MYSTERIOUS GUY AT THE COFFEE SHOP *1*

318K 4.5K 491
                                    

Tahimik akong nagbabasa nang yayain ako ni Abby na sumama sa lakad nila ng mga kaibigan niya. Pupunta kasi sila sa mall para manuod ng mall show ng paborito nilang banda. Si Abby nga pala ang roommate ko dito sa dormitory ng school kung saan kami nag-aaral. Mahigit three years ko na rin siyang kasama. Although hindi kami classmates kasi magkaiba ang course namin, masasabi ko na siya 'yung pinakamalapit na kaibigan ko dito sa school. Nag-aaral kami sa isang exclusive all-girls school, and I'm on my last year bilang Marketing student.

Since elementary, palaging sa all-girls na school ako nag-aaral, kaya lumaki ako na medyo mahiyain pagdating sa mga lalaki. Lalo na't hindi rin ako mahilig lumabas o gumimik, most of the time sa bahay lang ako after class, at hobby ko ang magbasa. Kaya dito sa kwarto namin ni Abby, may isa akong bookshelf na puno ng mga libro na nabasa ko na o kaya bagong bili pa lang at hindi ko pa nababasa. Mahilig ako sa mga romance stories o kaya fantasy. Tuwing bibisita rin si Mommy dito, lagi siyang may dala na mga bagong libro. Alam niya kasi na 'yun lang ang libangan ko.

"Hindi na, kayo na lang. Hindi ko rin naman mae-enjoy kung sasama ako, kasi hindi ko naman kilala 'yung banda na panunuorin n'yo," sagot ko sa kanya.

"Allison... Paano mo makikilala kung hindi ka sasama at hindi mo makikita? Minsan naman, i-try mo ring lumabas, hindi 'yung palagi ka na lang nakakulong dito sa loob ng kwarto natin at nagbabasa. Lalabas ka lang 'pag papasok ka na sa klase mo o kaya 'pag nand'yan ang sundo mo pauwi sa bahay n'yo. Hindi ka ba naiinip?" tanong ni Abby sa'kin. Nakakunot pa nga 'yung noo niya habang nagsasalita.

"Hindi. Ang saya kayang magbasa, try mo," sagot ko. Masaya naman talagang magbasa. Sa pagbabasa, marami kang pwedeng matutunan. Pwede ka ring dalhin ng imahinasyon mo sa iba't-ibang lugar na hindi mo pa napupuntahan o hindi nage-exist dito sa totoong mundo. Malalaman mo rin ang iba't-ibang bagay na hindi naman tinuturo sa school. At kapag nagbabasa ako, para na rin akong nanunuod ng movie o kaya palabas sa TV, 'yun nga lang, 'yung palabas eh nagpe-play sa utak ko.

"No thanks!" nakailing pa niyang sabi. "Sige na nga aalis na 'ko. Uuwian na lang kita ng pasalubong. Anong gusto mo?"

Nag-isip ako saglit. "Uhm, gusto ko ng donuts!"

"'Yun lang?"

"Oo, 'yun lang."

"Ok!"

Pag-alis ni Abby, itinuloy ko na 'yung pagbabasa ko. Ilang chapters na rin 'yung nabasa ko nang makaramdam ako ng antok. Kaso ayoko pang tigilan 'yung pagbabasa, kaya tumayo ako mula sa kama at pumunta sa kitchen. Bawat kwarto kasi dito sa dorm ng school, may sariling kitchen at may sarili ring CR. Balak ko sanang magtimpla ng coffee, kaso wala na pala kaming stock dahil naubos ko na pala. "Paano ba 'yan? Kailangan kong mag-coffee, kung hindi aantukin ako nito," bulong ko sa sarili ko. Kaya kahit ayokong lumabas, pupunta ako doon sa coffee shop na malapit dito sa school. Naalala ko tuloy 'yung donut na inuwi ni Abby sa'kin two weeks ago. Doon niya binili 'yun at ang sarap. Simpleng honey-glazed donut lang 'yun pero ang sarap talaga. Hindi masyadong matamis at ang sarap kainin kasabay ng black coffee.

Nakasuot ako ng t-shirt na maluwag at mahabang shorts na konti na lang abot tuhod na, kaya naghanap ako sa closet ko ng damit na isusuot ko panlabas. Isa kasi sa bilin ni Mommy sa'kin, huwag na huwag daw akong lalabas na nakapang-bahay lang at hindi man lang nag-aayos.

Karamihan ng damit ko puro dress. Hindi kasi ako mahilig mag-shopping, pero si Mommy, ang hilig akong bilhan ng mga damit at puro dress nga. Karamihan pa, may lace o kaya floral ang design. Masyadong pa-girl, pero ok lang naman sa'kin, dahil 'yun na rin 'yung nakasanayan ko. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko 'yung pagkakatirintas ng buhok ko. Tinanggal ko muna 'yung eyeglasses ko, nag-powder ng konti saka ko isinuot uli 'yung eyeglasses sa mata ko. Bata pa lang ako malabo na 'yung mga mata ko, idagdag pa na simula pa noon ay hilig ko na talaga ang magbasa. Sa isang araw nga kaya kong tapusing basahin ang dalawang libro. 'Yung tipong ligo, kain at pagpunta sa CR lang ang pahinga. Kinuha ko na 'yung sling bag ko na floral ang design na si Mommy rin ang bumili. Inilagay ko 'yung pulang wallet ko sa bag at binitbit ko 'yung libro na binabasa ko kanina, saka ako lumabas ng kwarto.

Mysterious Guy at The Coffee Shop - Published under Viva-PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon