Chapter 21: Plausible Deniability

460 19 19
                                    

CHAPTER 21

[Plausible Deniability]

Nagkakasundo na talaga kaming apat - si Vince, Janelle, Alora at ako. Sa tropa namin, si Vince ang lagi kong karamay. Pag odd number kasi yung barkada, talagang may maiiwan eh. Atleast ngayon, apat na kami! Paminsan-minsan naman, nakakasama namin si Minette o si Maedelle. Mas madalas nga lang si Minette... nagiging sobrang close na sila ni Janelle eh. Minsan nga parang siya na yung best friend ni Janelle, hindi kami ni Alora.

At dahil nga naging close na kami ni Minette... Hindi naman kasi maiwasang matanong yung tanong na gusto kong tanungin sa kanya eh. Kaya ayun, napunta na rin sa harapan ko ang sagot na matagal ko nang gustong malaman.

[A/N: Pakinggan nyo na muna yung version ni Daniel Padilla ng Hinahanap-hanap Kita. :"""> Wolo long, Daniel Padilla nalang kinuha ko para mas kiligin kayo. Mamaya malalaman niyo rin kung anong konek nito sa chapter na 'to. :P]

**flashback**

"Ano bang nangyari sa inyo ni Aileen? Diba BFFs kayo nun?" -Janelle

"Dati lang yun."

"Ganon nalang ba yun?" -Dianne

"Eh, parehas kaming tanga sa pag-ibig"

"Si Michael?" -Alora

"Oo. Nalaman ko nalang may crush pala si Aileen sa long-time crush ko!"

"Si Michael pinag-awayan niyo?!" -Dianne

OMAYGAS! Crush rin pala ni Aileen si Michael?! Wewww. Ang haba ng hair ni Michael ha? SIYA NA GWAPO! Well.. hindi ko naman sila masisisi. Talagang dream boy ng mga babae si Michael... ewan ko nalang ba kung bakit hindi pa niya ako napapafall.

Duh, may Randel ka kasi.

Ngeee. Kahit naman wala akong Randel, hindi parin ako mapapafall niya ha!

Tignan natin ha...

"Hindi naman sa pinag-awayan.. Eh nagkaiwasan na mula nung nagkaalaman."

"Sayang naman kayo!" -Janelle

"Mahirap din naman kasi magkaroon ng bespren na inlove din sa labbs mo diba?"

Para nga naman talaga sa pag-ibig, andaming nangyayari... Tignan mo 'tong dalawang 'to, nasira lang ang taon-taong friendship nila dahil sa isang lalaki.

Sabagay... Malay natin magkaganyan din kami ni Janelle kung totoo nga yung nafefeel kong may crush siya kay Randel.

"Hindi ko alam kapag nagkekwento ako sa kanya, hindi pala siya ganong natutuwa para sakin!"-Minette

"Ganyan talaga. Di mo masisisi si Kupido." -Janelle

**end of flashback**

Psh. Andami talagang nagkakagusto kay Michael. Ito kasi yung hirap kapag may crush ka sa isang heartthrob eh... hindi mo namamalayan pati pala best friend mo in love na rin sa kanya.

Buti nalang ako yung crush ko hindi na heartthrob, kaso malupit naman karibal ko sa kanya. Kaya nga hindi na naging heartthrob si Randel eh, sinukuan na siya ng napakadami niyang admirers noon. May pagka-suplado rin kasi siya eh.

Tignan mo naman si Michael, sobraaaaaang bait at friendly sa mga babae! Kaya hindi nauubusan ng mga admirers. Tapos pagwapo nang pagwapo pa! Kung ganyan lang si Randel... edi baka mas naging close pa kami diba?

Ay teka... si Aileen!

"Hermosa Aileen

sino crush mo?"

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon