Beauty and The Pig (C-18)

37.4K 683 313
                                    

Chapter Eighteen

Matapos ang isang linggo, bumalik ang mga kabataan para bisitahin syang ulit. “Lolo, pano po kapag nalaman nyong buhay pa si Pola?” tanong ng binata, “Aba, syempre pwede na ko mamatay ng masaya nun,” sagot nya, “Pero tingin ko hindi na mangyayari yun, nararamdaman ko kasing malapit na kong mamatay,” dagdag nya pa. “Lolo talaga, ang hilig nyo pong magbiro,” sabi sakanya ng dalaga, tuminginlang sya sa bintana, “Lolo, kaya nyo pa po hanggang isang linggo di ba? Hintayin nyo po kami di ba po next week birthday nyo? May regalo po kami sa inyo, pinag ambagan po namin yun at ng mga kaibigan namin pati ng mga magulang namin, dahil nakakalungkot daw po yung kwento nyo, basta po Lolo ha, babalik po kami next week, hintayin nyo po kami,” yun lang at nagpaalam na ulit ang dalawa sakanya.

Kaarawan nya ngayon, at pinaghanda sya ng mga nag aalaga sakanila, pati ang mga kasama nya sa nasabing lugar, mukhang pinaghandaan talaga ng mga kabataana ng kaarawan nyang yon, may dalwang pamilyar na mukha ang bumati sakanya, “Pare, ang tanda na natin ha?” sabi nito, “Ralph, ikaw ba yan?” tumango ito¸ kasama naman nito ang asawang si Darlyn. Maya maya pa’y dumating na rin ang dalwang may pasimuno ng lahat, nalaman nyang ang pangalan pala ng dalawa ay Tyler at Courtney, “Happy Birthday po, Lolo Lindon,” bati ng mga ito sakanya. “Kayo talaga pinapasaya nyo ako ng husto,” sabi nya dito, “Lolo, wala pa yan sa kalahati ng regalo namin sa inyo, hintay lang po kayo ha,” sabi ni Tyler, “Tara na po Lolo, alis na po tayo.” Kung saan man sila pupunta ay hindi nya alam, hanggang sa makarating sila sa halos dalwang oras na byahe.

Sa tabing ilog sya dinala ng mga bata kasama sina Ralph at Darlyn, pati ng mga tagapag alaga nila at ang mga kasama nya sa bahay. Maraming tao ang tumambad sakanila, may buffet table,  redcarpet at mga lamesa’t upuan, mga bulaklak at mga pormal ang suot ng lahat. “Lindon....”

Isang boses ang tumawag ng pansin nya mula sa likod, at doon ay tuluyan syang napaluha, isang matanda Pola na ang nasa harap nya, maputi na ang buhok nito at may wrinkles na rin, pero maganda pa rin ito tulad ng dati.. nung araw na yun, natuloy din ang naudlot nilang kasal..

Nalaman nyang hindi na pinaalam pa ni Genesis sa iba na nakaligtas si Pola, kaya nagmamadali itong umalis ng Pilipinas ay dahil kasama nito si Pola, sinubukan din daw ni Pola na kontakin sya pero lahat ng bagay na pwede nitong gamitin para magkaroon sila ng koneksyon ay inilayo ni Genesis kay Pola. Hinanap ng mga bata ang si Pola at pati na rin sila Ralph para magkaroon pa ng kahit kaunting alaala ni Pola, kaya naman hindi lang alaala ni Pola ang nakita nila, maging si Pola mismo ay nakita nila. Pero para sakanya, hindi na mahalaga lahat ng yun, dahil magkasama na sila ngayon, at mag asawa na nga sila.

“Lolo! Lola! Upo po kayo doon oh, pipicturan po namin kayo,”sabi ni Tyler, inalalayan naman silang dalawa ni Pola ng dalawang bata. Habang nakaupo, “Pola, tumataba ka na naman,” biro nya dito, “Ok lang Mr.LOVi, maganda naman ako diba?” tanong nito sakanya, “Oo naman Pola,” sagot nya.”Sabihin mo, wala ka ng ibang minahal simula nung nawala ako..” sabi nito, “Wala na, mahal,” sagot nya, “Selosa ka pa rin hanggang nagyon mahal?” dagdag pa nya. “Ok lang, mahal kasi kita,” sagot nito, “Oo, alam ko, ganun din naman ako sayo, mahal din kita, palagi... hanggang kabilang buhay,” pero tahimik lang ito, “Pahinga na tayo mahal..” sabi nya dito, at pumikit na din sya.

“Lolo? Lola? Nurse!!!” tawag ni Courtney sa mga nurse na kasama nila, matapos kuhaan ng litrato ay pinuntahan nya ito, pareho ng malamig ang mga palad nina Lindon at Pola. “Tyler,” lumuluha pero masaya silang dalawa ni Tyler, dahil nakagawa sila ng paraan para magsama ulit sina Lindon at Pola. Sa wakas, ang hirap bumo ng isang happy ending pero ‘tong dalawang matandang ‘to, kahit medyo matagal, nagkaron din sa wakas.

Sabi nga nila,  kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kayo pa rin sa huli, kahit laos na kasabihan totoo naman, at ang pagseselos ay hindi palaging nangangahulugan ng kakulangan ng tiwala, minsan mahal ka lang talaga ng isang tao kaya nagagawa nyang ipagkait ka sa iba. J

Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon