Update 19.1

7.3K 90 38
                                    

Dedicated kay miniotakulover. Thank you for reading and sa vomments. Love love ♥

 Happy birthday Mandy! 

X X X X X X X X X X X X X X X X

Mandy's POV

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang makilala namin ni BF ang CK brothers. Ewan ko, hindi ko na alam kung ilang araw na. Basta isa lang ang alam ko. Ngayon na ang birthday ko! 20 years old na ako! Matanda na ako (__ __)"

Narinig kong tumunog ang cellphone ko.

BF Calling ...

"Hello BF?"

"BF!!! HAPPY BIRTHDAY!!"

"Thank you BF!"

"Kita na lang tayo mamaya! Haha. Bye!"

"Ok--"

*toot toot tooot*

Nagmamadali ba siya? Psh.

Pumunta ako ng banyo para maligo. Pagkatapos, nagbihis na rin ako at hinanda ang gamit ko for school saka ako pumanhik sa dining area.

Kaya lang, wala akong nadatnang mayabang na nilalang sa kusina. Tanging pagkain lang ang nadatnan ko. Nasaan ba si Yabang?

Hinanap ko siya sa sala at sa labas ng bahay. Kinatok ko rin ang kwarto niya pero walang respond. Mukhang maaga yata siyang umalis ngayon. Bakit kaya? Bumalik ako sa kusina. Nahagip ng mata ko ang isang papel sa mesa. Kinuha ko yun at binasa.

Mandy,

May kailangan lang akong gawin kaya maaga akong umalis ngayon. Naihanda ko na breakfast mo. Happy eating! Ingat ka papunta sa school! :)

Charles

Tsk. Bakit di niya ako binati ng happy birthday? Di niya ba alam na birthday ko ngayon? Psh. Sabagay, pakialam niya ba. =___=

Umupo na ako para kumain. I'm all alone this morning. Tsk. Bakit ganun? Nakaramdam ako ng lungkot. Parang may kulang.. Walang nang-aasar sa akin ng ganito ka aga.. walang maingay.. walang makulit.. wala si Yabang-- Aish! >___< Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Makakain na nga lang.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon