Previous Page of 14Next Page

Fourth Sight ~ KitTle/MyrKit

Dedicated to
LoveSuzy
spinner.gif


Dedicated to all MyrKit/KitTle fans and to LoveSuzy na nagrequest. Pasensya na kung OneShot lang po ito.

 

Just want to make it clear, wala po akong kinakampihan whether TomTle or MyrVes or KitTle pa 'yan. Sinusuportahan ko po ang tatlong loveteams. Basta about kay Myrtle, suportado ko po talaga.

 

So sana po PEACE ^____________^v tayong lahat! Hope magustuhan niyo. Mwah :** God bless!


LIKE | COMMENT | VOTE | FAN

 

 


FOURTH SIGHT

One Shot Story




Myrtle’s POV

 

“Gaaaaaaaah! Ang inet!” reklamo ko habang naghihintay ng jeep sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Badtrip naman kasi eh, hindi ko makita ang wallet ko buti na lang nga at may naiwang bente pesos sa hotel na tinutuluyan ko. Hindi ko din kabisado ang lugar na ‘to. Sana naman may dumadaang jeep dito oh.

 

Kararating ko lang dito sa Pinas for some urgent meet ups with my parents. Ilang years na din akong hindi nakakapunta dito kaya malamang sa malamang hindi ko na kabisado ang lugar na ‘to. Dapat kasi pumayag na lang akong sumama sa kanila pauwi sa bahay. Hahay, ba’t ba ang taas ng pride ko? Tapos sa huli ako magsisi >>_____<<

 

Ilang minuto na ang nakakalipas, wala pa ding nadaang jeep. May mga taxi, kaya nga lang…wala namang taxi ang magpapabayad ng bente pesos. Lalo pa’t papunta ako ngayon ng mall para i-meet ang half brother ko na enemy ko. Ba’t kasi hindi na lang ako sunduin sa hotel eh. Kainis talaga!

 

Sumilong muna ako sa malaking puno, masusunog balat ko dito.

 

“La, let me help you po.” rinig kong sabi nung isang lalaki.

 

“Salamat hijo.” iniabot naman nung lola yung basket na dala niya at inakay yung matanda papunta sa kabilang gilid ng kalsada…ang gentleman naman niya. Sa likod naman nila may isang babae din na ngingiti-ngiti pa habang nakatingin dun sa lalaki.

 

Nung makarating sila sa kabilang side, pinara nila ng taxi si Lola tapos inalalayan niya itong makapasok. Siya na din ang nagbayad ng pamasahe nung lola. Galante ah…

 

Kung magdress up kaya ako ng matanda tapos gayahin ko yung style ni lola? Eh di diba, tinulungan na ako ng isang gwapong nilalang, nalibre pa ako! Muahahaha.

 

Pero masyado akong maganda para tumanda. Tss. Mahangin na ata. (hehe XD)

 

Maya-maya pa may kumalabit naman sa kanyang bata na nagtitinda ng sampagita. Nagulat pa ata siya nung kalabitin siya nung bata kasi parang nag-iba yung ekspresyon niya but in the end…nginitian niya yung bata tapos binili niya lahat ng bulaklak…ang bait ha.

 

Nilingon niya yung babaeng katabi niya, yung nasa likuran nila kanina ni Lola. Tapos binigay niya yung sampagita, ngumiti lang ng alanganin yung girl.

 

Gusto ko namang matawa sa ginawa niya at sa ekspresyon nung babae. Eh kasi naman, magbibigay na lang ng bulaklak…sampagita pa. Ano yun? Ginawang simbahan ang babae? Haha. Tapos yung face naman ng babae halatang di maipinta. Pero at the same time…nakakainggit. Ang sweet nung ginawa ni Guy.

 

Ako kaya? Kailan ako makakahanap ng ganung lalaki?

 

Yung physical appearance na hinahanap ko…nasa kanya na. Gwapo, matangkad, sa katawan pa lang halatang malakas na. Tapos, gentleman pa siya, galante, matulungin, sweet, mukha ding mabait. Hahay, sana siya na lang. Kaya lang may girlfriend na siya eh. Sayang naman!

 

“HOY!!!” halos mapatalon ako sa gulat kasabay ng pagbalik ko sa realidad…si Yves.

 

“Problema mo?!!” galit kong tanong.

 

“IKAW problema ko!” sagot naman niya. Ang kapatid/best enemy ko pong baliw, hindi ko siya actually Kapatid kasi magkaedad lang kami. Anak siya ni Tita Jackie, bagong asawa ni Daddy.

 

Tingnan niyo na? Kaya naman palang pumunta dito eh. Tsk. “Alam mo ba kung anong oras na?! Alas dyes na po ng umaga. Ang usapan natin alas otso!”

Previous Page of 14Next Page

Comments & Reviews (22)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Fourth Sight ~ KitTle/MyrKit

Cast

Myrtle Gail Sarrosaas Myrtle Fortallejo
Kit Thompsonas Kit Muñoz

Recommended

How to produce a PrinceMy Best ENEMY turns to My Best HUSBANDDestined EnemyBestfriend Or Stealer?