Prelude to Chapter5

Magsimula sa umpisa
                                    

Sapul sa mukha.

“Aray! Lintek! Ano ba Dylan!” binato kase ni Dylan ng throw pillow. Kaya nga throw pillow. Pambato. xD

“Tumahimik nga kayo! Para kayong aso’t pusa ah! Isa pa, kung umasta kayo para kayong walang ibang kasama. Sigawan pa kayo ng sigawan.” sabi ni Dylan.

“Hindi lang naman ako a! Bakit ako lang ang binato mo?!” sigaw ulit ni Vince.

*boooooooogg!!*

Sapul ulit.

“Potek! Ano ba!”

*boooooooogg!!*

“Ta--!!”

“Oh sige, sumigaw ka pa, itong sofa na ang ibabato ko sa’yo. Di mo ba nakikita, natutulog ang anak ko? Ha?”

Umupo naman si Vince ng bumubulong bulong.

“Bheelaaat!!” panunukso ni Mische. Parang bata.

“Ik--!!”

“Ano nga ulit yung tinatanong mo?” pagputol ni Dylan sa sasabihin ni Vince.

“Ahh.. Oo nga pala, kung nakausap mo na si Beth? Katatawag niya lang sa’kin e. Umuusok na siguro ilong nun ngayon. HAHAHAHAAHAH!” sabay tawa ng pagkalakas-lakas.

“Vince! Magigising si Lance!” saway ko.

“Sorry. Sorry.. Ano nga? Kung nakausap mo na ba?” tanong ulit niya.

“Oo, kanina din. Hinahanap na tayo, sinabi niya din siguro sa’yo na pag hindi pa tayo bumalik, ire-report niya na sa pulis.” sagot ni Dylan.

“Yeah! If I know, kinukuha niya lang ang atensyon ng media. tsk! Kahit kelan talaga..” Vince

“Oo. Una na ako babalik bukas, tinawagan na din ako nung katulong ko sa bagong album e.” sabi ni Dylan.

“May bago kang album?” tanong ni Vince.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon