XXXI. Finally.

273K 4.3K 458
                                    

Tumayo bigla si Mark. Lumapit siya sa bedside table at binuksan ang drawer nito. May kinuha siya sa loob nito, isang red velvet box. Binuksan niya ito at itinapat sa akin, unti-unti siyang lumuhod sa aking harapan gamit ang isang tuhod niya.

"This is long overdue." He grinned nervously. "I love you, Mars." Tumawa siya ng bahagya. "Pero pasensya ka na kung disappointing itong wedding proposal ko dahil halata namang hindi ko pinaghandaan." He explained. "The only consolation that I can give you is that... hindi ito scripted. Kung ano mang sasabihin ko, hindi dumaan sa utak ko. Galing ang lahat ng iyon sa puso ko. God, what am I saying?!" He scratched the back of his neck., noticing he's rambling. "Well anyway, 7 years, Mars. 7 years tayong pinaglayo tapos ganito lang wedding proposal ko sa'yo." He sighed.

"Relax ka lang." I held his face with both hands.

"I love you, you know that?" He asked and I nodded. "I adore you also." He grinned. "I want you, every inch of you." He smiled and stared straight in my eyes. "I need you, so much that I could die if you say no." Tears started to fill his eyes. "And I thank you because despite of all the things that happened to us, tinanggap mo pa rin ako. Swerte pa rin ako dahil bumalik ka sa akin." Tumulo na ang mga luha sa kanyang mga mata. "Yes man o no ang isagot mo, hindi na kita papakawalan pa."
"So if you'll have me... Marry me, Mars." I can see sincerity and nervousness in his eyes. "Please." He pleaded.

Hindi ko napansin na tumutulo na rin pala ang mga luha sa aking mga mata. Tumango ako at niyakap siya. "Yes, a million times yes." I whispered in his right ear. I pulled away then he wiped my tears away.

Tinanggal niya sa red velvet box ang simple pero eleganteng singsing at inilagay ito sa akin palasinsingan sa kaliwang kamay ko. "I love you so much." He said as he kissed me.

I pulled away. "I love you, too." I said breathlessly. "I always and I always will."



Matapos naming makapagbihis ay nagluto si Mark para sa aming tanghalian. Kaya ito kami ngayon, magkayakap sa sofa at kumakain sa harapan ng TV.

"Kailan mo gustong ikasal tayo?" I asked him while I'm nuzzling his neck.

"As soon as possible syempre." Sagot niya habang naghihimay ng fried chicken.

"Paano pag na-trace tayo ni Papa?" Bigla siyang napatigil sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin. "We're not even safe here. Pupuntahan ka nila dito kapag na-realize nilang hindi na ako babalik." Hindi siya kaagad sumagot pero yumakap siya sa akin. 

"I won't let that happen. Hindi na tayo maaaring mapaglayo pa." Niyakap ko rin siya.

"But how can we pull this off? Ayoko rin namang malayo pa tayo sa isa't isa pero malaki ang kakalabanin natin, Mark." He pulled away but held my hands.

"We need someone to help us. Hindi lang sina Boyet at Zeke o si Maggie, dapat malapit rin sa pamilya na pinaniwala sa'yo ng Papa mo na sa iyo." Pamilya na pinaniwalang sa akin? Si Ate Lydia kaya? Hindi pwede, loyal kay Papa iyon at sa nagpapanggap na Mama ko.

"Wala naman akong maisip na makaka—" Bigla kong naalala yung doctor sa infirmary ng barko. "Si Dr. K!" I gasped.

"Sino si Dr. K?" Nagtatakang tanong ni Mark. Ipinaliwanag ko naman sa kanya at ipinaalala iyong aksidente sa barko.

"Binigyan niya ako ng business card, sinabi niya natawagan ko raw siya kapag kinakailangan ko ng tulong." Naalala ko. "Ito na kaya iyong tinutukoy niyang panahon na kailangan ko ng tulong?" Hindi kaagad sumagot si Mark, tila nag-iisip.

"Paano ka nakasisiguradong nasa panig natin siya? Paano kung kinuha niya lang ang tiwala mo pero sa huli ay sa Papa mo rin pala siya kakampi?" Umiling ako.

"I don't know. Pero I just feel na tama na siya ang takbuhan natin." Hindi umimik si Mark. "Kung siya ang lalapitan natin, kinakailangan kong bumalik na sa bahay ni Papa dahil hindi ko naman dala ang business card ni Dr. K." Huminga ng malalim si Mark.

"You do realize na kapag nagkamali tayo dito sa Dr. K na ito, baka mauwi saw ala ang lahat ng ito, Mars." Naluha ako sa sinabi ni Mark.

"No, Mark. Hindi na nila tayo mapaghihiwalay." Tears started to fall from his eyes. "Matutuloy ang kasal natin sa lalong madaling panahon." I said as I wiped his tears.



Dumating ako sa bahay nang walang katao-tao sa loob. Nasaan kaya sila? Napansin na kaya nilang nawawala ako kaya't lahat ng mga tauhan ni Papa ay hinahanap na ako? Kung ganun, wala na dapat akong inaaksayang oras!

Kumaripas ako ng takbo papunta sa second floor ng bahay at dumiretso sa loob ng kwarto ko. Sinara ko ang pinto, baka sakaling magsidatingan ang mga tauhan ni Papa ay hindi nila kaagad ako mahanap. Sunod ay nagpalit ako ng damit, marumi at medyo basa pa ang damit na suot ko dahil sa pagsugod ko sa ulan kanina. Wala na rin naman kaming oras ni Mark para i-drier ito. 

Matapos kong magbihis ay pumunta na ako sa bedside table at binuksan ang drawer nito. Duon ko itinago ang business card na ibinigay sa akin ni Dr. K. Nakita ko naman agad ito at isinilid kaagad sa bulsa ng pantalon ko. Papaalis na sana ako nang maisip kong magdala na rin ng mga damit at importanteng kagamitan, baka magamit namin sa pagtatanan ni Mark.

Nag-impake ako ng isang simpleng dress na puti, maaaring iyon na ang isuot ko sa kasal namin ni Mark. Kumuha na rin ako ng toiletries ko at higit sa lahat ay ang mga gamot na pinaiinom sa akin na maaaring gawing ebidensya sa ginagawa sa akin ng sarili kong pamilya.

Binuhat ko na ang inimpake ko at naglakad na ako papunta sa pinto ng aking kwarto. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito, hindi bumukas. Sinubukan ko ulit pero walang nangyari. Nakakulong na ako sa kwarto ko. Tumakbo ako papunta sa pinakamalapit na bintana at sinubukang buksan ito pero nakakakandado ito. Tinignan ko bawat isang bintana, lahat nakakandado. Napansin kong may nakatayo sa garden, si Papa nakatingin sa akin. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha niya.

Binalak nila ito. Pinalabas nilang walang tao sa bahay nang dumating ako para mapaniwalang malaya akong makakapag-impake. At ngayon, nagtagumpay sila. Hindi ako makalabas ng kwarto ko. Preso na naman nila ako. Hawak na naman nila ako sa leeg.

Paano na si Mark? Paano ang kasal? Dahil sa kapabayaan ko at sa padalos-dalos na pagdedesisyon na bumalik dito, masasaktan ko na naman siya.



Mag-aalas dies na ng gabi pero hindi pa rin siya bumabalik. Ano na kayang nangyari sa kanya? Na-stuck lang kaya siya sa isang heavy traffic? May nangyari na kayang masama sa kanya? Nahuli kaya siya ng pamilya niya?

Hindi ko na kaya pang hintayin ang pagbabalik niya. Hindi ko na kayang magtiis dito at umimbento ng kung anu-anong konklusyon patungkol sa hindi pagdating ni Mars. Pupuntahan ko siya sa bahay nila, ano man ang abutin ko duon ay wala akong pakialam. Kahit tutukan pa nila ako ng baril ay hindi ako magpapatinag.

Pagbukas ko ng pinto ng aking condo ay sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Maggie. Halatang hindi siya mapakali at hinihingal pa siya. "Mark! Kakatok pa lang sana ako pero buti at binuksan mo agad!" Hinihingal pa rin siya.

"Maggie, saka na lang muna tayo mag-usap. Kailangan kong hanapin si Mars dahil kanina pa siya umalis, dapat ay kanina pa siya nandito!" Akmang paalis ako ng hilahin ako ni Maggie.

"Yun nga ang ipinunta ko dito!" Napatigil ako at humarap kaagad sa kanya.

"Anong nangyari kay Mars?! Okay lang ba siya?!" Inalog-alog ko siya habang sunud-sunod ang aking mga tanong.

"Wag mo kong alugin!" Binitawan ko siya. "Nakulong si Anna sa kwarto niya, na-set up siya ng tatay niya." Umpisa niya. "Hindi ko lang masisigurado sa iyo kung okay lang siya dahil ang alam ko lang ay nakakulong siya sa kwarto niya." Naramdaman kong uminit at unti-unting nagdidilim ang paningin ko.

"Walang hiya talaga ang tatay niya! Bakit ba trip na trip niyang paghiwalayin kami ni Mars?!" Hinawakan ni Maggie ang magkabilang braso ko para pakalmahin ako.

"Mark, huminahon ka." Saway niya. Tinuro niya ang pinto ng kwarto ko. "Sa loob na natin pag-usapan ito. May kailangan pa akong sabihin sa'yo." Pumasok siya sa condo ko, sumunod ako sa kanya dahil sa tingin ko ay kinakailangan ko ring marinig ang sasabihin niya.

Nang maisara ko ang pinto ng aking condo ay nagsimula siyang masalita. "May kilala akong makakatulong sa atin na mailabas si Anna duon." Mahinahon niyang sabi.

"Let me guess, si Dr. K na naman ba iyan?" Napataas ang kilay ni Maggie.

"Oo, siya nga. Paano mo nalaman?" Ikinuwento ko sa kanya na ang puno't dulo ng pagpunta ni Mars sa bahay ng kanyang Papa ay para makuha ang business card ni Dr K.

"!@#$! Dapat tinawagan niyo na lang ako!" Sigaw niya sa akin. "May kopya ako ng number ni Dr. K dahil pinakita na sa akin dati ni Anna yung business card ni Dr K! Ang fail naman!" Inis na sabi ni Maggie.

"Ayaw rin kasing magpaawat ni Mars, agad-agad siyang umalis kahit hindi pa ako nakakapagdesisyon kung papayagan ko ba siyang bumalik duon o hindi na." Paliwanag ko.

"Wala ng magagawa ang sisihan. Tawagan na lang natin itong Dr K na to, para naman makuha na natin si Anna." Sabi ni Maggie habang kinukuha ang kanyang cellphone galing sa bulsa ng kanyang pantalon.



Nagkausap kaagad kami at napagkasunduan na si Dr. K ang maglalabas kay Mars. Turns out, kilala pala niya ang Psychiatrist ni Mars at kilala siya ng Papa ni Mars. Pwede raw siyang magpanggap na pinapunta ng Psychiatrist ni Mars at itatakas na niya ito.

"Huwag kayong mag-alala, maitatakas ko siya." Paninigurado niya. "Kailangang maikasal na kayo bukas, magplano na kayo ni Maggie kung saang simabahan at kung saan kayo titira. Ilayos mo siya sa Maynila, Mark." Utos ni Dr K.

"Sige, gagawin namin ni Maggie ang makakaya namin para maikasal na kaming dalawa ni Mars bukas." Nagpaalam na si Dr K at maghahanda na daw siya sa pagpunta sa bahay nila Mars. I-text ko na lang daw sa kanya ang address ng simbahan kapag may nakuha na si Maggie para duon an raw sila didiretso ni Mars.



Nag-umpisa na kaming magplano ni Maggie. Siya ang bahala sa simbahan, ako naman ang bahala sa lugar na titirahan namin pagkatapos ng kasal at sa singsing. Tinawagan din namin sina Boyet, Zeke at Renz. Dumating sila ng condo ko at pinaliwanag ko sa kanilang lahat ng nangyayari. Nuong umpisa ay hindi makapaniwala si Renz at iyak siya ng iyak, nang maka-recover siya ay tinawagan niya ang mga kapatid niya at pinapunta rin sa condo ko. Kasama namin sila na nagplano sa kasal namin ni Mars na walang kasiguraduhan kung matutuloy.

Nagsialisan sila kaagad at para magawa ang mga ibinigay sa kanilang responsibilidad. Kami na lang ni Maggie ang natira sa condo ko. Nakaharap siya sa laptop ko at may hawak kausap sa cellphone niya. Malamang ay naghahanap na rin siya ng simbahan na maaaring mag-accommodate sa kasal namin ni Mars.

Nakatulala ako sa bintana nang tabihan ako ni Maggie. Marahan niyang tinapik ang aking balikat, "Huwag kang mag-alala, matutuloy ang kasal. Tiwala lang." Sinuklian ko lang siya ng isang ngiti na hindi umabot sa aking mata.

"Wala na tayong problema sa simbahan. May nahanap akong maliit na simabahan sa Batangas, siguro naman ay hindi tayo matutunton duon." Bumuntong hininga si Maggie.

"Maraming salamat, Maggie." Ngumiti si Maggie.

"Ano ka ba. Lahat gagawin ko para sa best friend ko." Bigla naman siyang sumimangot. "Sa tingin mo ay makakakuha ng marriage contract si Zeke para sa inyo?" Halata ang pag-aalala sa boses niya. 

"Abogado si Zeke, magagawan niya ng paraan iyon." Sagot ko.

Umiling siya. "No, hindi iyon ang ibig sabihin ko." Kinamot niya ang batok niya. "You wanted to be married to Marciana Ochoco kahit na declared na siyang patay? Sa tingin mo ba ay hindi magtataka ang mga tao nun?" This time, ako naman ang bumuntong hininga.

"Sabi ko nga, magagawan ng paraan ni Zeke iyon. At isa pa, mas madali tayong mati-trace ng Papa niya at mas mahihirapan si Zeke kung Anna Ordoñez ang gagamitin ni Mars dahil 19 years old pa lang siya." Tinanggap naman ni Maggie ang paliwanag ko.

"Sana talaga, after niyo maikasal ay tantanan na kayo ng pamilya ni Anna." Pikit-matang sabi ni Maggie.

"Sana nga." Diyos ko, sana nga.



Naalimpungatan ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nuong umpisa ay hindi ko maaninag ang pumasok, I was about to scream when she spoke.

"Wag ka maingay, Mars! Si Dr K ito at itatakas kita!" Nanahimik ako at dahan-dahang tumayo.

"Dr K? Paano niyo nalamang kailangan ko ang tulong mo?" Sinara niya ang pinto at binuksan ang lampshade sa bedside table ko.

"Wala akong time mag-explain sa'yo ngayon. Sa kotse na lang, bilisan mo at para maitakas kita!" Dali-dali ay kinuha ko ang inimpake ko kanina at sumunod sa kanya. Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan at naglakad palabas ng bahay.

Agad-agad ay pinaharurot ni Dr K ang sasakyan niya nang makasakay kami. Kahit nasa sasakyan na kami ay ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Salamat sa Diyos at kay Dr K, nakatakas din ako!

"Dr K, maraming salamat sa pagtakas sa akin!" Maluha-luha akong nagpasalamat kay Dr K.

"Walang anuman, Anna." Ngumiti siya habang nagmamaneho at nakatingin sa daan.

"Akala ko talaga ay hindi na ako makakatakas kay Papa." Tumulo ang mga luha ko. "Akala ko hindi ko na makikita pang muli si Mark." Inabutan niya ako ng tissue.

"Pasalamat ka kay Maggie at Mark lalo, kung hindi nila ako na-contact eh wala akong kaalam-alam na nasa kamay ka ng Papa mo." Sabi niya. Si Maggie at Mark ang humingi ng tulong sa kanya?

"Pwede bang ipaliwanag mo sa akin ang mga nangyayari?" Pakiusap ko sa kanya.

Pinaliwanag naman niya ito. Sinabi niya na si Maggie at Mark nga ang humingi ng saklolo sa kanya. Na ilalayo na ako ni Mark sa Maynila at sisikaping hindi na ako makita pa nila Papa. Pinagplanuhan nap ala nilang tatlo ito.

"Ano nga palang laman ng inimpake mo?" Sinabi ko naman sa kanya na mga iilang damit, toiletries at mga ebidensya ang laman nuon. "Mabuti naman at may dress ka dyan. Suotin mo iyon dahil pupunta tayo sa isang lugar na kailangang mag blend in ka. Wala dapat makapansin na may kakaiba sa'yo." Sabi niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Matagal bago siya sumagot.

"Sa isang simbahan sa Batangas." Kinabahan ako bigla nang marinig kong sa simabahan pero nawala agad ito dahil sa susunod niyang sinabi. "May misa sa oras na iyon at nakasanayan ng mga tao duon na nakabestida ang mga kababaihan kapag magsisimba. Sabi ko nga, kailangan mong makiblend-in." Pinagplanuhan nga nila talaga ito.

"Bakit ikaw? Hindi ka naman naka-dress." Pagtataka ko.

"Ihahatid lang kita duon." Matipid niyang sagot.



Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa haba ng byahe. Ginising ako ni Dr K nang makarating kami sa isang gasoline station. Mag-stop over daw muna kami para makakain at makapagbanyo. Magbihis na rin daw ako ng dress dahil malapit na kami sa simbahang pupuntahan namin. Napansin ko na umaga na. Napatingin ako sa orasan sa dashboard ng kotse niya, 9:28AM na.

Sinunod ko naman si Dr K at nagbihis na ako matapos naming kumain. Umalis din kami agad dahil baka hindi daw namin maabutan ang misa. Nagulat ako nang may ihagis sa akin si Dr K habang nagmamaneho siya. "Mag-ayos ka." Isang kikay kit ang ibinato niya sa akin. Sumunod na lang ako dahil wala na rin akong lakas na makipagtalo.

Pinarada ni Dr K ang simabahan niya sa harapan ng isang maliit na simbahan. Nagtaka pa ako nang mapansin kong sarado ito. Tinignan ko si Dr K at napansin kong piñata na nito ang ignition ng kotse, hinugot na rin niya ang kanyang susi. Tumingin siya sa orasan. 

"Tamang-tama lang ang dating natin." 9:57AM ang nakalagay sa orasan.

"Tapos na ata ang misa, Doc? Sarado na ang simbahan oh!" Tinuro ko yung simabahan.

Hindi siya sumagot pero lumabas na siya. Sinundan ko siya at nang makarating kami sa nakasaradong pinto ng simabahan ay kumatok siya.

"Dr K! Tapos na nga ata ang mis—" Biglang bumukas ang pintuan at may tumunog na piano, isang wedding march.


Napatingin ako sa mga taong nakatayo sa tapat ng mga upuan. Si Zeke kasama niya ang kanyang asawa at anak, si Boyet na nakangiti at kumakaway sa akin, si Renz at si Ate Krista! Pero bakit wala si Kuya Kriz? Napatingin ako kay Dr K, nakangiti siya pero parang hindi ito para sa akin dahil hindi naman siya sa akin nakatingin. Sinundan ko ang ngiti niya at nakita ko si Kuya Kriz! Pumunta sa akin si Kuya Kriz at niyakap ako.

"Namiss kita, Baby Sis." Garalgal ang boses niya.

"Kuya!" Iyon na lang ang nasabi ko habang yakap-yakap ko ang Kuya ko na mahigit pitong taon ko ng hindi nakikita.

"Huy, tama na yan! Mabubura make-up ni Anna!" Saway sa amin ni Kuya Kriz.

Humiwalay sa akin si Kuya Kriz at tumingin siya kay Dr K. "I'm so proud of you at naitakas mo siya, Babe. Ibang klase ka talaga, Kara. Kaya kita mahal eh." Hinalikan siya ni Kuya Kriz sa labi. Oh my God. Hindi ako makapaniwala.

Nilagyan niya ako ng belo at iniabot niya sa akin ang isang boquet ng mga bulaklak bago siya nagsalita. "Alam ko nakakagulat, mahabang kwento kaya next time na lang kami magpapaliwanag ng Kuya mo." Sabi ni Dr K or should I say Kara, bago siya umalis at pumunta sa mga upuan.

"Asawa ko siya." Sabi ni Kuya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Wag ka ng umiyak, ikakasal ka na sa kaya." Sabay turo sa altar.

Tinignan ko yung lalaking nag-aantay sa harapan ng altar, si Mark. Nakangiti siya sa akin at mukhang nagpipigil umiyak. Katabi niya ay si Zeke na lumipat na ng pwesto at sa harapan nila ay nanduon si Maggie, ang maid of honor ko.

"Shall we?" Napatingin ulit ako kay Kuya. Nakalahad ang braso niya, siya ang maghahatid sa akin sa altar. Tinanggap ko ito at nagsimula na kaming maglakad. Sinabayan namin ang tugtog, parang ang haba-haba ng aisle na nilalakaran ko. Nag-flashback lahat sa akin lahat ng pinagdaanan ko sa buhay.


Nagsimula nang kaming limang magkakapatid, kasama pa namin nuon si Cons. Sumunod ay ang pagkamatay niya at ang matinding galit ni Papa. Ang teenage years ko na punung-puno ng galit at hinanakit sa mga magulang at sa dalawang babaeng kapatid ko dahil palagi akong ikinukumpara sa kanila ng aming Papa. Ang pagkahumaling ko nuon kay Zeke na nauwi sa first heartbreak ko. At sumunod ay ang best thing na nangyari sa akin, si Mark. Ang kissing lessons, ang tindi ng pagseselos niya kay Zeke at Boyet. Ang pananakit niya sa akin emotionally na may mabuti naman palang dahilan. Ang pagbabalikan namin ni Boyet at paghihiwalay din namin sa Prom. At ang pagbabalikan namin ni Mark at ang masakit na pag-alis niya ng Pilipinas.

Na-realize kong blangko ang buhay ko nung seven years na nawala sa landas ko si Mark. Siya pala ang buhay ko. Nawala ang buhay ko ng mawala siya. Naalala ko rin ang una naming pagkikita after seven years. Akala ko pa nuon ay nagkakamali siya, yun pala ay totoo ngang ako ang inaakala ng lahat na patay na. Yung awkward moments sa loob ng classroom. Yung namuong pagmamahalan ni Anna at Mark, ang student-teacher love affair namin. Ang paglayo niya at ang pagkaroon niya ng fiancé na hindi niya mahal. At ang pagbalik ng mga alaala ko at ang pagtakbo ko sa kanya kahapon. Ang maiinit niyang halik at yakap. Ang pagtatalik naming puno ng pagmamahalan.

Tinignan ko ng mabuti ang kanyang mukha. Jackpot talaga ako. Gwapo, macho, matangkad, mayaman, anak ng pulitiko, matalino at nakapagtapos sa isang prestihiyosong unibersidad sa America. Pero hindi naman siya perpekto, maraming imperfections sa nakatago at kasama iyon sa mga minahal ko sa kanya. Isa siyang taong mahal na mahal ako at mahal na mahal ko rin. What more can I ask for? Yun palang ay masasabi kong swerte na ako.

Nang malapit na ako sa kanya ay hindi na niya napigilang umiyak ng husto. Umiyak na rin ako dahil sa saya na nararamdaman ko. Finally, ikakasal na ako sa kanya. Finally, magiging masaya na kami.

Wala ng makakapaghiwalay sa atin ngayon, Mark. Dahil kakampi natin ang Diyos sa laban na tatahakin natin pagkatapos nito. Lalaban tayo kasama siya. At magwawagi tayo.

"I love you." Bulong niya nang ibigay sa kanya ni Kuya ang aking kamay. "Salamat, Bro." Sabi niya sa Kuya ko.

"Alagaan mo tong, Baby Sis ko. Ikaw na bahala dyan." Nakipagkamay si Kuya sa kanya at tinanggap naman niya ito.

Napaka-solemn at intimate ng kasal namin. Kaibigan namin at pamilya ko lang ang kasama namin. Lahat sila handang lumaban para sa amin. Ngayon ko lang din napansin na napaka-informal nitong kasal namin, mga naka-slacks, long sleves at sneakers lang ang mga lalaki at nakadress at sandals lang ang mga babae, katulad ko. Ganun pa man, I could not ask for more. Sapat na sapat na ito.

Thank you, Lord. Despite everything, I still feel blessed.

Nagpalitan kami ng vows, rings and 'I do's'. Parehas kaming umiiyak sa saya habang ginagawa ang mga iyon. Hanggang sa basbasan na kami ng pari at sinabi niya ang mga katagang, "I pronounce you Man and Wife. You may know kiss the bride."

Itinaas ni Mark ang belo na inilagay sa akin ni Kara kanina. Pinusan ko naman ang luhaan niyang mukha, siya rin ay ganito ang ginawa bago niya inilapit ang kanyang mukha at bumulong bago niya ako hinalikan. "Finally..."

Isang matamis at punong-puno ng pagmamahal ang halik na pinagsaluhan namin sa harapan ng altar at sa harapan ng mga taong mahal namin at minamahal kami. 

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon