BTS 116- A concert date with my baby

144K 923 469
                                    

Kath’s P.O.V

Super duper excited na talaga ako sa concert ni Bruno Mars! Yaaaay! Siyempre unang-una crush ko si Bruno Mars! :’) At pangalawa kasama ko yung boyfriend kong manunood. Ang saya nun diba? Yung kinikilig ka dahil sa nakikita mo at kinikilig ka dahil sa katabi mo. Tska ito yung pinaka unang concert na kasama ko si DJ eh. Ayaw niya sumama kay Rihanna noon so hindi ko nalang pinilit. Actually hindi naman ako yung bumili ng ticket namin eh.

 

>>FLASHBACK<<

Hindi kami nagkita ni DJ ngayon. Busy kasi kami eh. Ako busy sa preparations sa debut tapos nag photo shoot pa ako para sa isang commercial. Si DJ naman photo shoots din ang daming niyang tvc! Inuulan pa rin siya ng blessings hanggang ngayon. I’m very happy for him nga eh kasi hindi lang ako, family and friends ang nagmamahal sa kanya. Marami sila, mahirap bilangin.

Kakarating ko lang ng bahay. Nandito ako sa baba nakikipag kamustahan kina ate Shannen at kuya Kevin. Mga 5 minutes lang umakyat na agad ako kasi pagod na pagod talaga ako eh. Kailangan ko ng tulog kasi hassle nanaman ang araw ko bukas.

Nagshower ako, nagblower ng buhok at nagbihis. Kinuha ko yung phone ko. Kakamustahin ko si DJ hindi ko alam kung nakauwi na yung or ano eh. Nagulat nalang ako kasi may naupuan ako sa bed ko.

Kath: Envelope? Ano naman to?

Binuksan ko yung envelope tapos nagulat nalang ako sa nakita ko.

 

Kath: OMG! BRUNO MARS?!

My gosh! Bakit may ganito sa bed ko?! Omg! Akala ko hindi na ako makakanood ng concert niya!  Napatalon talon pa ako sa sobrang tuwa. Napansin kong may maliit na paper na nahulog galing sa envelope. Pinulot ko yun at binasa…

Kath: I miss you baby. :*

Arrrrg! Ang sweet ng baby ko!!! Nakakainis! Sabi niya kasi sa akin wala daw siyang balak manood ng concert at pagod na pagod na siya buong month kailangan niya ng painga. Ako naman walang nagawa sabi ko hindi nalang ako manonood for sure naman babalik pa siguro si Bruno Mars dito sa Philippines.

Hindi ko mapigilan yung sarili ko ip-post ko sa twitter itong ticket.

 

I love you @imdanielpadilla!!!! #BestSurprise

 

Ay wait. Nooo hindi pwede!!

I’m so excited!!!! @imdanielpadilla #BrunoMars

 

No! No! Hindi pwede!

Thank you @imdanielpadilla <3 #TheBest

 

No hindi rin. Hindi dapat nila malaman na galing kay DJ to. Kasi baka isipin pa nila pineperahan ko si DJ. Kasi dalawang ticket pa binili oh. Nag-isip isip ako ng pwedeng gawing caption until I ended sa caption na…

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon