Chapter Nineteen

302K 3K 230
                                    

"Lahat na ba ng papers andito na?" Sigaw ni Noneen sa klase. Tapos na kasi yung oras nila ng pagquiquiz. Nagtanguan naman ang mga kaklase nya. Grabe, ang hirap maging secretary ng asawa niya. Lahat na lang kasi sa kanya pinagawa. Isip nga nya, baka pati pagcocompute ng grades at paggawa ng quiz o exam sya na rin gumawa. Masaya yun.



"Oo! Andyan na yung akin!" Sigaw ng isang lalaki nyang kaklase.



"Binigay na namin yung mga andito." Sigaw pa ng isa nyang kaklase. Tumango na lang siya tsaka nilagay ang mga papel sa folder. After lunch pa naman niya ibibigay ang mga papel sa asawa. Umupo na siya sa upuan niya dahil nga baka dumating na ang susunod nilang teacher. Nakita niya ang kaibigan niyang nakatulala lang. Anong problema nama nito? Isip niya.



"Huy bakla." Tawag nito sa kaibigan niya. Nakita niyang lumingon ito sa kanya. Napataas ang isa nyang kilay. Anyare? Isip nito.



"Yes?" Matamlay nitong sagot.



"Anong nangyari sayo? Bakit parang wala ka atang energy ha?" Tanong ni Noneen sa kaibigan. Nakita niyang napabuntong hininga ito.



"Paano naman kasi yung lalaking may tulo sa ilong! Mag make calling daw ba in the middle of the night sky when I'm sleeping beauty! Tarages, hindi ako nakatulog! Haggard tuloy ang beauty ko! Buti nga hindi ako mukhang beast ngayon eh..." Tsaka sumimangot naman ang kaibigan. Naguluhan siya. Sino ba tinutukoy ng kaibigan nya?



"Teka sino ba yang lalaking may tulo sa ilong na yan ha?"



"Yung papable ko sa ball! Ahh! Tapos mamake chapperone pa ako mamaya!"



"Eh bakit may tulo sa ilong tawag mo dun? Wala man lang bang pangalan yun??"



"Isa pa nga yun eh! Hindi ko alam pangalan niya! Basta alam ko uhugin sya."



"Eh?" Naguluhan naman si Noneen sa sinabi ng kaibigan. Ano daw? Escort niya sa ball pero hindi niya alam pangalan? Eh paano sila nagkakila? Parang ang gulo naman ata. Isip ni Noneen. Hindi na sila muli nakapagusap ng kaibigan, pumasok na kasi ang teacher nila sa susunod na subject.



Lumipas ang ilang oras ang nagbell na rin. Senyas na lunch na nila. Dadalin na nya ngayon ang mga papel kay Lawrence. Dun sa walang hiya niyang asawa.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon