Previous Page of 5Next Page

Love Under the Umbrella(Short Story)

Dedicated to
Gail Balanoba
spinner.gif


 

Nandito ako ngayon sa sementaryo. Death anniversary ni daddy.

 

“Hello po, daddy. It’s been a while since nung huling punta ko po dito. Maayos naman po kami. Si ate, nakagraduate na po with dergree at searching for a job po ngayon. Si bunso naman po, ayun todo aral at akalain niyo pong may nililigawan na ngayon? Hehe. Si mommy naman po, nagsisikap pa rin pong magtrabaho para po sa amin. Ako naman po, ayun masaya naman po ako sa mga kaibigan ko po ngayon. For the nth time, sasabihin ko po ulit ito, daddy.

 

Ang daya niyo! Ni hindi ko man lang po kayo nakasama ng ganung katagal! Gustong gusto ko po ng alaga ng daddy, pero wala naman po kayo! Daddy, sorry po kung nag rarant nanaman po ako. Di ko lang po kasing kayang pigilan. Basta po, daddy balang araw, magkakasama po ulit tayo. Palagi niyo po kaming babantayan ha? I love you po, daddy.”

 

Umiiyak nanaman ako. Ganito ako lagi pag tuwing birthday or death anniversary ng daddy ko. At sa pag-iyak ko, eh nakiiyak na rin ang langit.

 

Maya-maya, naramdaman kong tumigil yung pag patak ng ulan. May nag papayong sa akin.

 

“Hahayaan mo nalang bang mabasa ka diyan ng ulan at magkasakit?”

 

O.O siya?! Yung crush ko! >/////<

 

“H-Ha? Ahm, s-sorry.”

“Bakit ka naman nag sosorry? Halika na, mamaya, magkasakit ka pa.”

 

“S-sige. Wait lang.”

 

Lumuhod ako sa tomb ni daddy para magpaalam na.

 

“Daddy, aalis na po ako ha? Sige po.”

 

 

 

“Daddy mo pala yun.”

 

“Ah, oo eh. Death anniversary niya ngayon. Eh ikaw, anung ginagawa mo dito?”

 

“May binisita rin ako eh.”

 

“Talaga? Sino naman?”

 

“Yung namatay kong aso.”

 

Ha?

 

“Teka, tatawa na ba ako?”

 

“Oo. Haha. De, yung kapatid ko yung binista ko.”

 

“Ahh. Eh teka, Zeke, pwedeng matanong kung bakit namatay yung kapatid mo?”

 

“Sige. Haha. Actually, half sister ko lang siya. Namatay siya dahil…”

 

“Dahil?”

 

“Dahil sa akin.”

 

“Ano?”

 

“Kung hindi niya ako iniligtas, buhay pa sana siya.”

 

“Zeke…”

 

“Hay nako, tama na nga ang drama, hatid na kita sa inyo, Gail. Saan ba bahay niyo?”

“T-teka, kilala mo ako?”

 

“Oo. Paanong hindi kita makikilala, eh magkabatchmate tayo pati nasa banda ka. Sikat kaya banda niyo.”

 

“Ahh. Hehe. Oo ngano, ^^”

 

Pumasok na kami sa sasakyan nila. Wow, ang yaman naman ni crush. Hahaha.

 

“Ayan, dito nalang ako. Salamat, Zeke. Sa bukas na lang ulit.:)”

 

“Sige, good night.”

 

Pumasok na ako sa bahay. Sinalubong ako ni ate. Uh-oh!

 

“Hoy, Gellina!! At sino yung kasama mo dun? Syota mo? Isususmbong kita kay mommy!”

 

“Ate naman eh! Kontrabida ka lagi! Di ko boyfriend yun! Crush ko lang. hahahaha XD”

 

“Aba, tumatalande ka na ah!”

 

“Eh kesa naman sayo, walang lablayp, tatanda kang dalaga!”

 

“Hoy, wala kang pakielam sa love life ko kung meron no!”

                 

“E di meron nga? hahaha. Tingnan mo, ate di lang naman ako yung malandi. :P”

 

“Hay nako, pasaway ka talaga!”

 

“Mana-mana lang yan! :P”

 

At umakyat na ako sa taas bago pa magkaroon ng gera. Hahaha. Ganyan ang lambingan namin ng mahal kong kapatid. Pwe. XD

 

 

Kinabukasan, nakasabay ko si Zeke papasok ng school. Syempre, kileg ako! :”>

 

“Good morning! ^_______^” ang lapad ng ngiti. Haha. Cute:”>

 

“Good morning din. Ang saya mo ngayon ah?”

 

“Syempre naman!”

 

“Pwede ko bang malaman kung bakit?”

 

“Hindi! Hahaha. Secret ko nalang yun.”

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (7)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended