[44.3] Team Building

448K 8.9K 4.2K
                                    

[44.3] TEAM BUILDING


GAIL'S POV

The next day, I woke up with a gloomy mood. Hindi ko alam kung bakit. Basta, pagkamulat ko ng mga mata ko kanina ay alam ko na na wala ako sa mood ngayon. Ni wala nga akong kaenergy-energy. Maybe the reason is I slept late. 2AM na ako nakatulog kagabi at nagising naman ako kanina ng 6AM.

"Hi, Crystal. How was your sleep?"

Huminga lang ako ng malalim at nginitian ng tipid si Fifth. Mukhang kakagising lang din niya base sa buhok niyang magulo, at sa singkit niyang mata. "I didn't have a good sleep. Hindi ako sanay dito," sagot ko habang nakatitig sa pool. Dito ko naisipang pumwesto sa poolside hut pagkatapos kumain ng breakfast. Wala lang. Masarap kasi ang hangin dito.

"You should have slept in my room. VIP room yun..."

Sinamaan ko siya ng tingin. How could he say that? "Silly, why would I do that?" Pabulong kong asik sa kanya. We're doomed if somebody might hear us. "Sira ulo ka talaga."

"What? Just like what we did last time. I'll sleep on the floor, then I'll let you sleep on the bed. Magiging comfortable ka sa room ko. Maganda pa ang bathroom."

I rolled my eyes and focused back my sight on the pool. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at napasimangot nalang. "Shut up, Fifth. Baka may makarinig."

S P L A S H !

Napataas ang kilay ko nung makita kong may tumalon sa pool sa harapan ko. Tinaas ko pa ng kaunti ang suot kong sunglasses para pagmasdan kung sino yun... only to find out that it's Kurt, wearing only a blue boarding shorts.

Care-free siyang lumangoy dun. I admit he's cool while doing the breast stroke.

"Crystal, ayaw mong lumangoy?" Fifth suddenly asked. Tumingin ako sa kanya at umiling. "Bakit? Ang init. Masarap mag-swim."

"I didn't bring any swimwear."

"Oh, I see. Ako nalang."

Oh geez. Don't tell me...

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang maghubad siya ng shirt bago tumayo. At ang sumunod nalang na nangyari ay lumusong din siya sa pool kung nasaan si Kurt. Napasapo nalang ako sa ulo. Hindi ko alam kung bakit naii-stress ako tuwing nagtatabi sina Kurt at Fifth... Oh, Good Lord. Isn't it awkward watching two half-naked guys swimming on the pool infront of you?

Tumayo na ako at dinala na ang bottled water ko. Bahala sila dyan.

***

Wala naman masyadong nangyari ngayong araw or is it just me? Haayy... Wala pa rin ako sa mood hanggang sa dumating ang gabi. Oo nga pala, nanalo kami sa activites kanina. Out of 5 activities earlier, 3 dun ang naipanalo namin. Pero hindi ako naging kampante dahil nanalo ang team ko. Hindi naman kasi ako stupid para 'di mapansin na pinagbigyan kami ng team nila Kurt. Sa mga tingin at ngiti lang ni Kurt sa akin kanina, alam ko na. But thanks to them... At least, nanalo kami kahit papaano.

Time check-- 8PM. Few minutes ago, inannounce na ang winners. May mga special awards pa and guess what? Best team leader daw ako. Achievement yun sa akin... Pero hindi ko maiwasang isipin na deserve ko ba talaga ang certification na ito? Nainjured nga ako eh. LOL.

"Gail, congrats. Best team leader ka," bungad sa akin ni Jade pagkalapit niya sa akin. Nakaupo ako sa pinakasulok na table habang ang ibang empleyado ay nagsisipagkainan at ang iba naman ay nagsisiyawan sa harapan. Tonight's our last night here. We'll be back to reality tomorrow.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon