Naranasan mo na bang tumawag sa maling tao?
Sa sobrang excited mong tawagan ang bff mo..
Number pala ni Crush ang na-dial mo..
At nasabi mo pa ang feelings mo sa kanya..
How clumsy you are naman.. ^_^
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tinaaaaaaaaaa." sigaw ko.. Nagtatakbo ako palapit kay Tina.. Haha.. Okay lang yan.. Maingay rin naman sa hallway ih..
"Teh, hinaan mo naman ang boses mo." sabi sa akin ni Tina ng makalapit ako sa kanya.. Ang bff ko, si Tina... Ako si Stella.. Stella Marie Cortez.. Parehas kami na graduating students.. Classmates din kami..
"To naman. Para masaya lang ih." sabi ko na nag-pout pa ng lips..
"Ano naman ang ikinasasaya mo?" tanong niya na nakapamewang.. Taray talaga oh.. Pero kahit ganun.. Bff pa rin kami..
"Nakit ko kasi si Crush." kinikilig na sabi ko..
"Si Crush na naman? Eh hindi ka naman crush nun." -_- Aray ko naman.. Kailangan ipamukha? Ha? Ha? "At saka, kaklase natin si Crush mo. Kaya talagang makikita mo siya." taas kilay pang dugtong niya..
"Naman ih." sabi ko na nag-stamp pa ng paa..
"Tigilan mo na kasi." sabi niya.. Ito lang ang friend na nag-didiscourage sa mga gusto ko.. Tama ba yun? Naku naman oh..
"Yaan mo na. Si Crush lang naman ih." sabi ko..
"Bahala ka na nga." sabi niya. "Tara na sa room." hinila na niya ako.. Ito talagang friend ko.. Kahit kelan.. Hay..
Nang dumating kami sa room.. Halos panabay lang kami ng guro namin.. Naupo na kami sa aming mga upuan..
Obviously.. Kay Crush na naman ako nakatingin.. Haha.. Hindi ako nakikinig kay Mam oh.. Ang gwapo niya talaga kahit saang angulo tingnan.. Haaaaay.. Nakapangalumbaba pa ako habang nakatingin sa kanya..
"Ms. Cortez." tawag sa akin ni Mam..
"Po?" gulat kong tanong.. Napatayo pa ako sa gulat.. Natumba pa yung chair ko sa pagtayo ko.. Tawanan naman ang mga classmates ko.. Kahihiyan 'to.. -_-
"You will be partner to Mr. Cotrez." sabi ni Mam.. O_O Partner ko si Crush? Saan? Ay naku.. Hindi nga pala ako nakikinig.. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin.. Hanubayan??
"Ahm. Tungkol po saan?" nahihiya man eh nagtanong na ako.. Lalo tuloy nagtawanan ang mga hudas kong kaklase.. Kaasar oh..
"Hindi ka nakikinig Ms. Cortez." sabi ni Mam.. Napayuko naman ako.. "By pair yung gagawin ninyong project sa physics. Ask Mr. Cotrez about the details." dugtong ni Mam..
"Yes, Mam." sabi ko.. Itinayo ko yung chair ko at naupo na lang ako.. Nilingon ko si Crush.. Nakatingin siya sa akin.. Nahihiyang nginitian ko siya.. Inirapan lang ako.. O_O Lalaki bang talaga si Crush? Nang-iirap ih.. Naman oh.. Wag naman sanang bakla si Crush.. Ikamamatay ko..
"Okay class. See you tommorow." sabi ni Mam.. "Don't forget your project, okay?" umalis na si Mam..
Naglalakad na ako palabas ng gate.. May gagawin pa kasi si Tina.. Kaya nauna na ako..
"Stella." paglingon ko..
O_O Si Crush.. Tumatakbo palapit sa akin.. Bakit kaya?
"Mag-uusap pa tayo tungkol sa project natin." sabi niya hinihingal.. Kawawa naman.. T_T Napagod siya..
"Ngayon na ba agad?" tanong ko..
Pinagkrus naman niya ang mga braso niya sa may chest niya.. "Sa Friday na kaya yun." kunot-noong sabi niya..
"Ganoon ba?" napahiyang tanong ko.. Dapat kasi nakinig ako kanina ih.. Naman oh.. "Ano bang gagawin natin?"
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists