Chapter 47 - Hanky

342K 12.2K 2.1K
                                    

Chapter 47- Hanky

Umupo s'ya sa driver's seat habang ako ay nasa likod. Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil may black mask s'ya. "Who are you?" I asked. Nosy na kung nosy pero nacucurious talaga ako sa kanya.

Hindi n'ya man lang sinagot ang tanong ko, sasabunutan ko na 'to. Malapit na talaga! Tanging mabibigat lang na paghinga ang pinapakawalan n'ya. Hindi man lang s'ya naimik buong b'yahe.

"You are my prize." nagsalita out of nowhere yung kasama ko. "What?! Anong prize ka jan!" kasabay n'on ang pagtakip ko sa hinaharap ko. Napatawa naman s'ya ng mahina at talagang nagpipigil.

"Psycho.." sa isip isip ko. "Wag kang gagawa ng masama against me! Marunong ako mag judo!" galit na sabi ko sa kanya. Nag-shrug lang s'ya.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" pagtatanong ko sa kanya. Hindi n'ya na naman sinagot ang tanong ko.

Huminto kami sa harap ng isang napakalaking hotel, "Oh gahd! P-paano mong alam 'to?" tanong ko sa kanya. Ito yung hotel namin dati, hindi na kami ang may-ari nito. How come na dito n'ya ako dinala? Sino ba 'tong kasama ko?

"That hotel will be yours soon. Just wait for it." he said tapos tinapakan n'ya na naman ang gas kaya umandar na naman kami. "Sino ka ba talaga?" nakakailang ulit na ako ng tanong sa kanya.

"Ugh! Nakakainis na! Who are you ba?" nag-shrug na naman s'ya. "Oh shrug ka na lang ng shrug? Oh gahd!" napasapo na lang ako sa noo ko. Sino ba kasi yung kasama ko. Nakakabobo!

Pagtingin ko sa bintana ay nandito na kami sa harap ng village, "W-what the hell! Are you my stalker?" I asked. Bago ako bumaba ay nagsalita din s'ya, "Lets say that I am your knight, your black night."

Naiwan akong tulala habang pinagmamasdan ko ang magara n'yang kotse na papaalis. Ano daw? Knight? Black knight? Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang frustration! Oh gahd, kung sino ka man. Salamat kahit papaano. Bwisit! Sino ba kasi talaga 'yun?

MAG-6:30 na ng gabi noong nakaayos na ako. Medyo nalimutan ko na din yung pinagsasabi ni black knight, I was thinking about the possibilities kung sino 'yung lalaking 'yun? And ughh! I don't have any idea.

"Para kang sira jan. Ano ba?!" she nagged at me. "Mind your business nga Steph!" inis na sabi ko sa kanya.

"Sino ba kasi 'yang iniisip mo? Si Terrence ba? Hurt hurt ka ba?!" mas lalo akong nabadtrip sa tanong n'ya. "Ahehehe! Joke lang! Sabi ko nga huwag na ipaaalala. Ang tagal naman ni Carl my loves! hihihi!" napairap na lang ako sa kanya.

Seriously, ganun na ba s'ya kaobssess kay Carl? Nakakatawa na nakakatakot si Steph ngayon, patagal ng patagal ay palala s'ya ng palala. Look, dati mild pa lang s'ya ngayon she is getting insane. Tsk!

Kanina pa'yan nasa bahay. Well, she is too excited. As if na s'ya naman ang pakay ni Carl. She didn't know na pinilit ko lang yung choosy na lalaki na 'yun para isama s'ya. I'm not that cruel kaya hindi ko na sinabi sa kanya.

"Oh my gahd! Maganda na ba ako Trishy?!" umikot pa s'ya para makita ko ang kabuuan n'ya.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon