Beat ♥ 18: Tibok Ng Puso

7.1K 163 16
                                    

Beat 18: Tibok Ng Puso

 

*Reina

 

Unti-unting dumilat ‘yung mga mata ko.

     Umangat ‘yung ulo ko at kinusot ‘yung mga mata ko. Umaga na? Anong oras na ba? Tumingin ako sa wall clock na nakakabit sa pader ng kwarto ni Justin. “7 AM,” bulong ko.

     Bigla akong napatingin sa tabi ko. Bumangon ako. “B-Bakit nasa kama ako?” Wala na din si Justin. Hala, teka. Baka mamaya, umakyat ako sa kama niya ng hindi ko nalalaman? Nakakahiya! Tapos bakit wala na siya? Baka mamaya nag-collapase na ‘yon o ano! Ano ba ‘yan, Reina! Bakit natulog ka! >__<

     Agad akong tumayo at lumabas sa kwarto niya. Tiningnan ko siya sa sala pero walang tao doon. May narinig akong mga kaluskos sa kitchen. Sumilip ako doon at nakita ko si Justin, may suot na apron at mukhang nagluluto.

     “Justin,” medyo malat na tawag ko sa kanya dahil kagigising ko lang.

     Lumingon siya sa direksyon ko at saka ngumiti. “Good morning. Umupo ka na, malapit nang matapos ‘tong ginagawa ko.”

     Lumapit ako sa kanya. “Magpahinga ka na muna. Ako nang magtutuloy diyan at baka mabinat ka pa.”

     “Hindi,” pahayag niya. “Okay na ko.

     “Sigurado ka?”

     Ngumiti siya at pagkatapos ay tumango. “Oo. Salamat ha? Hindi ko alam kung anong gagawin kapag wala ka sa tabi ko.”

     At that, bigla akong namula. Kumurap ako kay Justin habang nakanganga ng kaunti ‘yung bibig ko. Rinig na rinig ko ‘yung bawat pintig na puso ko, na parang hindi ito mapakali dahil sa mga salitang binitiwan niya ngayon.

     Baka naman, nag-o-overthink lang akong masyado? Baka naman nami-misinterpret ko lang ‘yung sinabi niya? Baka... nilalagyan ko lang ng kahulugan ‘yung mga salita niya?

     “S-Sige, mag-aayos lang ako.” Tumalikod ako at mabilis na lumakad papunta sa kwarto ko. Noong nandoon na ko ay nakita ko si Kyle na natutulog pa. Kaya naman kumuha agad ako ng towel at pumunta sa CR. Tumingin ako sa salamin. Ano ba ‘yan, gulu-gulo ‘yung buhok ko. Nakakahiya, nakita pa ko ni Justin na ganito ang itsura. >__<

     Buti nalang wala akong tulo ng laway. O__O

     Naghilamos ako at saka nagmumog. Lumakad ako papunta ng kwarto habang pinupunasan ng towel ‘yung mukha ko. Kinuha ko ‘yung suklay at pagkatapos ay sinuklay ang buhok ko. Lumabas ako sa kwarto.

     Handa na ang pagkain noong nandoon na ko sa kitchen. “Si Kyle?” tanong ni Justin habang nagpapahid ng peanut butter sa tinapay.

     “Tulog pa siya,” sabi ko at saka umupo sa dining chair.

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon