"WOOOOHHHHH!" nagwala yung crowd. Pano nashoot kasi. _,_ Tambak na din kasi yung kalaban. Sure win na sila.
Nagmake-face lang ako dun sa nakashoot. Si No.18. Na-inyourface ako eh. Haha! Pero syempre alam kong hindi naman niya ko makikita kaya inasar asar ko pang punggok, na bakaw, tapos binelat-belatan ko pa. Haha! Eh na-inyourface nga kasi niya ako! Laking gulat ko nung tumingin siya sa direksyon ko at nag smirk.
Tapos nagtilian yung mga babae sa likod ko. Luh? Papansin. Haha! Bat may fangirls yan? Pacute pa. Pfft.
Natapos yung ball game, panalo team nila Troy syempre. Di din naman ako nagsisi sa pagpunta ko dito at samahan si Jacey. I cant believe i'm going to say this pero, Yes, Nag enjoy ako sa pagnuod ko ng basketball. Di naman totally nagenjoy, pero sigi na nga, nag enjoy na nga talaga! :)
Tumayo kami ni Jacey at pinuntahan sa players' bench yung boylet niya. Haha! Ako? Eto, sabit. Third wheel na naghihintay matapos sila mag lampungan. Lampungan. LOL. Umalis na din kasi yung ibang players, pero yung iba, nag free shooting pa.
"Nga pala Meg, thank you sa pagsama kay Jacey ko ngayon ah. Kala ko di siya makakanood eh. Next game ulit ah? Asahan ko kayo." sabi ni Troy. Hindi naman kami close nito kaya ang hirap tanggihan. Nakakahiya eh. Edi ako nanaman ang chaperone nito ni Jacey next ball game. Nginitian ko lang siya tapos nginitian ako ni Jacey ng nakakaloko. _,_ Wala naman akong choice.
Pauwi na kami nun. Kausap ko si Jacey.
"Uy, nakita mo yung no.18?" yung nagsmirk kanina? yung pacute?
"Oo, bakit?"
"Wala lang. Pogi no?" itooo! May boyfriend na, nakahagilap pa ng pogi.
"Okay lang. Sumbong kita kay Troy."
"Anong dahilan mo? Sabi ko lang pogi eh."
"K. Payn." pero hindi ko masyadong nakita kung pogi eh. Bola lang kasi yung tinuunan ko ng focus. Pero since madami siyang fangirls kanina, siguro nga pogi.
"Next ball game ha?" tapos umuwi na kami.
Simula nun, lagi na ako sumasama sa ball game with Jacey. Lagi din kami dun nakapwesto nung una kong nood, sa harap nung mga fangirls ni No. 18. Minsan nga nakakabingi na, makacheer wagas eh. Makatili, nakakarindi na. Puro ..
"Go No.18!"
"Go mahal ko!"
"Go Dale!"
Dahil dun sa mga fangirls na yun, nalaman ko yung pangalan niya. Bakit ba ang daming fans nito? Di naman mukang artista eh. Minsan nga akala ko ako yung tinutukoy niya, pano kasi pag nakakashoot siya, titingin siya sa direksyon ko sabay kikindat. Mag sismirk. Ituturo ako, este yung direksyon ko sabay ngingiting wagas.
Hindi ko din alam kung bakit pero kinikilig ako ng hindi valid yung reason. Crush ko na si No.18. Ikaw kaya! Feelingera na din ako, oo at as time passed by, para nadin akong kasali dun sa mga fangirls niya na inaalayan niya ng bawat shoot niya. Pero hindi naman ako nagwawala tulad nila. Simpleng ngiti, palakpak lang ako. :">
Sa bawat pagsama ko kay Jacey, siya lang tinutuunan ko ng pansin. Hindi ako nanunuod pag hindi siya kasama sa mga naglalaro. Siya nadin ang naging dahilan kung bakit napamahal na din ako sa basketball. Bawat laro, dun ang pwesto ko. Sabi nga ni Jacey, mas malapit sa players, mas maganda. :">
"Meg, mauna ka na umuwi. Okay lang? Kasi magdedate pa kami ni Troy ko eh. Sorry di kita masasabayan ha?" Jacey.
Ano pa ba magagawa ko? Edi yun, naglakad ako pauwi magisa pagkatapos ng isa nanamang larong pinanalo ng team nila Dale. Oo, hindi ko na inaacknowledge na team nila Troy. Hahaha!
Lalala ~ Daydream na kasabay ko pauwi si Dale. Hahaha! :"> Kasabay ko pauwi si Dale, sabay kaming maglakad. Holding hands while ---
"Aray naman!" Panira ng moment -.- may tumama nanaman kasing bola sa likod ko. Di naman ako mukang ring no?
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists