kaya na dinala ko sya dito sa bahay?' ang paulit-ulit na tanong ni Kyo sa sarili nya 'Kapag nalaman 'to ni Pinuno... Ah! Di bale na nga!'


Muling bumalik ang tingin nya sa dalaga na nakaupo sa harap nya.


"Gamutin muna natin ang sugat sa kamay mo. Paano mo ba nakuha 'yan?" tanong ni Kyo kay Samantha.


Katulad kanina, wala ulit syang nakuhang sagot mula dito.


Blanko lang ang mukha nito. Kanina pa natuyo ang mga luha sa pisngi ng dalaga. Tulala lang ito at walang imik.


Napabuntong hininga nalang sya.


Hindi nya alam kung ano ang gagawin sa babae.


"Young Master heto na po ang ipinakukuha nyong kit"


Tumayo sya at kinuha ang first aid kit mula sa kasambahay.


"Salamat"


"May ipag-uutos pa po ba kayo?"


"Wala na," sagot nya


"Sige po," yumuko muna ito sa kanya bago umalis


Bumalik sya ng upo sa harap ng dalaga.


"Ahh Samantha, gagamutin ko na 'tong kamay mo ha?" paalam nya sa dalaga


Pero parang hindi naman sya nito narinig. Hindi rin yata sya nakikita. Diretso lang ang tingin nito, blanko sa emosyon. Tila nasa malayong lugar ang isip nito.


Kinuha nya ang kamay nito. Napangiwi sya sa nakitang mahabang linya ng hiwa sa kamay nito, kasing haba ng hintuturo nya. Nalinis na nya ito kanina at natanggal ang ilang maliliit na piraso ng bubog sa kamay nito pero sa tuwing makikita nya ang sugat sa kamay ng dalaga ay hindi nya mapigilan na mapangiwi. Sigurado sya na sa lambot ng kamay nito ay hindi ito sanay nang nahihirapan o nasasaktan..


Hindi man ganon kalalim ang hiwa na kakailanganin pa ng tahi, sigurado parin sya na masakit 'yon lalo na sa isang babaeng katulad ni Samantha.


"Medyo masakit 'to kaya tiisin mo muna," sabi nya.


Tumingin ulit sya sa mukha ng dalaga. Napabuntong hininga nalang sya.


Inumpisahan na nya itong gamutin, nilagyan nya muna ito ng mga antiseptic bago balutan ng benda.


Nang matapos ay inayos na nya ang mga gamit.


"Samantha, nagugutom ka na ba?"


Wala pa ring sagot..


"Ahh.. Sandali lang," tumayo sya at pumunta sa kusina


Kinuha nya ang cellphone at tinawagan ang isa sa mga kaibigan nya.


[Oy] bati sa kanya ng nasa kabilang linya


"Vin, san ka?"


[Nandito sa lunch meeting, bakit? Ano'ng kailangan mo?]


"Tsk, tulong. S.O.S"


[SOS? Ano'ng gulo 'yang pinasok mo?]


"Basta dito ko nalang sa bahay ipaliliwanag,"


[Sige, bigyan mo 'ko ng.. 15 minutes]


"Sige, sige"


Matapos ang tawag ay nagpahanda sya ng pagkain para kay Samantha.


Bumalik sya sa sala.


"Samantha," tawag nya dito kahit alam nyang hindi ito sasagot.


Laking gulat nalang nya nang tumingin ito sa kanya. Napatigil sya sa kinatatayuan nya.


"Bakit?" walang buhay nitong tanong


"Ah, ano.. gusto mo bang magpahangin? Dun tayo sa labas, mahangin don eh, tara?"




***Samantha's POV


Nakatingin sya sakin at naghihintay sya na iabot ko ang kamay ko sa kanya.


Ano ba ang sinabi nya sa'kin?


Hindi ko maalala ang sinabi nya.


Inabot ko nalang sa kanya ang kamay ko. Pero napatigil ako. Bakit may benda ang kamay ko?


"Ano'ng nangyari sa kamay ko?"


"H-Hindi mo maalala?"


Tumingin ulit ako sa kanya at umiling.


"Ahh.. Kasi may sugat ka sa kamay tapos.. ginamot ko," sagot nya

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (1250)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Ch.80 - A Heart As Cold As Ice

Cast

T.O.Pas Timothy Odelle Pendleton
Han Hyo Jooas Miracle Samantha Perez
Kim Jaejoongas Red Dela Cruz
Kwon Jiyongas GD/Uno
Victoria Songas Audrey dela Cruz
Shin MinAhas Michie Sta Maria
Jessica Jungas China dela Vega
Tiffany Hwangas Maggie dela Vega

Recommended

School Idol Project (SIP)LiarsShe's dating the gangster ( full . story / back again )My Tambay Princess