CHAPTER 20: JUST BE MY BOYFRIEND

77.6K 1.2K 152
                                    

Chapter 20: JUST BE MY BOYFRIEND TWAYLEM

today is a wonderful day. Nag unat-unat na ako at naligo na.. Maganda ang mood ko dahil maganda ang nangyari kahapon. Pagkatapos kong mag ready, bumaba na ako para kumain.

''goodmorning kuya!!'' cheerful na pagkasabi ko. At halos magkunot ang noo nila ni manang sa expression ko. ''Twaylem matanong nga kita..'' kumuha ako ng tinapay at binigyan yun ng palaman. ''ano namang itatanong kuya??''

''anong nangyayare sayo at maganda ang mood mo ngayon?'' tumawa lang ako. Sa pag kaka alam ko kase, ngayon lang ako nag almusal na naka ngiti at masaya. Kadalasan kase naka sigaw at dabog lang ako.

Pero today is NAIIBA. Kasi nga diba?? Inspayrddd. :))

''masama bang maging masaya kuya??'' sabay ngiti ko sakanya. Napakamot nalang ito sa ulo at hindi na ako pinansin.

pagkatapos din naming mag almusal dumeretso na agad ako sa school. Nag madali akong pumunta sa classroom.

Teka bat nga ba ako nag mamadali??

Ng malapit na ako sa classroom nag spray muna ako ng pabango. Actually hindi spray e, ipinanligo ko lang naman yung Dolce & Gabana light blue perfume ko.

''Talagang nag pabango kapa talaga ha?'' napatigil ako sa pag iispray ng pabango ng may istorbo akong narinig.

lumingon ako sa likuran ko, Sino pa nga ba? Edi ang mga Torotot boys! siguro kung hindi ako nag kakamali sa tantsa ko, may 10 hakbang ang layo nila sa akin. Sina Kyd,Venos,Britt,Law,Dylan ay nag tatawanan.. At... Si ano...

Si... Siya. Nakatingin ito sa akin.. Same expression :/ di kagaya ng kahapon.

''Bango mo Twaylayt! Nag papaganda kaba sa bespren namin??'' pang aasar sa akin ni Kyd.

''Sabi ko na nga ba e, kaya nagiging blooming siya.. Ikaw pala ang rason Ma pren!'' sabay hagis ng baseball ball sa kin ni Venos, matara-tarantang kong sinalo yung bola.

''Diba pag nag blu-blush dapat sa cheeks? Bat ikaw twaylayt sa ilong??'' dagdag pa ni Law nakakainis na sila! ''ihhh kinikilig siya!!!'' bakla ba si Britt?

''alis na tayo.. Mag uusap pa yang dalawa na yan e!'' pag yaya naman ni Dylan.

''wala kaming pag uusapan... Tara na.'' napatingin lahat sila kay Tao. Nag simula na kase itong mag lakad papunta sa classroom. Ng malapit na sila sa kinatatayuan ko.. Tumigil si Tao

''Goodmorning'' bulong niya sa akin. At nag lakad na ito kasama nila. Sinundan ko siya ng tingin.. Hindi ko ineexpect na lilingon siya, at ngi-ngitian niya ako, idagdag pa dun yung pag salute niya. Pag katapos nun tumalikod na ulit siya at sumabay na sa paglalakad.

(AUTHORS NOTE!!! PANSININ ANG PICTURE SA SIDE AT IMAGININE NA SI TAO AT TWAYLEM YAN)

Napa lunok ako at tumalikod sakanila. At patagong kinilig.

LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PUBLSIHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon