Previous Page of 6Next Page

Never Talk Back To A Gangster! [2nd Half--FIN]

spinner.gif

Dedicated to Althea Isabelle Lee sponsor for this update (yes I still accept sponsorships, I accept gifts too LOL) so let's all thank her for this. =)



Ch.79 - Time Machine



Ang sabi nila, Time heals all wounds.


Kaya naman tinatanong ko sa sarili ko kung hanggang kailan ko mararamdaman ang sakit na ito sa puso ko.


If time really heals all broken hearts then I wonder how much before mine is healed..


At bakit sa kada galaw ng kamay sa orasan mas lalo lang tumitindi ang sakit na nararamdaman ko?


Unti-unti akong kinakain ng mga tanong sa isipan ko.


Kung bakit sya napagod sa relasyon namin..


Kung bakit sya napagod sa pagmamahal sa'kin..


Paano nya nasabi ang lahat ng 'yon nang ganon nalang?


Dahil sa mga sinabi nya, itinatanong ko tuloy sa sarili ko kung totoo bang minahal nya ako?


Tila isang panaginip lang ang nangyari sa aming dalawa. Ang lahat ng pinagsamahan namin, kinukwestyon ko kung totoo bang nangyari ang mga yon.


Dahil kung 'oo', bakit wala nang halaga ang mga 'yon sa kanya?


Nakalimutan na ba nya lahat ng masasayang araw namin na magkasama?


Minahal ba nya ako o totoo ang sinabi ni kuya Lee dati na 'guilt' lang ang nararamdaman ni Timothy para sa'kin.


Timothy..


Sa pagbanggit sa pangalan nya, naramdaman ko na mas kumirot ang dibdib ko.


Parang inuukit nang paulit-ulit ang pangalan nya sa puso ko.


Ganito rin kaya ang nararamdaman ng ibang tao na dumaan sa ganitong break-up?


Paano nila nalagpasan ang lahat?


Meron ba silang binasang guide book sa healing process?


Ipinikit ko ang mga mata ko.


"Yes, I am breaking up with you."


Ang mga salitang yon ang paulit-ulit kong nakikita sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko.


Ang tingin nya sakin habang sinasabi ang mga salitang 'yon, napaka-distant, napaka-lamig.


Sa muling pagbukas ng mata ko, nag-uunahan na tumulo ang luha ko.


Bakit Timothy?


Bakit mo sinabi ang mga 'yon sa akin?


"You controlled me Miracle, for a very long time you did! You controlled my life! My whole life, it's always you whom I should always think about!"


Kinontrol ko ang buhay nya?


Dahil ba sa guilt?


Dahil sa nangyari sa'min noong mga bata pa kami?


*TokTok*


"Miss Samantha, paalis na po sina Madam"


Sandali ko pang tinitigan ang puting kisame bago ako bumangon at inayos ang sarili ko.


Ngayong araw ang alis nila Mama at Papa.


Lumabas ako ng kwarto ko at sinalubong ako ng mayordoma.


"Nandon na po sila sa ibaba, hinihintay kayo."


Naglakad na ako kasunod sya.


Babalik na naman sila sa trabaho nila.


Sa France, Italy o America..


Ang susunod naming pagkikita, sa Christmas na ulit..


Nakita ko sila Mama at Papa.


Karga ni Papa si Angelo habang si Mama naman ay kausap si Butler John.


"Mommy~!" bati sakin ni Angelo


"Mabuti naman at bumaba ka na," sabi ni Papa at ibinaba si Angelo


"Papa isasama nyo po si Angelo?" tanong ko nang mapansin ang suot ng kapatid ko


"Oo, ipapakita ko lang sa kanya ang mga hahawakan nyang negosyo kapag lumaki na sya," proud na sabi ni Papa


Mga hahawakan nyang negosyo?


Para akong binangga ng truck sa narinig ko.


Akala ko ako ang maghahawak sa mga negosyo ng pamilya namin.


"Pero Papa matagal pa pong lumaki si Angelo," sabi ko


"Mabilis lumipas ang panahon Samantha, kahapon lang kasing liit mo si Angelo ngayon ganito ka na kalaki. Bukas ikakasal ka na, sa isang araw magkakaapo na ako.. Hahaha!"


"Pero Papa pano po ako? Hindi nyo pa ako naisasama sa mga lakad nyo ni Mama. Kaya ko naman pong hawakan muna ang negosyo--"


"Samantha alam mo naman kung gaano kahalaga sa pamilya natin ang mga lalaking tagapagmana hindi ba? Sila ang madadala ng apelyido ng pamilya.." singit ni Mama


Natigilan

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (1756)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Ch.79 - Time Machine

Cast

T.O.Pas Timothy Odelle Pendleton
Han Hyo Jooas Miracle Samantha Perez
Kim Jaejoongas Red Dela Cruz
Kwon Jiyongas GD/Uno
Victoria Songas Audrey dela Cruz
Shin MinAhas Michie Sta Maria
Jessica Jungas China dela Vega
Tiffany Hwangas Maggie dela Vega

Recommended

MEMORY CARDLove GuitarLoveless Relationship [ONGOING]Stealing The Heart of My Gay Professor (SLOW UPDATE)