Chapter 19

281K 3.3K 413
                                    

Chapter 19


Kathryn's POV


*pok*

Ayun. Binatukan ko nga si Daniel.


"Aray ko, Para san yun?!" Tanong niya. Tinulak ko siya dahil yung mga kamay niya, nasa bewang ko pa rin.


"Para magising ka! Kanina ka pa! May topak ka ba? O sadyang nangaasar ka lang? Kung ano-ano na naman sinasabi mo! May pa-'kasi mahalaga sakin yung isasagot mo' ka pang nalalaman" Sabi ko.


Okay sige.

Defense Mechanism ko yung umiral.


Masyado na kasing intense yung paligid.

Feeling ko, hindi ko pa dapat sagutin yung tanong niya.


Di ko pa kasi sure kung papatawarin ko na dapat siya.

Gusto ko, patawarin ko siya kasabay ng barkada.

Hindi lang naman kasi ako ang na-disappoint sa ginawa niya.


"Sa palagay mo ba, nagbibiro ako?" Tanong niya.

"Sa palagay mo ba, nagbibiro din ako? Ayan ka na naman eh! Wag kang sumeryoso, hindi bagay sayo"


Naiilang kasi ako kapag sumeseryoso si DJ.

Nag bite lips siya na parang nagiisip siya.


"Punta ka na sa Music Room" Bigla niyang binago yung topic.

Nakahinga ako ng maayos.


"Di ka ba sasabay? Yun din next class mo diba?"

"Mag-ditch muna ako" Sabay kamot sa ulo niya.

"Ang bad mo! Wag ka nga mag-cutting"

"Basta, minsan lang naman eh"


Aalis na sana ako pero may naalala ako.


"Ano sasabihin ko kay Mam? Tatanungin ako nun for sure"

"Sabihin mo nasa clinic ako" Sabay smile.

"Kung malaman niya na wala ka dun? Eh di nalaman niya rin na nagsinungaling ako"

"Wag ka nga mag-worry, di rin bagay sayo" Asar niya.


Bwisit talaga ito. Ginaya pa yun sinabi ko kanina, ang binago niya lang ay yung word na worry.


"Ewan ko sayo! Sasabihin ko yung totoo kay Ms, bahala ka sa buhay mo"

"Ayan ka na naman, galit ka na naman. Yan ang bagay na bagay sayo" Sabay kurot sa pisngi.

Tinabig ko yung kamay niya bago ako nagsalita.


"Sige lang DJ, dagdagan mo pa mga kasalanan mo sakin. Di na talaga kita papatawarin"

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon