Previous Page of 6Next Page

My Crazy First Love (One Shot)

Dedicated to
Alesana_Marie
spinner.gif

Sabi nila ang iyong first love daw ang pinakahindi mo makakalimutan sa lahat ng minahal mo. Kahit gaano ka pa nabugbog ng heartbreak at kahit gaano pa namugto ang iyong mga mata kakaiyak ay balikbalikan mo pa rin ang mga moments mo with your first love. Masaya mo pa ring sasariwain ang mga nagdaang araw ng iyong kaharutan at ang unang beses ng ikaw ay kiligin ng sabihan ka ng mahiwaga at mapanlinlang na, "I Love You!" 

 

 

 

 


Isang araw na lang habang ako'y naniniwala na ako ay baby pa at hindi pa ready sa kung ano mang kaengotan ng mundo ay nabiktima ako bigla ng lumalaganap na epidemya ng mga teenagers. Noong mga panahong yun hindi ko pa alam kung ano nga ang nararamdaman ko pero sigurado naman ako na nararamdaman ko yun.

 

 

 

 

 

 

At nagsimula ang lahat ng yun nung ako ay nasa second year high school pa lamang. Nung mga panahong yun kasagsagan ng Meteor Garden at halos lahat kami ng mga classmates ko ay baliw na baliw sa F4. Aba dun ata talaga nagsimula ang kaharutan ng lahat. Paano naman kasi lahat gustong maging si Shan Chai pero wala naman gustong maging F4 sa mga classmates namin.

 

 

 

 

"Ang gwapo ni Dao Ming Xi! Napaiyak ako sa eksena kahapon! Ang kapal ng mukha nung mga hoodlum na paluin siya ng upuan!" sabi ng isang classmate ko with matching paiyak iyak pa. Nakakatawa mang isipin pero todo pagsang ayon at pagtango ako sa mga sinasabi niya.

 

 

 

 

"Yung iyak ni Shan Chai...grabe! feeling ko ako yun huhuhu TT__________TT" at sabay sabay na kaming nag eemote ng mga classmates ko. Noong mga panahong yun, excited na kong tumanda at lumipad ng Taiwan para makipagtanan sa kahit sinong member ng F4. Ganun lang kasimple ang pangarap ko noon.

 

 

 

 

Araw araw yan ang eksena sa classroom namin. Kahit naman napanood naming lahat yung mga eksena noong araw na yun, yun pa din ang magiging topic namin kinabukasan. Nagkataong panghapon kami nun kaya talaga namang nagmamadali ang lahat para maabutan ang mga nakakakilig moments ni Dao Ming Xi at Shan Chai. Laking pasalamat nga nung guard saa min kasi hindi na daw  nila sinusundo yung mga estudyante na nagchichinese garter pa pagkatapos ng klase.

 

 

 

 

"Sussss, imposible naman yung mga pinagsasabi niyo! Pinalo na nga ng upuan, nakatayo pa. Tsaka anong dugo pinagsasabi niyo, ketchup lang yun!!! Ang labnaw naman ng dugo ng baklang yun HAHAHAHAHAHA!" banat ng isa naming classmate na lalaki.

 

 

 

 

"HAHAHAHAHAHAHA" at yan nga ang chorus nilang pagtawa habang kami ay halos mamatay na at maghanada ng alay para matupad ang aming kahilingan. Kahit pa gano ako kakilig, napapainit pa rin nila ang dugo ko.

 

 

 

 

Syempre kung kami ang bida eh may kontrabida din. At yun ay ang mga classmates naming lalaki na nuknukan ng mga epal. Sa lahat ng hirit namin ay may mga pangontrang banat sila. Kahit di mo kinakausap ay talaga namang sisingit hanggat makakasingit -_____________-++

 

 

 

 

Pero ewan ko kung anong nangyari at para bang bumaligtad ang mundo ng bigla na lang ako itext ng isa sa mga pinakaayawan kong classmate ng isang salitang paniguradong lalason sa utak ko. And I swear feeling ko binabarang ata ako noong mga panahong yun.

 


Beeep
1 message receive

From: Adrian

I love you!


 

 


Syempre hindi ko pinansin yun. Malamang na wrong send niya lang yan. Ni hindi nga ko kinakausap niyan sa personal maliban na lang pag nang aasar. Never pa rin kaming nagkausap sa text or sa phone. In short, never pa kaming nag usap ng matino.

 

 


Beeep
1 message receive

From: Adrian

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (103)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended