DANIEL’S POV

 

( Still at Daniel’s grad party )

 

Hiwa-hiwalay kami ng table. Kanya-kanyang tables kasi ang mga pamilya namin e. Pero yung pamilya ko at pamilya ni Kath, magkasama.

Medyo kinakabahan nga ako ngayon e. Kaharap ko kasi ang Mommy at Daddy ni Kath. Tapos nandito pa si Papa Rommel at si Tito Naldy na daddy ni JC.

Nabanggit ko ba sa inyo? Magkakaiba kami ng ama ng mga kapatid ko. Pero kahit ganun, lahat ng tatay namin in good terms naman with mama at samin. Minsan dumadalaw sila dito. At katulad nga ngayon, andito si Papa.

“So, Daniel… San ka magcocollege?” Tanong ng daddy ni Kath.

“Hinihintay ko pa po yung results nung ibang school. So for now, hindi ko pa po alam.”

 

Ohh. Kung sakali mang dito mag-aral sa Pilipinas si Kathryn, mas maganda siguro if you’ll study in the same school nalang.” Tito.

Ano daw? Kung sakali? Ibig sabihin malaki ang chance na sa ibang bansa sya?

“Kung sakali? Ano pong ibig nyo sabihin?”

 

“Hindi ba nabanggit sayo ni Kath? Matagal na naming plano ang magmigrate sa US, but recently, nagbago na yata ang plans nya.” Sabi ni Tito at napatingin ito kay Kath.

“Pa…” Kath.

“Don’t worry princess. Hindi naman ako tututol sa kung ano mang maging decision mo. I like Daniel for you. And I trust him. Tingin ko naman hindi ka nya papabayaan.”

 

Nakahinga naman ako ng maluwag.

“Thanks, dad.” Kath.

“Hindi ka nga ba babaero, Daniel? Andaming naghahabol na babae sayo. Baka mamaya, bigla mo nalang iwan ang anak ko ha.” Tita Min.

“Hindi po ako babaero. Papakasalan ko po ang anak nyo.”

 

Nakita kong kinilig si Mama at ang mga kapatid ko. Si Kath napatungo, halatang kinikilig din. Si Tita Min, napasmile lang. Si Dad at si Tito Naldy, nag-apir. Kinakabahan ako sa reaksyon ni Tito.

Deym. Bakit ko ba kasi nasabi yun.