Previous Page of 3Next Page

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)

spinner.gif

Samantalang walang kaalam-alam si Ralph sa pag-alis ni Asher.

 

 

Hindi alam ni Asher na palihim na naghihintay at nagmamasid ang binata sa madilim na bahagi sa labas ng kanyang bahay. At kapag alam na niyang nakauwi na ang dalaga, saka lang ito uuwi. Ilang araw din na hindi nasubaybayan ni Ralph ang dalaga dahil may emergency na nangyari sa hospital at kailangan ng kanyang ama ng tulong at nagkasabay pa na dumating ang kanyang kasintahan.

 

 

Saktong may day-off si Ralph at plano niyang puntahan ang dalaga at kamustahin. At sa kadahilanan din na ang kanyang kasintahan ay pumunta ng Boracay kasama ang mga kaibigan. Hindi pinipigilan ni Ralph kung ano ang gusto nito dahil laging sinasabi ng dalaga sa kanya, “PAgbigyan mo na ang lahat ng hinihiling ko, Hon. Besides kapag mag-asawa na tayo, ikaw na ang susundin ko”, paglalambing ni Angelie sa FiancÈ .

 

 

 

Bago pumunta si Ralph sa bahay ni Asher, dumiretso muna siya sa isang flower shop. Gusto sana niyang tawagan ang dalaga pero gusto niyang surpresahin ang dalaga. Habang pumipili siya ng bulaklak para kay Asher, hindi mapakali si Ralph, “Alam kung may masaksaktan ako, pero ayokong lukuhin ang sarili ko. In time, maiintindihan din ako ni Angelie sa magiging desisyon ko.”, sa isip-isip ng binata.

 

Maagang dumating si Ralph sa tapat ng bahay nina Asher, naghintay siya ng mga ilang oras pero mag-mamadaling araw na pero hindi pa rin niya nakikitana dumating ang sasakyan ng dalaga. Wala siyang choice kundi ang mag-doorbell. “Bakit kaya wala pa siya? May nangyari kaya sa kanya? Sana naman,nasa mabuti siyang kalagayan”, bulong ng binata sa sarili.

 

Pinagbuksan siya ng guard nina Asher.

 

“Kayo pala, Dr. Anderson. Napadalaw po kayo”, sabi ng guard.

 

“Oo nga kuya eh. Bibisitahin ko sana si Ms. Tua”, sagot ni Ralph.

“Hindi po ba nasabi sa inyo doc?”

 

Ang alin ho?”, curious na tanong ng binata.

 

Umalis po si Ma’am Asher papuntang Alemanya noong isang araw pa po. Biglaan din po ang pag-alis niya. Binilin lang po kami dito sa bahay.”, paliwanag ng gwardiya.

 

Hindi na narinig ni Ralph ang iba pang sinabi ng gwardiya dahil parang pinag-bagsakan siya ng langit at lupa. Hindi na rin niya namalayan kung paano siya nagpaalam at umalis sa bahay ni Asher.

 

Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa mga oras na iyon, pinapatakbo lang niya ang sasakyan niya, at hindi namalayan ni Ralph na umiiyak na siya.

 

Nagpakalasing siya ng gabing iyon at hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta ang alam niya lang ay sobrang sakit ang nararamdaman niya ng mag oras na iyon. Nakatulog na rin siya sa isang malawak na bukiran.

 

 

 

Gising ho, sir. Hindi po kayo pwedeng matulog dito“, sabi ng lalake.

 

Bigla naalimpungatan si Ralph. Saka niya  naalala ang nangyari kagabi.

 

Pasensya na po, manong“, sabi ni Ralph sa lalake. Nasaan po ba ako?”, tanong ni Ralph.

 

Andito po kayo sa may “Ashienda”.

 

Andiyan po ba ang may-ari? Gusto ko sanang mag-sorry sa kanya”, sabi ng binata.

 

Pasensya na rin po sir, pero matagal na pong hindi dumadalaw ang may-ari dito mula ng may nangyari sa pamilya niya. Kami na lang po ang namamahala dito at paminsan-minsan pumupunta iyong family friend nila para i-check itong “Ashienda”, paliwanag ng lalake.

 

“Ang ganda naman dito. Actually, namamahala din ang pamilya ko sa Hacienda, pero hindi ganito kaganda, para kang nasa paraiso”, ang paghanga ni Ralph.

 

Actually, pinaganda po talaga ito dahil gift po ito ng mag-asawa sa pinakamamahal nilang anak, pero ngayon may balak po ata ang may-ari na ibenta ito. Hmmmm, masyado na akong madaldal. Sige po sir, kung hindi niyo mamasamain, kung pwede pakitanggal na lang ang mga bote dito kasi gusto naming mapanatili ang kalinisan dito“, pakiusap ng lalake.

 

Pwede ko bang makuha ang pangalan ng may-ari baka sakaling pag nagka-interest ako dito, ako na lang bibili nito?“, tanong ni Ralph.

 

 

Si Ms. Asher Tua po ang may-ari nito”, sabi ng lalake.

 

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (9)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Chapter IX

Cast

Sarah Geronimoas Asher
Gerald Andersonas Ralph

Recommended

ViceRylle - I Only Have Eyes for You ♥Moments. [Harry Styles Fanfic]Supposed to be Happy Ending ♥ (Four-shot Story by deartiffany-)In Another Life