Chapter 36

329K 3.2K 155
                                    

A/N

Happy reading guys. I'm trying my best na makapag ud po lagi  ^ ^

__________________________________________

Chapter 36

Kinakabahan si Althea ng makalapag na ang eroplanong sinasakyan sa Ninoy Aquino International Airport. Alam nyang may mabigat silang problemang haharapin ni Gabriel.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Althea.

 “What’s that for?” sabay akbay ni Gabriel sa asawa.

 “Kinakabahan ako.”

 “Don’t worry okay?, just trust me this time, aayusin ko ang lahat.”

 Marahang tumango na lamang si Althea.

 “What if they will force you?” hindi na rin napigilan ni Althea ang sarili na itanong ito sa asawa.

“Nobody can do that to me. I love you sweetheart, hindi ko kayo iiwan ng baby.” Sabay halik sa tuktok ng ulo ni Althea.

 Isang matamis na ngiti ang sinukli ni Althea sa asawa.

 “Oh God! Nakalimutan kong sabihan sila Papa na ngayon ang uwi ko.” Sabay tapik ni Althea sa noo.

 “We will just call them pagdating natin sa bahay or we can ask Mang Pedring na sunduin sila.”

 “Gusto ko sana na ako ang makauwi sa San Simon para mabisita ko ang farm, worried din ako sa nangyari few weeks ago.”

 “Yes, we will visit them aayusin ko lang muna ang problem sa babaeng yun.” Nanggigigil na naman si Gabriel tuwing naaalala ang kalokohan ni Marian.

Paglabas nila ng airport ay naabutan nilang matiyaga silang inaabangan ni Donya Marcela.

 Nanlaki ang mga mata ni Althea ng makita ang biyenang babae. “Ang Mama ba yun?”

 “Excited talaga ang Mama na makita ka agad.” Natatawang biro ni Gabriel.

 Pagkakita sa kanila ng matandang Donya ay agad silang kinawayan hindi pa ito nakatiis at siya na mismo ang lumapit sa mag- asawa.

 “Thea, I miss you hija.” Sabay yakap nito kay Althea.

 “I miss you too, Mama.” Ginantihan din ni Althea ng yakap ang biyenan.

 “I’m very happy to see you again, ang Papa mo nga gustong sumama kanina kaya lang may mga naka schedule syang meeting today.” Masigla ang boses ng matanda.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon