Sabado na at napag-isipan ko munang tumambay dito sa No Name. Nagsasawa na ko sa pagmumukha nung tatlo e. Kaya iniwan ko muna sa bahay. Haha.

"Agang tambay mo naman Zoe? 11am pa lang. At di pa ko bukas." sabi ni Manager na nasa may bar at nagpupunas ng mga baso.

"Wala akong magawa sa bahay e." at dinukdok ko yung mukha ko sa lamesa.

"Ah. Kaya ako ang  peperwisyohin mo dito?" psh. Perwisyo raw oh. Hmp. Bahala nga siya. Di na lang ako sumagot.

"Kamusta nga pala school Zoe?"

 

 

"Fine. I guess?" sabi ko habang nakadukdok pa rin ang mukha sa table at pinaglalaruan ang isang baso. 

 

 

"Kamusta naman ang apat na boys? Sila Ice?"

 

 

"Psh. Ayun. Weak."

 

 

"Weak? Aish. Nakipag-away kayo no? Ano ba naman kayo Zoe?! Wag na nga kayong mag-away away."

 

"They asked for it. Grabe kasi kung bastusin ang girls."

 

 

"Di ko na alam gagawin ko sa inyong mga teens kayo. Ang pasaway niyo."

Inangat ko naman ulo ko at tumingin kay Manager at nangalumbaba. "Manager. Paano nga ba napasok yung apat na animal dito sa bar mo? Last time kasi sabi mo di mo pa sila naririnig kumanta. Sabi mo pa nga napilitan ka lang ipasok sila."

 

"Huh? Sinabi ko ba yun? Parang di ko maalala?" nagkamot pa ng ulo. Halata namang nagmamaang-maangan lang.

"Halata ka na Manager. Wag na umarte. So ano? Paano nga?"

 

 

"Basta may nanghingi lang ng favor sakin na ipasok sila. At dahil sa mabait ako, pinasok ko na. Magaling naman pala sila kaya di ako nagsising pinasok ko sila."

 

 

"Sino nanghinging favor? At saka bakit daw sila ipapasok dito?"