Epilogue- Queen

634K 15.9K 4.6K
                                    

DRAMATIS PERSONAE

Zyla Lienne "Zylie" Carbonnel

Silver Jeremy Torres

Mikaela Jean "Mika" Fernandez

Alyanna "Yanny" Cortez

Bettina Becarez

Bernardo "Buknoy" Obediencia

Terrence Sanchez

Zeus Lyndon Carbonnel

Zachary Lay Carbonnel

Orange Grace Torres

Lemon Jane Torres

Cleo Reese Infante

Dr. Marianne Torres

~~~

NOTES

IReyna ng Kamalasan (Part 1 and Part 2) is now PUBLISHED under Summit Media- Pop Fiction Php 195 each | Taglish | Available in bookstores, newsstands, and convenience stores nationwide!

~

Ako si Zylie.

Hindi ako clumsy, galit lang siguro sa'kin ang sahig, bully lang talaga ang mga mesa't upuan, at yung mga pader? Humaharang lang talaga silang kusa sa daanan ko.

Yan ang palagi kong biro. Kasi nga, ang sabi nila, ako daw ang Reyna ng Kamalasan.

Naranasan ko yun. Tinanggap ko yun.

Katulad ngayong naglalakad ako sa likod ng stage paikot sa harap para kunin ang diploma ng pagtatapos...

"AY!" napasigaw na lang ako nang madulas ako sa stage.

"Not again."

"Silver?" hinawakan niya ako ng hindi ako tuluyang madulas. "Bakit ka nandiyan eh hindi ba..." tumingin ako sa paligid. Hindi siya pwedeng maging nasa likod ko dahil letter 'C' ako at letter 'T ang surname niya. Bakit wala namang nakakapansin na nasa tabi ko siya?

"Teka! Valedictorian ka, mamaya ka pa magmamartsa! Huling-huli ka pa Mr. Genius!"

"I'm not a genius."

Naglalakad kami sa gilid ng stage at isang pangalan na lang, tatawagin na yung pangalan ko.

"Slver ano ka ba tatawagin na ako? Hwag mong sabihing sasama ka sa'kin sa stage." Inaayos niya yung puti kong toga. Nakakatawa lang, kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya sinasagot, pero ano naman? Hindi por que hindi kami official na naka in a relationship sa facebook, yun na talaga ang nararamdaman namin.

"Marry me."

"BALIW!" ayan na naman siya! Palagi na lang niya yang sinasabi na parang naging point of existence niya na.

"Seryoso nga kasi." May dala pa siyang singsing.

"High School Class ring kaya yan!" gusto ko siyang asarin.

"Who cares. What's your answer?" nilagay niya sa'kin yung singsing.

"Wait lang kasi. Tatawagin na ako sa stage eh."

"Just say yes."

"Anong yes?"

"Say yes you'll marry me. Or I'll propose in front of everybody!"

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon