Story ko 'to na una kong pinost sa other account ko dito sa wattpad which is iwritemyheartout , and nakapost din 'to sa Scribd.
Plano ko i-delete yung iwritemyheartout na account ko, para isang account na lang ang meron ako dito sa wattpad.. Kaya pinost ko na'to ngayon dito.. After ko matapos yung LUTSR ito siguro yung next kong iuupdate kasi maigsi lang naman 'to.. :)
***
MYSTERY GUY AT THE COFFEE SHOP *1*
"Tara Allison.. Sama ka sa'min.." yaya ni Abby sa'kin, pupunta kasi sila ng mall ng mga kaibigan niya... Manunuod sila ng mall tour ng paborito nilang banda.. Si Abby nga pala ang roommate ko dito sa dorm.. Halos Two years ko na din siyang roommate.. Although hindi kami classmates kasi magkaiba ang course namin, masasabi ko na siya yung pinaka-close ko dito sa school.. Nag-aaral nga pala kami sa isang exclusive all girls school, and I'm on my 2nd year bilang psychology student...
Since elementary, palagi ako sa all-girls na school, kaya nga lumaki ako na mahiyain pagdating sa mga boys.. Lalo na hindi rin ako mahilig lumabas o gumimik, most of the time sa bahay lang ako after class, at hobby ko na ang magbasa.. Kaya nga dito sa room namin ni Abby.. May isa akong bookshelf na puno ng mga libro na nabasa ko na o kaya bagong bili pa lang pero hindi ko pa nababasa... Mahilig ako sa mga romance books o kaya mga fantasy books.. Tuwing bibisita si mommy dito. lagi siyang may dala na mga bagong books, kasi alam niyang yun lang ang libagan ko..
"Sige.. Kayo na lang.. Hindi ko din naman ma-eenjoy kung sasama ako kasi hindi ko naman kilala yung banda na papanuorin niyo.." sagot ko sa kanya..
"Ali.. Paano mo makikilala kung hindi ka sasama at hindi mo makikita.. Minsan naman try mo lumabas, hindi yung palagi ka na lang nakakulong dito sa loob ng kwarto natin at nagbabasa.. Lalabas ka lang pag papasok na sa klase mo.. o kaya pag nandyan ang sundo mo pauwi sa bahay niyo.. Hindi ka ba naiinip?"
"Hindi.. Ang saya kaya magbasa.. try mo.."
"No thanks! Sige na nga aalis na ko.. Uuwian na lang kita ng pasalubong.. Anong gusto mo?"
"Bait.. Sige gusto ko ng donuts.."
"Ok.."
"Thanks Abby! Ingat!"
"Ok, thanks... Bye.."
"Bye.."
Pag-alis ni Abby, tinuloy ko na yung pagbabasa ko.. Ilang chapters na din yung nabasa ko ng makaramdam ako ng antok.. Kaso ayoko pa tigilan yung pagbabasa kaya, tumayo ako mula sa kama pumunta sa kitchen.. Bawat room kasi dito sa dorm ng school.. May sariling kitchen, may sariling CR.. Parang studio type na condo unit..
Balak ko sana magtimpla ng coffee.. Kaso wala na pala kaming stock.. Naubos ko na pala..
Paano ba yan.. Kailangan ko mag-coffee.. Kundi aantukin ako nito.. Kaya kahit ayoko lumabas, mukhang mapipilitan akong pumunta dun sa malapit na coffee shop dito sa school.. Naalala ko tuloy yung donut na inuwi ni Abby sa'kin.. Dun niya binili yun.. At ang sarap..
Naka t-shirt na maluwag at shorts na mahaba lang ako.. Kaya naghanap ako sa closet ko ng damit na isusuot ko panglabas.. Karamihan ng damit ko puro dress.. Hindi kasi ako mahilig mag-shopping, pero si mommy hilig akong bilhan ng damit.. At puro dress nga.. At karamihan may lace o kaya floral ang design.. Masyadong girl, pero like ko din naman.. Pagkatapos ko magbihis.. Inayos ko yung pagkaka-tirintas nung buhok ko.. Tinanggal ko muna yung eyeglasses ko, nag-powder ng konti.. Saka ko sinuot ulit.. Malabo nga pala yung mga mata ko.. Siguro kakabasa na rin.. Mula pagkabata ba naman yun ang ginagawa ko..
Kinuha ko na yung sling bag ko na floral ang design at may lace din, nilagay ko yung wallet ko at yung libro na binabasa ko kanina, saka ako lumabas ng kwarto..
Walking distance lang naman yung coffee shop kaya nilakad ko na lang... Pagpasok ko sa coffee shop.. Lahat ng tables occupied na.. Sayang balak ko pa naman dito magbasa habang nag-cocoffee at kumakain ng donut... Pumila na ko sa may counter.. Medyo mahaba nga yung pila.. Pansin ko may mga lumalabas pero na-ooccupy din kagad nung mga natapos ng umorder na nasa unahan ko.. Sana sa oras na maka-order na ko, may available seat na para sa'kin.. Nang turn ko na para umorder, sinabi ko na sa cashier na black coffee na bottomless at dalawang sugar raised donut ang order ko.. Saka ako nagbayad...
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Jeon Boram | as Allison |
| Kim Jaejoong | as Cedrick |