CHAPTER 71 (EDITED)

195K 3.7K 527
                                    

CHAPTER 70

*KARISSA POV*

Andito kaming lahat sa court para panoorin ang Semi-finals ng basketball at ngayon namin makikita maglalaro sila Marion. Kahit hindi pa nagsisimula ang laro nila, kaliwa't kanan ang ingay para i-cheer ang mga hinahangaan nila pero sa tingin ko mostly ng mga nandito mga fans ni Marion.

Kasama ko din dito sila Ciara at Rayne pero mukhang busy sila sa kanya-kanyang lovelife nila kaya para akong loner dito. Hindi naman ako naiinggit sa kanila dahil masaya ako para sa kanila.

"Excuse me?"

Nagulat na lang ako dahil may isang magandang babae ang kumalabit sa akin.

"Ano iyon?"

Teka, parang familiar siya sa akin. Wait?! Siya yung sikat na volleyball player?! Si Steph!

"Itatanong ko sana kung saan ko puwede makita si Nathan ng Class 4-6?"

Nathan Javier ng Class 4-6? Nathan? As in yun classmate ko? Oo, malamang Karissa, sino pa nga ba? Pero bakit hinahanap niya si Nathan? Magkakilala sila?

"Ah, si Nathan? Nasa locker room pa siya eh."

"Ah ganun ba?"

Bakit parang nalungkot siya? Isa ba siya sa mga fans ni Nathan? Ang taray naman ni Nathan kung may ganito siyang fan. Naku, sayang hindi nakakahalata itong Class 4-6 na may isang sikat volleyball player dito sa pwesto namin. Hindi rin kasi siya mapapansin dahil naka-cap si Steph, mukhang ito ang pang-disguise niya.

"Kung gusto mo, habang hinihintay mo siya, manood ka muna ng game nila."

"Maglalaro siya?"

Hmm, hindi niya alam na may laro si Nathan. Pero mukhang lalo siyang naging masaya nun nalaman niyang maglalaro si Nathan.

"Oo, halika, dito ka sa tabi ko."

"Thank you."

"Classmate nga pala namin si Nathan."

"Ah, talaga? Wait, you mean ikaw? Girl?"

At mukhang wala din siyang alam na tungkol sa Xavier High.

"Nilipat na kasi kaming Xavier Girl sa Xavier Boy. Napunta ako sa Class 4-6."

"Kaya pala."

"If you don't mind, magkakilala kayo ni Nathan?"

"Magkababata kaming dalawa."

"Talaga?! Ikaw at si Nathan?!"

"Yes. Pero hindi kami good terms ngayon eh."

"Huh? Si Nathan? Marunong din pala magalit yun."

"Sa akin lang."

"Hindi rin magtatagal magkakabati rin kayo."

"I don't think so."

"Don't worry, tutulungan kita."

"Talaga?"

"Oo naman. I'm Karissa nga pala."

"Nice to meet you, Karissa. Just call me, Steph."

"Hayan na pala!"

Napatingin na kaming dalawa sa court at nakita namin isa-isang lumalabas ang mga players. Pero may isang taong, nawawala.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon