Mga kids, ready na ba kayo? (haha, feel na feel eh XD)
Umm, hindi ito kasing seryoso ng mga tips ng ibang writers sa watty. Yung akin parang joke lang, hahaha! Di naman kasi ako talaga maalam gumawa ng tips at mga advices pero dahil madami nanghihingi sakin niyan, ito ako ngayon, nagiimbento ng tips! Hahaha! Pero wag kayo maniniwala sa mga pinagsasabi ko, di ako matinong writer. XD
TIPS at ADVICES: (Para sa mga Pinoy writers ng wattpad)
#1: Siguraduhin mong mahilig kang magsulat!
- kung wala ka naman hilig dyan, anong ginagawa mo at binabasa mo itong tips ko? Nakiki-echos ka lang eh! XD
- pero seryoso, lahat ng bagay nagagawa ng matino kung ito ay HILIG mo talaga. Kaya kung mahilig kang magsulat, makakatapos ka ng isang storya na tatangkilikin ng mga mambabasa. :>
#2: TITLE
- Originality? Mas maganda kung unique ang title mo para walang kagaya, maganda kasi yung pag sinabi mong "Ang Pusang Nagutom at Nangalmot" ang title ng story mo, alam mong pag binanggit ng mga tao ang title na yun, story mo lang ang tinutukoy nila kasi nga 1% lang ang chances na may kagaya ka ng title diba?
- Pero wag naman OA sa pagiging unique ang title na halos hindi mo na alam kung saang lupalop ng dictionary pinulot yung word sa title mo. Or wag naman sobrang haba na kulang na lang ilagay mo na yung buong story sa title mo.
- Wag pati masyadong baduyan ang title.
#3: PROLOGUE / INTRODUCTION / CHAPTER 1
- Hindi naman talaga ganun kahalagang pagtuusan ng pansin ang title, ang mas mahalaga ay gandahan mo ang panimula ng isang storya. Minsan kasi binabatayan ng readers sa prologue ng isang storya kung itutuloy pa ba nilang basahin ito o hindi. Kaya naman kung makakagawa ka ng magandang impact sa prologue ay WINNER ka beybeh! XD
- Pero hindi ibig sabihin na napaganda mo nga ang prologue mo pababayaan mo na ang ibang chapter, maganda rin kung may intense or interesting na scene na agad sa introduction or chapter 1-3.
- In my opinion, as a reader and a writer, medyo boring yung parts na "ako nga po pala si Maria Dipakumakain, 180yrs old na po pero maganda daw ako pero hindi ko alam! Ano ba, pahumble effect ako!". I know importante din naman ipakilala ang sariling characters sa readers but I think mas maganda kung maipapakilala niyo sila in a different way.
For example yung bida ay tinawag ng kaibigan niya or ng teacher niya.
Scene:
Teacher: "Miss. Maria Dipakumakain, pumunta ka sa faculty room after class.
Maria's Point of View: Ha? Pupunta akong faculty? Anong ginawa ko? Di ko ninakaw ang pagkain ni BoyGutom promise!
^ That way, alam na agad ng readers na ang buong pangalan ng bida ay Maria Dipakumakain. Yung other info tungkol sa characters ay maaari niyong gawin sa iba't ibang way at scenes.
Pero kung nais niyo talagang gawin sa traditional way ay simplehan niyo na lang. Wag masyadong OA.
For example:
Ako si Maria Dipakumakain, 16yrs old, magsisimula na ang buhay ko sa highschool. Nakaka-excite at nakakaba.
^ Ganyan kasimple, hindi na kelangan pang sabihin ang kung anu anong echos. Yung pagdedescirbe naman sa itsura ng iyong character, sa tingin ko mas best na idescribe siya na hindi masyadong nagbubuhat ng bangko, silya, blackboard at building ang character.
For example ng pagbubuhat ng bangko, silya, blackboard at building:
Ako si Maria Dipakumakain, sexy daw ako! Maganda kahit hindi naman! Dami nagkakacrush sakin, ewan ko ba kung bakit! Ang haba ng hair ko, Rexona ang shampoo ko!
Haay nako, pwede namang "Minsan iniisip ko na kelangan magdiet na ako kasi parang tumataba na ako. Asan na ba yung panali ko? Ang init init talaga kaya pag gantong mainit tinatali ko yung mahaba, tuwid at itim na buhok ko."
#3: CHARACTER
- Speaking of Characters! Ito! Itong mga nilalang na isinusulat niyo ituring niyo yang mga anak niyo! (Ay, ang OA? XD) I mean ituring niyo silang parang tunay na tao, kaibigan, boyfriend, kaaway o kung anu ano pa! Basta dapat pag sinusulat niyo sila parang buhay talaga sila!
At minsan para maging effective ang sinusulat niyo, MAGING KAYO MISMO YUNG CHARACTER NIYO. Isuksok mo ang sarili mo sa sapatos ng iyong character.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists