Once upon a time I

9.1K 118 38
                                    




"Sorry. Puno na kami eh, sa ibang club ka nalang." Ok. Ok lang talaga eh. Pang-ilan beses ko na ba narinig yan? Mga limang beses na? Sige, lahat naman napuno na eh. Kung hindi napuno, hindi qualified. San na ko pupunta ngayon?

Tinignan ko yung listahan ng mga gusto kong puntahan na club. At tae, napuntahan ko na lahat! Di ko naman maalala kung ano yung mga club na hindi ko nilista, pero sana meron sa mga hindi ko nalista na matatangap ako. Kasi naman kailangan pa ng club. Di naman ako mahilig dyan eh.

AH ALAM KO NA. Si Troy nasa basketball club, dun nalang ako! Tumatanggap naman sila ng babae eh. At qualified na ko sa height for sure, 163 cm ako eh. Tas fit pa, at maganda pa! Mataas self confidence ko bakit ba?

Habang papunta na ako sa gym, biglang nagvibrate phone ko kaya tinignan ko kung sinong tumatawag.


"Oy." Oo, hindi uso hello eh.

"Oy ka rin Crissa! Wala ka paring club?! NANAMAN?!"

"Hay nako oo! Nirereject nila beauty ko eh! Lagi naman eh."

"Beauty ka dyan? May alam pa akong pwede mong puntahan! Drama club dali!" at binabaan ako ng loka. Wow ha? Ako tinawagan siya pa nagbaba?

Eh pano yung basketball club? Hay nako, check ko nalang muna dahil alam kong nandun si Troy.

"Loka! Bilisan mo!"

"Loka ka rin, bat mo ba ako hinahatak?!"

"Nandun daw si Troy sa drama! Audition din tayo!!"

"HA? Kaya pala wala sya dun sa gym eh! Tara na!"


Nabuhay naman dugong pagkatismis ko nang narinig ko ang pangalang "Troy" Imbis na papunta ako sa gym, umikot ako para pumunta sa auditorium. Kaya naman pala sinabi rin yun ni Cris, kasi nahagilap niya si Troy. Bakit di ako naniwala agad sakanya?! Galing kong bestfriend eh.

Oo nga pala, si Troy ang crush ko. Campus heartrob. Sikat. Perfect. Lahat ng magandang definition nasa kanya na. Ako naman? Crissa. Katamtaman ang ganda, di sikat pero maraming kaibigan. Ang height at slim figure lang ang charm ko. Merong mga nagkakagusto sakin pero dedma lang. May Troy na kasi ako.

Nang makarating na ako sa may corridor kung nasan ang auditorium, nanlaki mata ko sa sobrang dami ng tao. May mga sumisilip sa transparent door ng auditorium at halos makipagrambulan na sila dahil di nila makita kung anong nasa loob. Pumasok na lang kaya sila nang di sila nakikipagsiksikan sa labas?! Mga tange lang.

Pero mukang alam ko na kung bakit, kasi nasa loob si Troy. Mga fangirls nga naman. Akin lang sya mga girls, sorry na lang kayo.

Nakipagsiksikan din naman ako at nakapasok ako. Sabi ko sa nagbabantay na magaaudition ako kahit hindi naman talaga. Syempre gusto ko lang naman makita si Troy no!

Nagulat naman ako nung pinapasok ako. Ang konti ng tao, pero bat ako pinapasok kung ayaw nilang magpapasok?


"Hoy Crissa De Veyra!" Napalingon naman ako sa tumawag. Bat nandito si Cris?!

"Hoy ka rin, bat ka nandito!?!" Nagulat talaga ako eh. Inexpect ko lang kasi nasa labas lang siya at nakikigulo, eh bat nandito rin sya? At ang alam ko eh dance club siya. Magaling kaya siya sumayaw.

Anyare kaya? Di rin kaya sya natanggap? Eh almost every yr dance club sya ah.

Dami kong tanong. Uso magtanong friend.

"Bakit? Masama? Haha!" Loka talaga to.

"Ano nga kas--" Di ko natuloy sasabihin ko dahil pinaupo na kami ni Maam. Hindi na ata ako makakalabas nito kaya no choice, sa drama club na bagsak ko.

"Upo ka lang kahit san. Sige dun na ko!" Bulong niya. Bigla naman siyang lumabas kaya natawa nalang ako. Sabi na nga ba eh, hindi siya rito. Lokaret talaga akala ko media staff o director o ano siya eh.


Di ko naman alam kung saan ako uupo, masyadong madilim! Kaya siguro sinara lahat ng ilaw para di na makita si Troy. Siya lang naman kasi pinagkakaguluhan at nakita ko kanina na naiirita si Maam, kaya pinasara mga ilaw. Yan tuloy sa stage lang may ilaw. Pero buti nalang dahil wala nang mga tao sa may pintuan. Nagsialisan dahil di na makita si Troy. BWAHAHA! Buti nga.

Umupo na lang ako sa may dulo, sa may gilid ng red carpet (mga gitna). Kaso bat parang...... ang lambot ng inuupuan ko? Wala namang unan mga upuan dito ha?

Mas lalo akong nabigla nung gumalaw yung upuan. Hala minumulto ba ko?! Bat may kamay na humahawak sa beywang ko?!

"Uh.. ang bigat mo.." huh? Bat nagsasalita tong upuan?

Nung narealize kong tao pala inuupuan ko, napatayo ako at..


"AAAAAAAAAAAAAAHHH!!! MANYAK! BASTOS!! MANYAK!!! MANYAK!!" Napasigaw ako at pinalo palo ko siya, pinigilan naman niya ako nang nahawakan niya kamay ko dahilan para matumba ako sakanya.... Shet yung muka niya! Masyadong malapit!

"Ingay mo!" Nanlalaki niyang matang sabi. Saka ko lang narealize....

"TROY?!"

Si Troy?! Pano sya napunta dyan?!

"MS. DE VEYRA AND MR. ALVAREZ, WHAT ARE YOU DOING?!"

- -

MAY PART TWO. Di ko natiis, sabi bitin daw eh :( <//3 lol basta may part two. Labyu sa nagrequest at thanks sa pagbabasa ng mga sabog kong storya. Hahaha! xo

P.S. Naalala parin kita, yung nagreq ng part two. Wahaha don't worry. Inedit ko nga pala ulit to, as in ibang iba sa nauna/dati. Kaya kung nabasa mo ulit, thankyou talaga! <3

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon